You are on page 1of 2

PANAGINIP

Sa bawat patak ng ulan na aking minamasdan, akoy napa isip nalamang

Ito bay aking nararamdaman, o sadyang bulag lang sa katotohanan.

Hindi man binigyan ng atensiyon,

pero ito’y naging rason upang ipalawak ang aking imahinasyon.

Kung ito ay isang pagkakamali,ay alam ko sa sarili ko na hindi pa huli

Sana’y maisuli ko ang pagkakataong matama ito muli.

Hindi ko man naiintindihan ng buo

Napagdesisyonan ko na lamang ipagpaliban nalang ito.

Habang akoy naglalakbay sa malawak na ispasyo

Biglang may umalingawngaw sa mga pandinig ko

Na tila’y itoy nagpatigil sa aking mundo.

Na iniisip ang lahat ng bagay haggang dulo

Tuwing humahakbang ako sa mabasang daanan

Patuloy tumutulo ang aking luha na hindi ko naman namamalayan.

Ako’y napa halimhim na lamang sa daanan

At don napagtantohan na isang panaginip lamang.

Marahan kong binuksan ang aking mga mata

At hindi ko namalayan ako’y gising napala

Tuwing akoy napapaisip

Bumabalik ako sa aking mga panaginip.

You might also like