Professional Documents
Culture Documents
Mas Duwag Ako
Mas Duwag Ako
Duwag ka
Dahil hindi mo kayang sabihin sa akin nang harapan
Pero mas duwag ako
Sa pagtikom ng aking bibig dahil takot akong bigla mong talikuran
Duwag ka
Dahil dinadaan mo pa sa bahagyang pag-iwas ng iyong mga kamay kapag inilalapit ko na
ang mga palad ko sayo
Pero mas duwag talaga ako
Dahil hindi kita kayang bitawan at naniniwala pa rin akong mapalad ako sayo
Pero mas takot ako na ikaw yung magmukhang nagkamali sa ating dalawa