You are on page 1of 2

Saint Ferdinand College

Cabagan, Campus
Centro, Cabagan, Isabela

PRELIMINARYONG PAGSUSULIT
sa Masining na Pagpapahayag/Retorika (FIL 2/GE 11)

Pangalan___________________________ Puntos______________________
Taon at Seksyon_____________________ Petsa_______________________

SET B

MGA PAALALA: 1. Mahigpit na ipinagbabawal ang magbura dahil ito’y nangangahulugang mali.
2. Kung may tanong, huwag lamang ang tamang sagot, itanong sa guro at huwag sa katabi.
3. Ang sinumang mahuli kong nagtatanong sa katabi, kukunin ko na ang papel at hindi ko na bibigyan
pa ng pagkakataon pa na makapag-eksam muli.
I. Identipikasyon A
PANUTO: Basahin at intindihing mabuti ang bawat pahayag/tanong. Isulat ang sagot sa kanang bahagi nang inyong
sagutang papel. Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang bawat pahayag/halimbawa.
1. Walang alinlangang isa na siyang Maria Clara kung
paanong ang ina niya’y naging Sisa.
2. Binulungan ng kabaitan ang naguguluhang isip ng bata.

3. Ang bagting ng gitara ni Efren sy nakikiusap.

4. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo…isa kang

taksil!
5. Dapat ipa-tune up ang wheels ko kasi nagkukulang na sa
gasoline.
6. Apat na maliliit na paa ang sumalubong sa ama.

7. Natunaw ang dilag sa tindi ng kahihiyan.

8. Magkakaroon din lamang siya na babae ay bakit pa sa

isa pang mababa ang lipad.
9. Venus siya sa kagandahan.

10. Anaki’y dagundong ng kulog ang nagagalit na boses ni

Christopher.
11. May huminto, humimpil, pagkatapos humilata
kaipala’y isang lalaking humihingal…humihingi ng awa!
12. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng
kapighatian.
13. Napalayo siya at naligalig sa nagawa niyang
napakabilis na pagpapasiya sa kanyang pusong umiibig.
14. Lason sa kanya ang ginawa mong pagtalikod sa inyong
pag-iibigan.
15. Ang bait mo naman, sana kunin ka na ni Lord.
16. Humahalakhak ang musika kung kaya’t sandaling
nalimot niya ang kalungkutan.
17. Ang puso ng tao ay isang batingaw, sa palo ng hirap ay
umaalingawngaw.
18. Ano ka ba, kabaitan? Ikaw ba’y isang pangalang
walang kabuluhan.
19. Pasan ni Elma ang daigdig mula nang mamatay ang
kanyang asawa.
20. Ang batas na ito ay mula sa tao, para sa tao.
II. Tama o Mali (2 puntos sa bawat bilang)
PANUTO: Basahin at intindihing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang MALI kung ang pahayag ay tama at isulat ang
TAMA kung ang pahayag ay mali, kung ito’y mali salungguhitan ang mali iwasto ang nagpapamali sa may
itaas na bahagi upang maging wasto ito.
__________1. Kata nang kumain sa kantina.
__________2. Mayroong naggagandahang bulaklak sa may hardin.
__________3. Aalis n asana kami kundi ka dumating.
__________4. Dito ka sa harap ko para maunawaan mo ang sinasabi ko.
__________5. Sa takbuhan mo siya subukan at hindi sa beysbol.
__________6. Huwag paglaruan ang pintuan at baka masira.
__________7. Susubukin ng mga taga-lalawigan ang galling ng mga taga-lunsod.
__________8. Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado.
__________9. Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya’t hindi niya maisara ang pintuan.
__________10.Sila Hershey at Olive ay nanalo sa patimpalak.

III. Pagpapaliwanag
1. Ang RETORIKA ay “bala ng dila”, ayon kay Lope K. Santos.
__________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________.
2. Ang RETORIKA ay isang pamamaraan ng maganda at kaakit-akit na pagpapahayag na ginagamitan ng sining?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________.

Inihanda ni:

REXSON D. TAGUBA, LPT

Filipino Instructor

Isinumite at Iniwasto ni:

CESAR B. MALENAB, Ph.D.

Dekano ng Kolehiyo

You might also like