You are on page 1of 1

ETO NA ANG HULI

Ang mga ala-ala, mga ala-ala na nating dalawa na magkasama, ala-alang hindi na maibabalik pa. Tawagin niyo man akong tanga pero
gusto ko pang ibalik, kung pwede pa, kung pwede lang.

Eto na ang huli na mamahalin kita dahil pinipili ko ang magpaalam. Pagod na rin akong ipilit na baka pwedeng maayos pa. Kailangan
ko na rin sigurong tanggapin na pinagpalit mo na’ko sa kanya, kaya sisiguraduhin ko na kung eto na ang huli di na to mauulit muli.
Tatanggapin ko na pinili mong itapon ang mga pinagsamahan natin. Para sa babaeng halos nakainuman mo lang kahapon. Halos kahapon
lang pero nagawa mo agad akong bitawan, tatanggapin ko na siya na at hindi na ako, siya na ang makakahawak-kamay mo dahil binitawan
mo na ako. Tatanggapin ko na hanggang dito nalang dahil nagsimula na ang istorya niyo.

Pero sana sa pagtanggap ko huwag kang magsisi sa bago mo. Balita ko kasi mahilig siyang mangolekta ng basketbolista. Masakit man
sa’kin na ang itinuring kong hari ay pipiliin ang katulad niya. Ilang ulit kong tinangkang bawiin ka pero tinaboy mo lang ako. Siguro nga,
may pagkukulang lang ako at sakanya mo yun nakita. Ilang paligo lang naman ang lamang niya sakin. Pero di niya matutumbasan yung
pagmamahal at pag-intindi ko sa ugali mo.

Pero sana hindi ka nagkamali, sana tama ka na pinili mo siya. Kung mangyari man yun mga hapdi’y titiisin ko, tatanggapin ko mahal
na sa susunod na isusulat ko ay hindi na tungkol sayo. Dahil eto na ang huli na hahabulin ka, pagkat alam kong sakanya ka parin sasama.
Eto na ang huli na aalayan ka, kaya mahal paalam. Alam ko namang masaya ka na, sinimulan ko ng tanggapin na wala na nga. Eto na ang
huling beses na sasabihin ko ito “MAHAL KITA”. Pero ngayon siya na ang mahal mo kaya pinili ko nalang na panuorin ang inyong
istorya. Kahit sobrang masakit sakin na makitang mas masaya ka sakanya, tatanggapin ko na hindi ko na magagawang hawakan ang palad
mo. At hindi ko na mararamdaman ang matamis na yakap mo.

Masakit man mahal, pero “Mag-enjoy sana kayo ng bago mo”.

You might also like