You are on page 1of 1

Maraming tao ang hindi alam na may pagtatangkang pagtanggal ng

asignaturang Filipino sa tersiyaryong edukasyon. Ano nga ba ang epekto nito sa


ating mga Pilipino? Ito nga ba ay may magandang epekto o ito ang magiging dahilan
ng hindi pagkakaintindihan ng mga taong nangangasiwa sa edukasyon ng bansa
laban sa mga taong mas gugustuhing mapanatili ang asignaturang ito sa kolehiyo?
Siguro ang iba ay hindi tutol dahil sapat na raw ang mga panahong ibinigay natin
upang pag-aralan ang asignaturang Filipino. Habang iba naman ay hindi sang-ayon
sapagkat tayo raw ay nasa Pilipinas at dapat lamang na ating gamitin ang sarili
nating wika. Hindi lamang ang mga estudyante ang apektado sa isyung ito pati na rin
ang mga gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino.

Isa sa mga nangangasiwa ng edukasyon sa Pilipinas ay ang Comission on


Higher Education o CHED. Sila ang mga taong bumubuo ng isang organisasyong
tumutulong sa mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga scholarship
at tulong pampinansyal upang masiguradong makapagtapos ng pag-aaral ang mga
estudyante. Noong Buwan ng Wika, Agosto2018, sila ay nag apela sa Korte
Suprema na ipatupad ang CHED Memorandum Order no. 20 series of 2013 o ang
pagbago sa General Education Curriculum (GEC) na magtatanggal ng asignaturang
Filipino sa kolehiyo at palitan ito ng Asignaturang Hangul kung saan ang asignatura
at wikang ito ay ginagamit sa bansang Korea. Noong 2015, pinagbigyan ng Korte
Suprema ang isang grupo ng mga guro ng apela na huwag ituloy ang pagnanais ng
CHED ( Comission on Higher Education ) na tanggalin ang Filipino at literatura sa
kurikulum ng kolehiyo. Ayon sa grupong Tanggol Wika, isang grupo ng mga guro sa
Filipino, mahigit 10,000 guro sa buong bansa ang maaapektuhan kung mawawala
ang Filipino at panitikan sa kolehiyo. Naglabas ang Korte Suprema ng temporary
restraining order (TRO) para mapanatili ang Filipino at literatura sa pangkalahatang
kurikulum sa kolehiyo kasama ang iba pang asignatura, tulad ng matematika,
agham, teknolohiya, at kasaysayan ng Pilipinas. Nakatuon ang Filipino sa wastong
paggamit ng wikang Filipino, habang ang panitikan ay nakatuon sa pagbabasa at
panitikan. Noong Agosto 2018, umapela ang CHED sa Korte Suprema na ipatupad
ang isang memorandum order mula 2013 na tinatawag na Change in the General
Education Curriculum (GEC). Tatanggalin ng kautusang ito ang asignaturang Filipino
sa kolehiyo at papalitan ito ng asignaturang tinatawag na Hangul.

You might also like