You are on page 1of 1

PARA SAYO

Ilang beses na bang nasaksihan ang paglubog ng araw kasama ka?


Ang paglaho ng kulay rosas sa dilaw

Ilang beses na bang naghagis ng barya sa tubig?


Ang paghiling na sana may katuparan ang lahat

Ilang beses na bang nagbihis ng pula?


Ang paniniwalang lalapitan ng suwerte

Ilang beses na bang nangulila sa’yo?


Ang kaisipang sana mayakap ka

Ilang beses na bang kinausap ang buwan?


Ang makampante sa liwanag na kaya niyang ibigay

Ilang kamay na ba ang nagdaan at nahawakan?


Ang pagtanong na ganito rin ba ang pakiramdam ng iyo

Kapag ba natapos ko na ang pagbibilang


Maabutan pa ba kita sa dulo?

Ang pag-asam na may sorpresa sana sa huli


Ang pagmithi na sana maisipan mong manatili

Kahit maikling pagdalaw manlang sa panaginip


Ang mahalaga’y maramdaman ka

Maglayag man hanggang sa tala


Sa’yo pa rin pabalik ang diwa ko

Aking mahal dito lang sa piling ko


Dahil ikaw ang lakandiwa sa talambuhay na ito

You might also like