You are on page 1of 1

Akala ko okay na sige, sigelang, durugin mo ko

Akala ko pwede na ng pinong-pino


Akala ko may chansa pero sana maisip mo
Akala ko lang pala na tao lang akong umiibig sayo

Kasi hindi mo kaya na handang mahintay na alayan mo


Kaya ako’y napaasa alayan ng pagmamahal mo
Pero sa totoo lang ha kahit hindi sobra ang ibigay mo
Ayaw mo lang talaga gusto ko lang na nasaakin at atensyon mo

Kasi kung gusto mo ko


Pinaglaban mo ko
Hindi yung iiwan mo ko
Na parang wala lang ako sayo

Sana di ka nagbigay ng motibo


Kasi yun lang yung pinanghahawakan ko
Kahit wala akong lugar sa mundo mo
Kahit ako’y iyong pinagtabuyan at pinalayo

Pero alam mo Ako’y magiging tanga


Kasi puso ko’y iyong nabihag na
Yung mga di mo kaya
Ako nalang ang gagawa

Ipaglalaban kita
Ipapakita kong mahal kita
Kahit ikaw ay lumayo na
Ako ay kakapit pa

Ipapangako ko sayo
Na ikaw parin hanggang dulo
Itaga mo yan sa bato
At itatak sa isip mo

Kung sakaling mapagod ako


Huwag kang papasigurado
Kasi ipapahinga ko
Itong marupok kong puso

Papanindigan ko
Na ika’y minahal ko
at patuloy na mamahalin ko
kahit ilang ulit na durugin mo ko

You might also like