You are on page 1of 1

basta tula 'to

isang maikling tula para sa taong hindi ako ang gusto,


aking mahal ika'y binigyan na ng payo,
nararamdaman ko sayo'y hindi na magbabago,
sana'y bigyan mo ng halaga itong pagibig ko sayo.

kung ano man ang namamagitan man saatin,


hanggang kaibigan nalang siguro talaga ang pagsasamahan natin,
mahirap man tanggapin,
ngunit yun lang ang ibinibigay sa atin.

kung ako lang ang tatanungin,


ano mang pagsubok ay tatahakin,
makuha ka lang at tuluyang maging akin,

aking mahal,
sa ngayon pagibig mo sa kanya'y tatanggapin,
sino ba naman ako para iyo'y piliin,
alam kong sa una palang ay talo na ako,
ngunit ang sabi ko sa sarili ko ay kaya ko 'to.

hindi man kita nakuha,


ang mahalaga ay minahal kita,
sana man lang ay nabigyan iyon ng halaga,
sobrang sakit ng ginawa mo saakin aking sinta.

kung pwede lang bumalik tayo sa nakaraan,


nakaraan kung saan,
masaya tayong magkasamang naglalakad sa daan,
panahong malaya tayong gawin ang mga plano nating dalawa,
planong parang hindi na ma- uulit pa.

ewan ko ba kung bakit nahulog pa'ko sayo,


kahit alam kong hindi ka magiging akin sa dulo,
hindi ko alam ang gagawin ko,
litong lito na 'ko,

gusto na kitang tanungin,


kung sino ba talaga iyong pipiliin,
masakit mang isipin,
kahit ipilit man natin,
alam ko na siya parin ang iyong mamahalin.

You might also like