You are on page 1of 2

PAGPAPAUBAYA’y TAPOS NA, IKAW NAMAN ANG KUMAWALA

Disay A.M.

Tama bang sabihin kong, “bitaw na, hayaan mo na kaming dalawa.”

Kung unang-una, wala naman talagang “kayo sa istorya”

Paano ba nagsimula ang aking pagpapaubaya?

Nagsimula ito, isang gabing nahulog ka sa isang patibong ikaw naman ang may gawa.

Simula ng gabing yaong pinamalas mo ang iyong nararamdaman sa kanya, kung kailan at bakit ito
nagsimula, doon din nag-umpisang binitawan ko ang pangako ko sa kanyang “kami lang dalawa”.

Samahan nami’y nasira, pagmamahalan at tiwala sa isa’t isa’y may lamat na,

Nguni Salamat sa Diyos at kami pinagpala..

Binigyan kami ng kaibigan para buksan ang aming mga mata…. Na di ang kagaya mo ang sa amin sisira.

Kaya’t sa dalawang taon mahigit… pilit kong ibinaon sa limot at pinili kong magpatawad sa ginawa mong
paghagupit.

Kahit na dumating sa puntong istorya’y iyong minanipula, mga kuwentong binaliktad mo sa tuwina,

Para sa paningin ng lahat ikaw ang naging kaawa-awang biktima.

Lahat iyan, ay hinayaan ko na. Sino ba naman ako para paniwalaan nila?

Kaya’t ako sa iyo’y dumulog , humingi ng tawad ng walang pag imbok,

Nagbabakasakaling, maawa ka sa akin at siya’y kalimutang lubos.

Nguni ano ang iyong ginawa?

Binigyan ka ng pagkakataong itama, ang mali mong nagawa.

Nguni hindi ka nagpaawat sa bugso ng iyong damdamin… hinayaan mong kainin ka ng pride o
pagbabakasaling ibaling ang atensiyon niya, kami’y talikuran at ikaw ang siyang pipilin niya, hindi ba?

Ilusyonada! Tatanda ka’t maging ugod-ugod, di mo matatanggap ang pagmamahal niyang sa akin lamang
inabot.

Sa tingin mo ikaw ang panalo? Nang harangin mo ang tulay upang kami ay tuluyang mabuo?

Tama ka, hanggang sa paningin mo lang pa la, dahil maparaan Siya, ang sinumpaan naming dalawa ay
hindi masisira kailanman ng isang taong kagaya mo lang.
Kaya’t kung tatanongin mong, “WHAT’S ON MY MIND?”

Isang napakalaking SALAMAT PO! Salamat… sa wakas ay natapos na rin ang dalawang taon mahigit…

Dalawang taong mahigit na pagpupumilit na ibaon ang iyong hagupit

Na kahit anong pilit na pagwawaglit ay di tuluyang malimot ang sakit na dinulot

Di lamang sa buhay ko Nguni buhay nami na pinagyamot mong mabuo.

Kita mo? Kahit anong tayog ng iyong naabot, kahit taas-noo mong ipagdamot,

Ang Kalayaan niya’y tuluyang kumawala sa hawlang ikaw ang may gawa!

Hinayaan kitang manipulahin ang istorya, kaawaan ng mga tao, kalabanin ako dahil sa tingin nila ikaw ay
inalipusta…

Saan sila ngayon? Saan ang mga taong pinili kang damayan? Di ba Nawala bigla?

Dahil, ginamit mo lamang sila at patuloy na ginagamit kapag may pakinabang ka!

Kaya’t wag mong isisi sa akin kung mag-isa ka ngayon…

Tapos na akong magpaubaya…. At sa puntong ito, kahit ako ay hamak lamang na nakatapak sa lupa, taas
noo kong sasabihin sa iyong AKIN LAMANG SIYA, DAHIL KAILANMAN AY DI SIYA NAGIGING IYO!

You might also like