You are on page 1of 4

SULONG WIKANG FILIPINO, EDUKASYONG PILIPINO PARA KANINO

MODYUL
2

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nauunawaan ang nilalaman ng CHED Memo No. 20 s. 2013
b. Nakapagbabahagi ng sariling kaisipan o opinyon kaugnay ng napanood
na video
c. Nakalilikha ng video hinggil sa adbokasiyang pangwika

Kasabay ng pagpapatupad ng K-12, ay ang pagnanais ng Kagawaran ng


Edukasyon at CHED na pataasin ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Sa
kabila ng magandang layuning ito ay ang pangambang hindi na magiging parte
ng kolehiyo ang pag-aaral ng Filipino. Pinapatay nito ang intelektwalisasyon,
pagsulong at paggalaganap ng Filipno bilang wikang akademiko sa mga
pamantasan.
Ang araling ito ay nauukol sa ugnayan ng CMO 20, s. 2013 at
internasyunalisasyon at ang posibleng epekto nito tungo sa pambansang
identidad at kaunlaran.
Ano kaya ang ibig sabihin intelektwalisasyon?
Ano ang saklaw ng CMO 20, s. 2013?

Ang K-12 ay sumasaklaw sa 13 taon ng basic education( Kindergarten


hanggang grade 3, grade 4 hanggang grade 6, grade 7 hanggang grade 10-
Junior high school at grade 11 hanggang grade 12 Senior high school upang
maiangkop ang sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas sa ibang bansa
(international standard)
Ayon kay Ramon A. Guillermo, pinapaliit ng K12 ang posibilidad at
aksesibilidad ng tertiary education

DE PARTA ME NTO NG F ILI PI NO


• CHED Memo. Order/CMO no. 20, s 2013 a
Ang 63 units na basic education sa college ay magiging 36 units na
lang dahil ibababa sa K12 ang ilan sa basic education subjects. Saklaw nito
ang

a. Pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo


b. Pagbura ng Panitikan/Literatura
c. Pagbura ng asinaturang Philippine Governtment and Constitution

• Ang CMO 20, s 2013 ay nilagdaan ng dating pangulong Benigno Simeon


“Noynoy” C. Aquino III at dating Punong Komisyoner ng Komisyon sa Lalong
Mataas na Edukasypn (Commission on Higher Education ) Dr. Patricia
Licuanan

• Ang intelektwalisasyon ay tumutukoy sa nagaganap o isinasagawang


proseso upang ang isang wika ay maitaas o mailagay sa antas na
intelekwalisado nang sa gayon ay mabisang magamit sa mga sopistikadong
lawak ng karunungan (Santiago, 2009)
Sa paliwanag nina Espiritu at Catacataca (2005), ito ay pumapaloob sa
apat na dimensyon: seleksyon, estandardisayon, diseminasyon at
kultibasyon.
Istandardisayon-isang pamamaraan o proseso kung paano maaaring
tanggapin at gamitin ng nakararaming taong gumagamit ng wika ang isang tiyak
na talaan ng mga talasalitaan o bokabularyo sa isang tiyak na disiplina ng
karunungan
Kultibasyon-kinapapalooban ng pagbuo ng mga rejister para sa iba’t ibang
intelektwal na disiplina o lawak ng ispesyalisasyon para magamit ang wika sa
pagkatuto at maging tagapagdaloy ng karunungan
• Panoorin ang videong ito sa Youtube
https://m.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM&t=8s

1. Ano ang iyong reaksiyon sa tinuran ng dating Chairperson ng CHED na si


Patricia Licuanan na : “..After the 12th year, they would presumably better
equipped for the jobs out there. So, they would not have to go to college
anymore”
2. Bilang isang mag-aaral na kumukuha ng kursong _____ ano ang iyong
paninidigan kaugnay ng pagpapatupad ng CMO 20, s. 2013 o pagtanggal ng
asignaturang Filipino sa GE Curriculum sa kolehiyo?
3. Ano-ano ang posibleng epekto ng CMO no, 20, s. 2013 sa pambansang
identidad at kaunlaran?

DE PARTA ME NTO NG F ILI PI NO


Pamantayan para sa bilang 1-3

A. Nilalaman Maliwanag na paglalahad ng pangatngatwiran at patunay 5


B. Organisasyon May lohikal na pagkakasunud-sunod ang mga pangungusap 3
C. Mekaniks Kinakitaan ng masteri o kaalaman sa pagsasama-sama ng kaisipan. 2
Kaunting mali sa pagbabaybay, pagbabantas at wastong talataan.

4. Nakalilika ng video tungkol sa adbokasiyang pangwika

Pamantayan

A. Nilalaman at Maliwanag na paglalahad ng paksa (wika) 5


organisasyon
B. Pagkamalikhain Malikhaing pagkakagawa ng video (video editing, special effects, 3
music, graphics)
C. Orihinalidad Bigyang 2

• Papatayin ng Ba0gng General Education Curriculum (GEC) na nais ipatupad


ng CHED sa pamamagitan nf CHED Memorandum No. 20, Series of 2013
ang wikang Filipino- ang wikang pambansa ng Pilipinas--- at iba pang
asignaturang mahalaga sa pagpapatibay ng pambansang identidad,
kamalayang pangkultura at nasyonalismo gaya ng Panitikan/Liretura at
Philippine Goivernment and Constitution
• Magreresulta ang CMO No. 20 sa malawakang tanggalan sa trabaho ng
humigit-kumulang sa 78 000 guro at manggagawa sa sector ng edukasyon
ayon mismo sa datos ng CHED
• Pinapatay ng CHED Memo No. 20 ang intelektuwalisasyon ng Filipino bilang
isang akademikong gawin sa mga pamantasan
• Panoorin ang panayam ni Bievenido Lumberia:
https://m.youtube.com/watch?v=sLLsyViUzGQ&t=10s

“Ang wika ay palatandaan ng identidad ng isang bayan…ang nag-uugnay


sa estudyante sa kaniyang pamilya, komunidad na kaniyang pinanggalingan, sa
kahapon ng bayan.”
-National Artist Bienvenido Lumbera

DE PARTA ME NTO NG F ILI PI NO


“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,
ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng
Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapt na
maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
Pamahalaan upang ibusod at puspusang itaguyod ang paggamit ng /filpino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon sa Sistema ng pang-edukasyon”

Saligang Batas,
Artikulo XIV, Sek 6

Sanggunian
https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM

https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ&t=53s

https://www.academia.edu/28273692/Modyul_3_Teksto_ANG_PAGPAPAYABONG_AT_INTELEKTWALISASYO
N_NG_WIKANG_FILIPINO_MULA_SA_PANINGING_TEORETIKAL_HISTORIKAL_AT_SOSYOLOHIKAL?fbclid=IwAR
0LW7ff4XMWo3h4to2B_rcEe-bZEVGoGF8ux5IHDM0O2MP_8Ra-fR6JKbQ

https://www.academia.edu/37435953/Ang_Kalagayan_ng_Intelektuwalisadong_Wikang_Filipino_at_ang_Ist
andardisasyon_nito_SINTESIS_?fbclid=IwAR2sGfmhAWSxg77kveMXAIuiAUPp0hc254gzg2hSzUJxUhyjVWssTik
DDyc

https://www.scribd.com/document/340957187/Intelektwalisasyon-Ng-Wikang-
Filipino?fbclid=IwAR38qvFooYv5RqWLGxjgpIRo8Wfi7nbGV33FvuXP4GEPYI22D9n0ZE4gER0

https://www.scribd.com/doc/98370638/Ang-Intelektwalisasyon-Ng-Wikang-
Pilipino?fbclid=IwAR180AOjMB8LktXyDYcW0SBi-yDmpD2rvtC0zZSyj0rs6N_yMQlLB7wbL3Q

https://www.slideshare.net/karenmfajardo/intelektwalisasyon-ng-wikang-filipino-
73855342?fbclid=IwAR2HcOJXLNBxP7asx3QAKjHbgGzlA3SWTl3AgXCTlLLsInMjAd1ShTseIDY

https://www.coursehero.com/file/25805133/intelektwalisasyon-ng-wikang-
filipinoppt/?fbclid=IwAR2r_SfCTtlfnG8eQlF1kQIROkkJbgsEQYxAR-0kP3sB8Day9El7cXa1JRE

DE PARTA ME NTO NG F ILI PI NO

You might also like