You are on page 1of 2

CHED Memorandum Order No.

20 Series of 2013

Taong 2013 ay naglabas ang Commission on Higher Education o CHED ng isang


memorandum patungkol sa pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ito ay
tinawag na CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013 o “GENERAL EDUCATION
CURRICULUM: HOLISTIC UNDERSTANDINGS, INTELLECTUAL AND CIVIL
COMPETENCIES”.

Ang memorandum ay nailathala noong ika-28 ng Hunyo, taong 2013. Nakapaloob


dito na ang mga minor subjects ay hindi na ituturo sa mga mag-aaral pagtungtong nila ng
kolehiyo kapag naipatupad na ang K-12 Curriculum Program. Nakasaad rin dito na ang
mga kolehiyo na ang bahalang magdesisyon kung Filipino o Ingles ang kanilang
gagamiting wika bilang daluyan ng komunikasyon sa pagitan ng mga guro at estudyante.
Nilalayon ng memorandum na gawing globally competitive ang mga estudyante kung
kaya’t ang paraan na naisip nila ay tanggalin ang mga minor subject gaya ng Filipino
upang mabigyan ng sapat na pokus ang pagtuturo ng mga core subjects na tutulong sa
kanila na mahasa ang kanilang mga kakayahan sa kanilang napiling kurso/karera. Gusto
ng CHED na sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga asignaturang ito ay mapagtutuunan
ng pansin ng mga mag-aaral ang mga asignaturang mag kinalaman sa kanilang napiling
kurso at umangat ang kakayahan ng mga estudyanteng nagtapos sa curriculum na meron
ang bansa upang kaya nilang makipagsabayan sa kakayahang meron ang mga
foreigners. Ngunit marami ang bumatikos sa nasabing memorandum order sapagkat ito
ay sumasalungat sa pagyabong at pagpapayaman ng kultura, wika, at kasaysayan na
mayroon ang ating bansa. Maraming guro ang nadismaya dahil hindi lamang marami sa
kanila ang mawawalan ng trabaho ngunit sumasalungat din ito sa kanilang layunin na
pagyamanin ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa wikang Filipino at sa mga gamit
nito sa bansa at sa iba’t-ibang larangan. Dahil dito, masasabi nating nakaligtaan ng
CHED isaalang-alang ang kapakanan ng mga guro ng Filipino na may potensyal na
mawalan ng trabaho. Sa gayong kadahilanan ay nagkaisa ang mga guro ng wikang
Filipino at mga manunulat upang manindigan laban sa polisiyang inilathala. Maraming
kilos protesta ang naganap at marami rin ang lumaban kaya nabuo ang isang alyansa na
tinawag na “Tanggol Wika” o “Tagapagtanggol ng Wikang Filipino” kung saan layunin nila
na mapanatili ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga estudyante sa kolehiyo.

Kung ako ang tatanungin ay sumasang-ayon ako na tanggalin ang mga


asignaturang ito sa kolehiyo at bigyang pokus na lamang ang mga core subjects na may
mahalagang kinalaman sa kurso ng bawat mag-aaral. Hindi sa ayaw ko sa ga
asignaturang ito ngunit mas magandang bigyan ng pansin ang mga aralin na lubos na
may kinalaman sa jurso ng mga mag-aaral sapagkat ito ay lubos na makakatulong sa
kanilang napiling karera. Nakakalungkot man isipin na maraming maapektuhan ay
makakatulong naman ito upang mapadali ang pagtatapos ng mga estudyante sa kolehiyo
at may sapat pa rin silang kaalaman sa kanilang napiling kurso sapagkat mas
nagpopokus ngayon ito sa mga asignaturang pumapaloob sa kursong napili ng isang tao.
Maaaring unti-unting malimutan o maglaho ang ating kaalaman ukol sa kultura, ngunit
hindi maitatanggi na ang kultura ng Pilipinas ay hindi lamang matututunan sa apat na
sulok ng silid-aralan. Maraming kultura ang matututunan natin kahit sa tabing daan, tulad
mga pista na isinasagawa samga pampublikong lugar kung saan nakikita at nadadaluhan
ito ng mga tao. At kahit saan man tayo magpunta ay dala-dala natin ang dugo ng pagiging
isang Pilipino na hindi nakakalimot sa bayan at sa kulturang kinagisnan.

You might also like