You are on page 1of 1

BUWAN NG

WIKANG
PAMBANSA
SETYEMBRE 01, 2021

" Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika , ay higit pa sa hayop

at malansang isda ."


Ito ang mga katagang namutawi sa bibig ng ating pinkadakilang

bayani na si Gat . Jose P . Rizal . Kaniyang binigyang - diin ang

pagtangkilik sa ating sariling wika upang mas lalo pang umusbong ang

ating pagkakakilanlan bilang isang Pilipino .


Taon - taon ay ating ginugunita ang kaarawan ng ating Ama ng Wikang

Pambansa na si Manuel Luis Quezon . Bilang kaugnayan nito ,


Ipinagdiwang ng Saint Ferdinand College - College Department ang

paglunsad ng palatuntunan para sa Buwan ng Wikang Pambansa na

may temang : "Filipino at mga Wikang Katutubo sa

Dekolonisasyon ng Pag -iisip ng mga Pilipino " nitong ika -1 ng

Setyembre , taong 2021 sa pamamagitan ng birtwal na programa .


Pinangunahan ito ni Ginoong Rexson G . Taguba , guro sa Filipino , bilang

tagapagsalita ng programa . Ang nasabing palatuntunan ay mayroong

tatlong aktibidad gawain / na nilahukan ng mga mag - aaral upang

magpakitang - gilas ng kanilang talento at abilidad . Ang mga

patimpalak ay ang sumusunod : Teks - Tok , Paggawa ng Poster at Vlog -


tasan .
Ang programa ay nag - umpisa sa pamamagitan ng awiting pamuri na

sinundan ng pambansang awit . Naghayag naman ng kanyang

masiglang pambungad na pananalita ang dekano ng kolehiyo na si

.
Dr Cesar B . Malenab .

Ang pagdiriwang ay isinagawa upang maging aktibo ang bawat mag -


aaral sa ibat - ibang patimpalak at para mabigyang pagpapahalaga

ang wika na kaisa na ng ating kultura at kaluluwa .


Patunay lamang ito na hindi hadlang ang pandemya sa pagdiriwang

ng Buwan ng Wika dahil may mga makabagong pamamaraan sa

tulong ng teknolohiya upang maisakatuparan ang mga importanteng

paggunita sa mahalagang pangyayari sa ating bansa .

"Through the Steps We Take, We Grow"

You might also like