You are on page 1of 2

Ang hirap palang magsimula ng isang tula,

Lalong lalo na kung ito’y tungkol sayo,

Hindi ko mahanap ang mga angkop na salita,

Ang dami kasi, naguguluhan ako,

Ginawa ko na lang ito para alam mo na, may sisimulan ako,

Mahirap magkamali, lalong lalo na sa tula, eh dito ka magaling,

Wag na nating pahabain pa ang mga rason kung bakit, na kung bakit ikaw ang napiling mahalin,

Ngunit hindi mo man damhin Pero ito ay totoo,

Hindi mo man pansinin ngunit may taong naghahabol sayo,

Na patuloy sa pagtakbo hanggang sa ika’y Huminto,

Huminto sa iyong kinatatayuan at ika’y maabot,

Maabot ang iyong mga kamay At ito’y mahawakan,

Mahawakan lang, kontento na, tapos handa nang maiwan,

Hindi ko man gusto ngunit kailangan mong lumayo,

Ganyan talaga ang buhay, hindi tumutugma sa kung kailan ka gustong magmahal,

Hindi sumasabay sa kung gusto mo pa bang magtagal,

Hindi sa lahat ng panahon ang buhay ay sasabay sayo,

Di sa lahat ng pagkakataon na ang buhay ay magpapasaya sayo,

Pero alam mo, kahit nahuli man ako,

Sana ay naabot ko pa rin sayo,

Ang mga katagang nasabi ko,

Alam mo Ang hina ko talaga,

May pagkakataon na ngunit inaatrasan ko pa,

Tanga ba ang tawag nun?

Yung minahal ka na tapos paayaw ayaw mo pa, pero sa huli siya lang din naman pala,

Nahuli sa pagpansin ang pag-ibig na matagal ng pinakita,

Hanggang sa dumating na sarado na ang damdamin napilit di magpakita,

Kahit man lang sa maliit na mga bagay ay aking mapakita,

Ang pag-ibig na huli kung maibigay sa huling mga oras,


Na umaasa na sa huling pagkakataon na ito pa ay magbukas,

Hindi man ako mangako ngunit hindi na ako aatras,

Pagsulong ng mga hakbang patungo sayo,

Kaya mahal siguraduhin mo lang na wag na wag kang tatakbo,

Kung ito’y mangyari, magsisimula naman ako sa umpisa,

Hindi ako titigil hanggang hindi ko ito maipasa,

Isang actual quiz na physical education ang hamon,

Na hindi susuko sa paglaban, nasa damdamin yun,

At pag ako may natalo, handa akong bumangon,

Na kahit masakit na ay patuloy pa rin,

Mga katagang natutunan ko sa pelikula, Sana ikaw din,

Malapit nang darating ang araw na ang magaan ay bibigat,

Tumatanaw sa malayo naghihintay sa hudyat,

Na mamahalin ka pa rin kahit magkalayong agwat.

Alam kong marami kang responsibilidad na dapat uunahin,

Na maipagmalaki ka ng iyong ina, yan ay siguraduhin,

Na sa buhay ngayon ay dapat magseryoso,

Kaya mag ingat ka palagi at pagbutihin ang pag-aaral mo,

Kasi Twin, nandito lang ako,

Ang kakambal mong, makulit, traydor, palaging late, sira ulo,

Mga papuring aangkinin ko,

Kaya laban lang, kung hindi mo na kaya, maging karamay mo ako,

Na sa huling mga kataga, nitong tula, ay sasabihin ko sayo sinta,

Twin, MAHAL KITA 

You might also like