You are on page 1of 6

MODYUL SA FILIPINO 21: KONTEKSTWALISADONG

KOMUNIKASYON SA FILIPINO
UNANG SEMESTRE, TP 2021-2022

Aralin 1 - Introduksyon: Ang Pagtataguyod


MODYUL 2: ng Wikang Pambansa

Paksa: CHED Memo no. 20 s.2013


“Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino, Para Kanino?” ni Dr. Neri

Tungkol Saan ang Araling ito


Sa araling ito, ilalahad sa iyo ang nilalaman at pinagdaanan ng CHED Memo No. 20
s.2013 at paano naman pinaglaban at tinaguyod ng KWF at Tanggol Wika ang pagtuturo ng wika at
panitikan sa kolehiyo. Inaasahang iyong lubos na maunawaan ang panig ng CHED at Tanggol Wika
sa nasabing memo sa pamamagitan ng pananaliksik, pagbabasa at panonood.
Kaugnay nito, inaasahang ikaw ay makapagbigay ng iyong kaisipan o opinyon sa memo bilang
mag-aaral, mamamayang Pilipino at bilang propesyonal sa hinaharap.

Inaasahan sa iyo sa Araling Ito


Pagkatapos ng aralin, inaasahanag maututuhan mo ang sumusunod:
a. Nauunawaan ang nilalaman ng CHED Memo No. 20 s. 2013
Nailalahad ang panig ng CHED at ng KWF at Tanggol Wika
b. Nakapagbabahagi ng sariling kaisipan o opinyon kaugnay ng nasabing memo.
c. Nakasusulat ng reaksyong papel hinggil sa CHED Memo no. 20 s.2013
Nakagagawa ng isang e-slogan bilang pagpapakita ng paninidigan.

Unawain natin!
Kasabay ng pagpapatupad ng K-12, ay ang pagnanais ng Kagawaran ng Edukasyon at
CHED na pataasin ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Sa kabila ng magandang layuning ito ay
ang panukalang alisin na ang wika at panitikan bilang bahagi ng General Education Curriculum (GEC)
sa kolehiyo. Pinapatay nito ang intelektwalisasyon, pagsulong at paglaganap ng Filipino bilang
wikang pang-akademiko sa mga pamantasan. Ang araling ito ay nauukol sa ugnayan ng CMO 20, s.
2013 at internasyunalisasyon at ang posibleng epekto nito tungo sa pambansang identidad at kaunlaran
• Ano kaya ang ibig sabihin intelektwalisasyon?
• Ano ang saklaw ng CMO 20, s. 2013?
MODYUL SA FILIPINO 21: KONTEKSTWALISADONG
KOMUNIKASYON SA FILIPINO
UNANG SEMESTRE, TP 2021-2022

Ang K-12 ay sumasaklaw sa 13 taon ng basic education [Kindergarten, grade 1-6


(Elementarya), Garde 7-10 (Junior high school) at grade 11-12 (Senior high school)] upang
maiangkop ang sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas sa ibang bansa (international standard).
Ayon kay Ramon A. Guillermo, pinapaliit ng K12 ang posibilidad at aksesibilidad ng tertiary
education.
• CHED Memo. Order/CMO no. 20, s 2013
Ang 63 units na basic education sa kolehiyo ay magiging 36 units na lamang dahil
ibababa sa K12 ang ilan sa basic education subjects. Saklaw nito ang…
a. Pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo
b. Pagbura ng Panitikan/Literatura
c. Pagbura ng asinaturang Philippine Governtment and Constitution
• Ang CMO 20, s 2013 ay nilagdaan ng dating pangulong Benigno Simeon “Noynoy” C. Aquino
III at dating Punong Komisyoner ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasypn (Commission
on Higher Education) Dr. Patricia Licuanan.
❖ Ang intelektwalisasyon ay tumutukoy sa nagaganap o isinasagawang proseso upang ang
isang wika ay maitaas o mailagay sa antas na intelekwalisado nang sa gayon ay mabisang
magamit sa mga sopistikadong lawak ng karunungan (Santiago, 2009).
Sa paliwanag nina Espiritu at Catacataca (2005), ito ay pumapaloob sa apat na
dimensyon: seleksyon, estandardisayon, diseminasyon at kultibasyon.
❖ Istandardisayon - isang pamamaraan o proseso kung paano maaaring tanggapin at gamitin
ng nakararaming taong gumagamit ng wika ang isang tiyak na talaan ng mga talasalitaan o
bokabularyo sa isang tiyak na disiplina ng karunungan.
❖ Kultibasyon - kinapapalooban ng pagbuo ng mga rejister para sa iba’t ibang intelektwal na
disiplina o lawak ng ispesyalisasyon para magamit ang wika sa pagkatuto at maging
tagapagdaloy ng karunungan.

Basahin natin!
Basahing mabuti ang mga artikulong tungkol sa CHED Memo no. 20 s. 2013 at ang panig
ng CHED at Tanggol wika ukol dito. Ang mga sumusunod na artikulo ay nailagay na rin sa ating
Facebook Group.
• Tanggol Wika: Opposing CHED Memo No. 20-2013 -
https://thelasallian.com/2016/09/26/national-situationer-tanggol-wika-opposing-ched-memo-
no-20-2013/
MODYUL SA FILIPINO 21: KONTEKSTWALISADONG
KOMUNIKASYON SA FILIPINO
UNANG SEMESTRE, TP 2021-2022

• Advocates want SC to stop 'anti-Filipino' new GE curriculum -https://rappler.com/nation/sc-


petition-stop-ched-memo-ge-curriculum
• SC stops CHED's 'anti-Filipino' new GE curriculum - https://rappler.com/nation/sc-tro-new-
ge-curriculum
• Pag-alis ng Filipino at panitikan sa kolehiyo, inapela - https://news.abs-
cbn.com/news/11/26/18/pag-alis-ng-filipino-at-panitikan-sa-kolehiyo-inapela
• Huwag Maging Anino – Reaksyon sa CHED Memo No. 20, 2013 -
https://kitzibatan.wordpress.com/2015/08/14/huwag-maging-anino-reaksyon-sa-ched-memo-
no-20-2013/

Panuorin natin!
Panuorin ang mga sumusunod na video ukol sa CHED Memo. No. 20 s. 2013. Unawaing
mabuti ang pinaglalaban ng CHED at Tanggol wika hinggil sa memo.
• SONA: 9 units ng Filipino sa kolehiyo maaaring mawala dahil sa memorandum order #20 ng
CHED – https://m.youtube.com/watch?v=SM7Objit4B0&t=8s
• Pag-aaral ng wikang Filipino, tatanggalin na sa General Education Curriculum ng kolehiyo sa
2016 – https://m.youtube.com/watch?v=XZGd4G7VZvA
• CHED dumepensa sa isyu ng Filipino, Panitikan sa kolehiyo | TV Patrol -
https://www.youtube.com/watch?v=HXx80gN4t14&t=8s
• Sulong Wikang Filipino! (Bienvenido Lumbera) -
https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ
• Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino, Para Kanino? -
https://m.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM&t=8s
• Dokumentaryo - Brigada: Ano ang epekto ng pag-alis ng Filipino at Panitikan sa college
curriculum? - https://www.youtube.com/watch?v=Jq82Kvl39vo

Pahalagahan natin!
“Ang wika ay palatandaan ng identidad ng isang bayan…ang nag-uugnay sa estudyante sa
kaniyang pamilya, komunidad na kaniyang pinanggalingan, sa kahapon ng bayan.”
~ National Artist Bienvenido Lumbera

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat


payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapt na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibusod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng /filpino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon sa Sistema ng pang-edukasyon”
~ Saligang Batas, Artikulo XIV, Sek 6
MODYUL SA FILIPINO 21: KONTEKSTWALISADONG
KOMUNIKASYON SA FILIPINO
UNANG SEMESTRE, TP 2021-2022

Sagutin natin!
Indibiwal na gawain - Sa yugtong ito, inaasahang lubos mo nang nauunawaan ang
nilalaman ng CHED Memo no. 20 s.2013 at ang panig ng CHED at Tanggol Wika rito. Ngayon, ikaw
ay gagawa ng isang reaksyong papel hinggil sa nasabing memo. Ang mga sumusunod na tanong ay
ILAN LAMANG sa mga gabay na tanong. Maaari ka pa ring magdagdag ng mga nais mong bigyang
pansin sa memo. Gawin ito sa short bond paper, 12 font size, Times New Roman. Mayroong oras na
nakalaan sa pagsulat ng sanaysay o reaksyong papel. Sundin ang format bilang file name: Modyul 1
(Sanaysay)_Balderama Lea A.

1. Ano ang iyong reaksiyon sa CHED Memo no. 20 s.2013 lalo na sa tinuran ng dating
Chairperson ng CHED na si Patricia Licuanan na : “..After the 12th year, they would
presumably better equipped for the jobs out there. So, they would not have to go to college
anymore”

2. Bilang isang mag-aaral na kumukuha ng kursong Political Science, ano ang iyong paninidigan
kaugnay ng pagpapatupad ng CMO 20, s. 2013 o pagtanggal ng asignaturang Filipino sa
General Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo?

3. Nararapat pa bang panatilihin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo? Pangatwiranan.

4. Ano-ano ang posibleng epekto ng CMO no, 20, s. 2013 sa pambansang identidad at kaunlaran?

PAMANTAYAN:

PAGLALAHAD PUNTOS
A. Nilalaman Nailahad ang katwiran at sinuportahan ng mga 35%
patunay.
B. Kaalaman sa Paksa Kakikitaan ng kaalaman sa paksa at nailahad 30%
ito nang maayos sa reaksyong papel.
C. Organisasyon May lohikal na pagkasunod-sunod ng mga 25%
pangungusap at naging maayos ang daloy ng
ideya.
D. Mekaniks Naisaalang-alang ang tamang baybay, bantas at 10%
gamit ng wikang Filipino.
Kabuoan 100%
MODYUL SA FILIPINO 21: KONTEKSTWALISADONG
KOMUNIKASYON SA FILIPINO
UNANG SEMESTRE, TP 2021-2022

Gawin natin!
Pangkatang Gawain (Tatlong miyembro) - Matapos mong magawa ang isang
makabuluhang reaksyong papel, oras na upang ipakita ang iyong paninidigan sa usapin ng pag-alis ng
wika at panitikan sa General Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo sa pamamagitan ng isang e-
slogan (Electronic slogan).

PAMANTAYAN:

PAGLALAHAD PUNTOS
A. Mensahe Mahusay na nailahad ang paninindigan sa 25%
usapin.
B. Talab Nag-iwan ng kakintalan sa mambabasa ang 20%
mensahe.
C. Organisasyon ng Ang ideya ay maayos na nailahad na 20%
ideya. nakatulong upang maunawaan ang nais
iparating nito.
D. Pagkamalikhain Nailahad ang paninidigan sa malikhaing paraan 15%
na nakapupukaw ng atensyon.
E. Kaugnayan ng e- Naiugnay ang paksang pinag-uusapan sa 15%
slogan sa paksa ginawang e-slogan
F. Mekaniks Naisaalang-alang ang tamang baybay, bantas at 5%
gamit ng wikang Filipino sa pagsulat.
Kabuoan 100%

Ngiting Tagumpay!

• Ipadala ang iyong ginawang reaksyong papel sa ating google classroom.


• I-post naman ang ginawang e-slogan/e-poster sa ating Facebook Group. Iparamdam ang
suporta sa kamag-aral sa pamamagitan ng pag-react at komento rito.
MODYUL SA FILIPINO 21: KONTEKSTWALISADONG
KOMUNIKASYON SA FILIPINO
UNANG SEMESTRE, TP 2021-2022

PAGBATI!

Marami ka mang kinaharap na pagsubok bago

mo/ninyo natapos ang modyul na ito,

matagumpay mo/ninyo naman itong nagawa.

Patunay lamang kung gaano ka kahusay at

katatag, BUEŇO.

~ Ma’am Lea

SANGGUNIAN:

https://thelasallian.com/2016/09/26/national-situationer-tanggol-wika-opposing-ched-memo-no-20-2013/
https://rappler.com/nation/sc-petition-stop-ched-memo-ge-curriculum
https://rappler.com/nation/sc-tro-new-ge-curriculum
https://news.abs-cbn.com/news/11/26/18/pag-alis-ng-filipino-at-panitikan-sa-kolehiyo-inapela
https://kitzibatan.wordpress.com/2015/08/14/huwag-maging-anino-reaksyon-sa-ched-memo-no-20-2013/
https://m.youtube.com/watch?v=SM7Objit4B0&t=8s
https://m.youtube.com/watch?v=XZGd4G7VZvA
https://www.youtube.com/watch?v=HXx80gN4t14&t=8s
https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ
https://m.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM&t=8s
https://www.youtube.com/watch?v=Jq82Kvl39vo
https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM
https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ&t=53s
https://www.academia.edu/28273692/Modyul_3_Teksto_ANG_PAGPAPAYABONG_AT_INTELEKTWA
LISASYON_NG_WIKANG_FILIPINO_MULA_SA_PANINGING_TEORETIKAL_HISTORIKAL_AT_S
OSYOLOHIKAL?fbclid=IwAR0LW7ff4XMWo3h4to2B_rcEe-bZEVGoGF8ux5IHDM0O2MP_8Ra-
fR6JKbQ
https://www.academia.edu/37435953/Ang_Kalagayan_ng_Intelektuwalisadong_Wikang_Filipino_at_ang_Ist
andardisasyon_nito_SINTESIS_?fbclid=IwAR2sGfmhAWSxg77kveMXAIuiAUPp0hc254gzg2hSzUJxUhyj
VWssTikDDyc
https://www.scribd.com/document/340957187/Intelektwalisasyon-Ng-
WikangFilipino?fbclid=IwAR38qvFooYv5RqWLGxjgpIRo8Wfi7nbGV33FvuXP4GEPYI22D9n0ZE4gER0
https://www.scribd.com/doc/98370638/Ang-Intelektwalisasyon-Ng-
WikangPilipino?fbclid=IwAR180AOjMB8LktXyDYcW0SBi-yDmpD2rvtC0zZSyj0rs6N_yMQlLB7wbL3Q
https://www.slideshare.net/karenmfajardo/intelektwalisasyon-ng-wikang-
filipino73855342?fbclid=IwAR2HcOJXLNBxP7asx3QAKjHbgGzlA3SWTl3AgXCTlLLsInMjAd1ShTseID
Y
https://www.coursehero.com/file/25805133/intelektwalisasyon-ng-
wikangfilipinoppt/?fbclid=IwAR2r_SfCTtlfnG8eQlF1kQIROkkJbgsEQYxAR-0kP3sB8Day9El7cXa1JRE

You might also like