You are on page 1of 43

Republika ng

Pilipinas
Kagawaran
ng
Edukasyon
Kanlurang
Visayas
Pagdiriw
PAMBANSA
NG MATAASang ng

Ulat
Buwan ng
NA 2022
PAARALAN
NG CAPIZWikang
Pambans
Departament

-
o ng Filipino
a Tema:
“Filipino at

Pasa
ELBERT L.
Inihanda Nina:
mga
Katutubong
Wika:
MELVIN I.

laysaLAÑA
Guro III Pinagtibay Ni:

CATHERINE D.
Guro III
ABADA
Kasangkapa
n sa
y DIAZ
SSHT V - Filipino
Pagtuklas at
Paglika”
Naratib
ULAT-PASALAYSAY NG PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKANG
PAMBANSA 2022
“Wikang Filipino at mga Wikang Katutubo: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”

PANIMULA
Sa Isip, Sa Salita at sa Gawa, naibubukod-tangi ang Wikang Filipino na
pagkakakilanlan ng liping Pilipino. Wikang naging daan sa di mabilang na pagpupunyagi
lamang ay magkaroon ng tulay sa diwa ng bayanihan at pagkakaunawaan. Kasangkapang
naging buhay na saksi sa mga obra maestra at pagtuklas sa larang ng agham at
teknolohiya. Naging masalimuot man ang landas na tinahak ng ating pambansang wika
maging ng mga katutubong wika, isang katotohanan pa rin ang di mapasusubalian na
nasa ating mga kamay na ang pag-unlad at patuloy na pagyabong ng mga instrumentong
ito para magtala at mag-ukit ng tagumpay sa dahon ng ating kasaysayan. Patunay na
dinamiko ang wika dahil habang umuunlad ito ay niyayakap nito ang maraming
posibilidad ng pagbabago at pananagumpay.
Ang tema ngayong taon ay pagkilala sa importansiya ng batayang saliksik na may
malaking ambag sa lipunan. Mga kinilalang tuklas na nagdulot ng maraming pagbabago
sa paraan ng pamumuhay ng tao. Mga pagtuklas na nagdulot at nagmarka ng maraming
benepisyo na kinagigiliwan at ginagamit na rin sa kasalukuyan lalo na sa pagyakap at
pagharap sa mga hamon ng modernisasyon. Pag-uswag na pinuhunan ang mga
makabuluhang kaalaman na tinapatan pa ng pag-uhaw sa pananaliksik gamit ang
malilikot na guni-guni at imahinasyon.
Huwag din nating isawalang bahala ang imbak na karunungan mula sa ating mga
katutubong wika. Nasa mga wikaing ito ang sentenaryo ng ating pinagmulan, mayamang
kultura na naging basehan ng payak na pamumuhay ng ating mga ninuno at tradisyong
kasasalaminan ng ating kasaysayan.
NILALAMAN
Gahol man sa oras dahil sa maraming paghahanda bago ang pasukan, di pa rin
natinag ang simulain ng Departamento ng Filipino na maghanda ng paligsahan bilang
bahagi ng pagpapahalaga natin sa Wikang Filipino. Nagkaroon ng patimpalak sa pagsulat
ng sanaysay at paggawa ng poster-slogan batay sa tema ng Buwan ng Wika na “Filipino
at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa
Pagtuklas at Paglikha”. Tinukoy ang mga naging kalahok mula sa mga special program
ng paaralan at mga unang pangkat ng regular na klase. Kinilala ang mga nagwagi noong
Setyembre 9, 2020. Sila ay ginawaran ng sertipiko at medalyon bilang pagtatangi sa
kanilang mga kahusayan at lubos na pakikiisa sa mga nabanggit na paligsahan. Ang
nasabing paggawad ay pinaunlakan ng pinuno ng Departamento ng Filipino na si Gng.
Catherine D. Diaz na sinamahan ng mga masteradong guro na sina, Norberto B. Valles,
Victoria F. Deguma at Renato A. Avaricio. Hindi rin matatawaran ang oras at panahon na
iginugol ng mga tagapangasiwa na sina G. Elbert L. Lana at G. Melvin A. Abadan na
siyang naghanda ng mga panuntunan at tagubilin sa mga nabanngit na kategorya.

KONGKLUSYON
Ang tagumpay ng isang gawain ay nasa kumpol at kawan ng pagtutulungan. Ang
bigat nito ay napagagaan ng maraming kamay na nagkakaisa at nagtutulungan.
Ang pagpapahalaga sa Wikang Filipino ay isang selebrasyon ng pagkakaroon natin
ng isang Wikang Pambansa na magbibigkis sa atin tungo sa isang natatanging simulain at
adhikain. Kabuluhang patuloy nating babagtasin hanggang sa mga susunod na salinlahi.
Sasariwain sa ating mga adhika na minsan sa ating kasaysayan ay nilandas ang isang
hakbanging magpapatatag ng ating identidad bilang lahing kayumanggi.
Kalat-kalat man ang maraming isla sa ating bayang sinilangan na pinatingkad ng
maraming wikain, dagdag kulay pa rin ito sa mayamang kalinangan ng Bansang Pilipinas
na lalo pang idinambana ng Wikang Filipino na sandalan ng mga darating pang reporma
at mga pagbabago.
Program
Tuntuni
At
Kraytery
Ng
Paligsaha
Pambansang Mataas na Paaralan ng Capiz
Lungsod ng Roxas
Departamento ng Filipino

PALIGSAHAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY


T.P. 2022 - 2023

Mga Panuntunan
1. Ang opisyal na mga kalahok ay magmumula lamang sa ilang piling espesyal na programa at
unang pangkat sa bawat kurikulum: 1. Special Technology and Engineering, School of the
Future, Altair, Andromeda, Aguinaldo at Alexandrite.

2. Ang sanaysay ay ibabatay sa paksa ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa; “Filipino


at mga Katutubong Wika Kasangkapan sa pagtuklas at Paglikha”.

3. Ang akda ay maaaring isulat sa pormal o ‘di pormal na sanaysay.

4. Binibigyan ng 1 (isang) oras ang mga kalahok sa pagsulat.

5. Ang komposisyon ay maglalaman lamang ng hindi kukulangin sa 250 mga salita at hindi
lalampas sa 300 mga salita.

6. Isusulat ang sanaysay sa isa o higit pang kapirasong “Yellow Pad”.

7. Ang Plagyarismo ay mahigpit na ipinagbabawal.

Pamantayan

NILALAMAN (50)
Kaugnayan sa Paksa 20
Kalinawan sa Paglalahad 20
Orihinalidad 10
ORGANISASYON (30)
Kaisahan 10
Pagkakaugnay 10
Punto 10
MEKANIKS (20)
Wastong Gamit ng mga Salita 10
Bantas 5
Baybay 5
Kabuuan 100
Inihanda ni

GNG. CATHERINE D. DIAZ


SSHT V - Filipino

PANUNTUNAN AT KRAYTERYA NG POSTER-SLOGAN

Mga Tuntunin:
1. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mag-aaral mula sa Grado 7
hanggang Grado 10.
2. Iguguhit sa isang long coupon bond ang poster-slogan.
3. Gumamit ng mga pangkulay na ginagamit sa pagguhit gaya ng
krayola, water color, colored pencil at iba pa.
4. Kinakailangang bubuuin lamang ng lima hanggang pitong (5-7)
salita ang slogan.
5. Ibabatay sa paksa ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2022
ang poster-slogan. Ang paksa sa pagdiriwang sa taong ito ay
“Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa
Pagtuklas at Paglikha”.

KRAYTERYA:
Kalinisan at kalinawan ng gawa---------------------- 10%
Paghahanay ng mga salita sa slogan---------------- 40%
Kaangkupan ng poster sa paksa---------------------- 50%
_________
Kabuuan ---------------------- 100%
Mga
Tagubilin
KARAGDAGANG PAALALA UKOL SA MGA AKTIBIDAD NG
PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA.
Kaugnay sa ginawang pagpupulong sa
departamentong may kaugnayan sa mga aktibidad ng
pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ay
napagkasunduan ang mga sumusunod na petsa at
gawain:
Agosto 30 – Oryentasyon ng mga guro sa kani-kanilang
mag-aaral ukol sa asignaturang Filipino at ilan pang
mahahalagang tagubilin ng mga tagapayo sa
hinahawakang pangkat.
Agosto 31 – Paglalahad ng mga guro sa tuntunin,
kriterya ng pagsulat ng sanaysay at paggawa ng poster
slogan kalakip ang pagtalakay sa tema ng Buwan ng
Wika sa taong ito.
Setyembre 1 – Sabay-sabay na pagsulat ng sanaysay ng
mga mag-aaral gaamit ang yellow pad.
Setyembre 2 – Sabay-sabay na paggawa ng poster
slogan gamit ang long coupon bond.
Setyembre 5 – Paghihimay ng 10 pinakamagagaling na
awtput bawat kurikulum at pagsumite ng 10 napiling
pinakamagaling na awtput sa kabuuan.
Setyembre 6 – Paghahatol ng Lupon ng Inampalan sa
paghirang ng 3 pinakamahusay na mga mag-aaral sa
kabuuan.
Ang tagubiling ito ay kuha mula sa messenger bilang
paghahanda sa gagawing paligsahan ng Buwan ng Wikang
Pambansa

Awtpu
Sa
Pagsula
Ng
Sanaysa
Awtpu
Sa
Paggaw
Ng
Poster
Slogan
Sertipik
Ng
Pagkilal
Ng mga
Nagwag
At
Tagasana
Memorandu
Pangkagawa
Blg. 073, S. 2
Mga
Kuhan
Laraw
aa

Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral mula sa Grado 7


Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral mula sa Grado 8
Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral mula sa Grado 9
Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral mula sa Grado 10
Paggawa ng Poster Slogan ng mga Mag-aaral mula sa Grado 7
Paggawa ng Poster Slogan ng mga Mag-aaral mula sa Grado 8
Paggawa ng Poster Slogan ng mga Mag-aaral mula sa Grado 9
Paggawa ng Poster Slogan ng mga Mag-aaral mula sa Grado 10

You might also like