You are on page 1of 2

May mga pagkakataong napapatulala lang ako bigla,

At di ko mapigialng ngumiti,

Napangiti dahil sa kagalakan,

Na akoy nagging parte ng kalawan,

Kalawakang nilikha ng dios,

Di ko alam kung sino lang ditto ang kapareho ko ng nararamdaman,

Pero isa lang ang sigurado ako,

Na ang buhay natin ay may mas malalim pang kahulugan,

Kaya hayaang mong akoy magtanong,

MALAYA kaba?

Ang kilso mobay hindi dinidekta ng iba?

O ikaw bay nakakadena narin sa Sistema?

Sinasabi kasi ng mundo,

Dapat akoy matangkad at gwapo,

Dapat maraming likers , maraming followers,

Mga damit koy dapat lagging bago, ang presyo umaabot ng libo2

Na kahit si inay pa mismo ang kumakayod pambili nito,

Dahil ang suot mo ang halaga mo,

Tsaka dapat akoy may bisyo,

Alak , droga, babaet sigarilyo,

Hit2 dito, hit2 doon, nawawala pansamantala ang problema ko,

Uuwi ng maaga, dahil kasabay sa aking paguwi ang pagsikat ng araw ,

na tila bay di na bago sa aking Sistema,

Buong gabing nagpakalunod sa tukso,

Buong gabing nagpaalipin sa kasalanan,

Buong gabing kinalimutan kung ano ang dapat,

Buong gabing inabuso, binaboy at kinalimutan

na ang mga dilag ay nilikha ng diyos para mahalin , para alalagaan,

hindi sila laruan na pagkatapos mong pagsawaan ay agad mo lang iiwanan kung saan

at tsaka dagdag pa nang mundo

dapat akoy nangunguna sa lahat ng bagay,

dapat magaling magitara, dapat magaling sumayaw, kumanta , tumula ,

magaling mag lead ng worship at higit sa lahat dapat matalino,

Dahil walang lugar sa mundo ang tulad kung bobo,

At higit sa lahat , dapat daw akoy may nobya,


Kaya yun sinubukan ko, binigay ko lahat ng oras, atensyon, pag alaga at

Pagmamahal na kahit di pa nga kami , ang mahal ng iba di ko na magawa,

Binigay ko lahat, buong buo na nakalimutan mag tira para sa sarili ko.

Kayat kapatid, tatanungin kita ulit,

Malaya kaba? Dahil kung nagpapahatak ka sa sinasabi ng mundo

at humintong making sa tinig niya,

naengganyong muli sa mga materyal na bagay,

Napagod ka nang magsilbi sa kanya , dahil nakalimutan mo na ang dahilan?

Sinasabi ko sayo ngayon di kappa Malaya,

Dahil ang kalayaan ay hindi kasiyahang naka kadena,

Nakakadena sa opinion ng iba ,

Wag mong hayaan na sa buhay mo sila ang magdekta,

Hindi mo kailangang magusto ka nila,

Ang kaylangan moy magustuhan ka niya,

Dahil sa huli hindi naman sila hahatulan kung mamamatay kana,

Hindi mo kailangan ng maraming likers o followers , si hesus nga labindalawa sapat na,

Ang mali ay mali kahit na tayong lahat ang gumagawa niyo,

Ang tama ay tama kahit ni isa satin walang sumunod nito,

Dahil kung magpapadala ka sa agos ng karamihan ,

Kailanman hindi mo makakamit ang tunay na kalayaan,

Na mararamdaman moa ng kapayapaan sa puso mo ang galak sa damdamin,

Dahil hindi porket Malaya kana lahat ay pwede mo nang gawin,

Dahil itoy may limitasyon,

At kung lalabagin ang limitasyon,

Ang kalayaang pinili moy tila isang tuyong dahoon na nakalutang sa ere

at sumasabay sa ihip ng hangin ,

Kung sa sa tingin moy Malaya ka sa mundo dahil lahat pwede mong gawin,

Pakatandaan dadating ang panahon na ikay madudurog din,

Kaya lumaya ka sa kamunduhan

Lumaya mula sa maling kaisipan

Pakatandaan na hndi masama ang paghakbang ng paa mula sa kinatatayoan ,

Magiging mali lang ito kung lumaya ka … sa sarili mong paraan

You might also like