You are on page 1of 2

CHED Memorandum Order No.

20 series of 2013

Naglabas ang Commission on Higher Education (CHEd) ng Memorandum Order


No. 20 Series of 2013 (CMO 20-2013) na may titulong “General Education Curriculum:
Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies (GEC),” na nagsasaad na
alisin ang mga minor subject sa kurikulum ng kolehiyo sa taong 2016 upang magbigay
daan sa pagpapaigting ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga major o teknikal na kurso
na may kaugnayan sa Agham at Teknolohiya., na siya namang naging dahilan sa
pagtanggal ng English, Math, General Psychology, Economics at Filipino. Ito ay inilabas
ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o ang Commission on Higher on Education
(CHED) sa Ingles noong Hunyo 28, 2013. Bukod pa rito, nakasaad din sa kautusan na
ang kolehiyo na ang bahala na magdesisyon kung wikang Ingles o Filipino ang gagamitin
bilang midyum ng pagtuturo sa mga mag-aaral.

Batay sa nasabing memorandum na ito, ang asignaturang Filipino ay hindi na


ituturo sa mga estudyante pagkatungtong nila ng kolehiyo kapag naipatupad na ang K-
12 na programa. Nasa memorandum din na ang mga General Education courses ang
ipapatupad sa pagtuturo ng mga Grade 11 at Grade 12 na mga estudyante. Kabilang ang
asignaturang Filipino sa nasabing General Education courses na ito. Dahil sa
pangunahing isyu batay sa CHED memo 20 series of 2013, nabuo ang isang alyansang
tinatawag na “Tanggol Wika” na isang alyansa ng 70 na paaralan, kolehiyo, unibersidad,
lingguwistiko at kultural na organisasyon, at ng mga mamamayan, kung saan ang isa sa
kanilang mga layunin ay ang pagpapanatili ng pagtuturo ng asignaturang Filipino sa
mga estudyante kolehiyo. Ayon sa pangangatwiran ng grupo, kung susundin ang
pangangatuwiran ng Korte Suprema, maaari ring alisin ang iba pang basic education
subjects gaya ng English, science, math at history (kasaysayan) bilang mandatory
college subject dahil itinuturo rin ang mga ito sa basic education.

Gayunman, taliwas sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyon 1987 ang


nasabing kautusan kung saan nakasaad na ang gobyerno ang dapat na gumawa ng
aksyon upang mapanatili ang paggamit ng wikang Filipino bilang midyum ng
instruksyon at pakikipagtalastasan sa edukasyon ng bansa. Taliwas din ito sa College
Readiness Standards na nakapaloob sa Resolusyon No. 298 ng CHEd na naglalayong
pag-ibayuhin ang pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo.
Mayroon man tayong wikang pambansa ngunit hindi masasabing nagkakaisa ang
mga Pilipino dahil rito. Maaaring tinatanggap ito bilang wiakng pambansa subalit hindi
tinatangkilik lalo na sa modernisadong panahon na ang umiiral ay ang globalisasyon,
kaya naman hindi magiging sapat ang pagkakaroon ng wikang pambansa kung hindi
gagamitin ng mga mamamayan. Mabilis na naipatupad ang nasabing kaustusan kung
kaya’t ang pagpapatupad na ito ay hindi magdudulot ng maganda kung ang tanging
dahilan ay naituro na ito sa k-12 kurikulum. Maaari lamang itong tanggalin kung sapat
ang pagtuturo o itinuturo at kaalam mamamayan.

Iginigiit ng CHED na hindi lamang ang asignaturang Filipino ang nabawasan ng


yunit kundi pati na rin sa ibang asignatura. Hindi natin dapat ito ihambing sa ibang
asignatura dahil malaking usapin ang Filipino sa taong bayan, hindi lamang ito bilang
isang asignatura kundi usapin ito ng buong bansa. Dapat isaalang-alang na hindi
lamang matematika, agham at teknolohiya ang nagpapabilis sa pag-unlad ng isang
bansa. Wika ang nagpapatakbo sa bayan. Kinakailangan na magkaroon muna ng
malawak na kaalaman sa sariling wika upang higit na makapagpahayag at
makipagtalastasan gamit ang wikang banyaga. Kung titignan ang kalagayan ng Filipino
sa bansa, masasabing higit pa sa maliit ang pagtangkilik at kaalaman ng mamamayan sa
Filipino. Lalong-lalo na sa panahon ngayon na kahit ang basic na kaalaman sa Filipino ay
hindi alam ng isang Pilipino.

Hindi lamang ito bilang isang asignatura kundi responsibilidad ito ng bawat
Pilipino ang alamin at tangkilikin ang sariling atin upang ito mapaulan at magamit natin
sa ating panganagilangan.

You might also like