You are on page 1of 2

“Arte niya lang yan.


“Nagpapa-awa!”
“Naghahanap lang ng atensyon”
“Pasikat!”

Mga salita na madalas kong marinig


Mula sa bibig
Ng mga taong may utak na makikitid
Panigurado sila’y bingi,
Hindi naririnig ang pagsusumamo at mga tinig

O baka naman sila’y mga bulag,


Hindi nakikita ang bawat patak ng luha sa aking mga pisngi
At mga marka ng mga sugat ng sakit, pait at pighati
Na gawa ng mga matatalim na dila na tila bagong hasa
Na isinalang sa apoy sa init at hapdi
ng bawat letra na pumapasok sa aking tenga
pilit ko mang ilabas sa kabila
Ngunit parati sa puso at isipan ko ay nagiiwan ng malalalim na marka
Na kahit kailan ay hindi na mawawala pa

Ako,
Ako si Dep
Hindi ko tunay na pangalan
Ngunit ito na ang aking pagkakakilanlan
Depresyon
Akala ko malungkot lang ako,
Akala ko problema lang ‘to
Akala ko… akala ko kakayanin ko
Ngunit heto ako humantong sa punto na tanging lubid lang ang nakikita kong pag-asa o baka naman ay sa bawat
patak ng dugo mula sa aking mga pulso ay unti unting mababawasan ang bigat na araw araw kong pinapasan sa
aking balikat
At sa bawat segundo ay tila sirang plaka na paulit ulit
Paulit ulit
Paulit ulit
Kong naririnig!
“WALA KANG KWENTA”
“WALA KANG SILBE”
“MAMATAY KANA LANG!”
na tila ako’y walang lugar sa mundong ito
Isang alikabok lamang sa sahig
na tinatapak tapakan
At dinudurahan
Pilit mang kumakapit
Ngunit paulit ulit na nahuhulog sa lalim ng kalungkutan at ang pagsamo na sana ako’y inyong pakinggan
Gusto ko mang tumakas sa pagkabilanggo dito
Ngunit tila ito’y nagsilbi ko ng anino

Ako,
Ako? Sino nga ba ako?
Hindi ko na kilala
Hindi na ako ‘to
Nasaan na?
Nasaan na ang mga panahon na ako’y masaya pa?
Nasaan na ang mga ngiti na palaging nakaguhit sa aking mga labi?
Hinanap ko
Hinanap ko ngunit hindi ko makita
Sinisid ko ngunit mas lalong lang lumala
Nalulunod ako at hindi makahinga
Na tila pinipiga
Hanggang sa ako’y ubos na ubos na
Pati ang aking dugo ay nailuha na
Ngunit hindi pa rin nawawala

Pagod na pagod na
Ang mata ko sa pagluha
Ang mga unan kong kotang kota na sa pagbuhos nito tuwing gabi
At kinabukasan ay kinailangan pang pigain sa dami

Ang nais ko lang ay ang payong kaibigan, hindi payong sa ulan


Ang nais ko lang ay makakaintindi at hindi bingi sa katotohanan
Na hindi lamang ito basta basta kalungkutan

Dahil ito ay malala ng kalagayan


Na dapat ninyong mapakinggan at malaman

Sumasamo na bigyan ako ng lakas upang maka-alpas


Sa hindi matapos tapos na problema
Hindi alam kung ano ang pinagmulan
At hindi rin alam kung ito paba ay mawawakasan

Nakita ko,
Nakita ko ang sarili ko sa isang sulok ng silid
Tila pamilyar ang lugar
Nakita ko,
Nakita ko ang aking sarili
Na nakasabit sa isang lubid
Walang hininga
Walang buhay
Nakita ko rin,
Ang bawat piraso ng basag na bote
Na nakakalat sa sahig
At ang dugo na dumadaloy mula sa aking mga kamay

“Arte niya lang yan.”


“Nagpapa-awa!”
“Naghahanap lang ng atensyon”
“Pasikat!”

Mga salita na madalas kong marinig


Mula sa bibig
Ng mga taong may utak na makikitid
Oo sila nga ay bingi,
Sapagka’t hindi nila narinig ang aking tinig
Umaasa na nawa’y ito na ang wakas
Wakas ng matinding kalungkutan na kung tawagin nila ay depresyon

You might also like