You are on page 1of 40

GROUP-1

ANG MGA POSISYONG PAPEL NG IBA'T


IBANG ORGANISASYON
PRESENTATION

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON 30, JANUARY 2024


SA FILIPINO
W E LCO ME

KAHALAGAN NG WIKANG CMO BILANG 20, SERYE 2013

NILALAMA
FILIPINO

PROBLEMANG
KAHAHARAPIN
MGA SAMAHAN

N
Mga Posisyong Papel ng iba't ibang Organisasyon Universidad

at Institusyon ng pamahalaan hinggil sa kanilang tindig laban


ANG MGA POSISYON
sa CMO Bilang 20, serye 2013 ng komisyon sa lalong mataas PAPEL
MGA PAHAYAG

ng edukasyon.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON 30, JANUARY 2024


SA FILIPINO
CONTENT 1

ANG
KAHALAGAN
NG
WIKANG
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON

FILIPINO
SA FILIPINO
GROUP 1

CMO BILANG
20, SERYE 2013.
"Ang Ched Memorandum Order (CMO) Bilang 20, serye 2013
ay pinamagatang “General Education Curriculum: Holistic
Understandings, Intellectual and Civic Competencies.” Ito
ayitinalaga noong Hunyo 28, 2013."

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON 30, JANUARY 2024


SA FILIPINO
GROUP 1

ANG MGA
PROBLEMA NA
KAHAHARAPIN

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON 30, JANUARY 2024


SA FILIPINO
PROBLEMA SA EDUKASYON AT PAG
KAWALA NG TRABAHO SA MGA GURO
NA NAG TUTURO NG FILIPINO.
Ang problema na kinakaharap ng mga Filipino sa pagpapatupad ng CMO Bilang
20, Serye 2013 ay maaaring magdulot ng kakulangan sa kaalaman sa sariling wika.
Ang mga pinakaaapektuhan sa pag-alis ng Wikang Filipino sa kurikulum ay ang
mga kabataan at ang mga susunod pang henerasyon.
Higit dito, ang pagkakaroon ng kakulangan sa pagtuturo ng Filipino ay maaaring
magresulta sa pagkawala ng trabaho para sa mga guro na espesyalista sa wikang ito.
Ang pagtanggal ng Filipino sa kurikulum ay naglalagay din ng malaking banta sa
pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kanilang sariling kultura at identidad.
Upang mabigyan ng solusyon ang nasabing isyu, mahalaga ang pakikipagtulungan
ng iba't ibang sektor ng lipunan, kabilang ang mga guro, mag-aaral, at mga
tagapagtaguyod ng wika at kultura. Ang pagsusulong ng edukasyon na
nagtataguyod ng pagpapahalaga sa Wikang Filipino ay mahalaga para sa pag-unlad
at pagpapayaman ng pambansang kamalayan.
PROBLEMA NA KAKAHARAPIN SA
KASALUKUYAN AT SUSUNOD NA
PANAHON.
Sa pagtanggal ng Wikang Filipino sa kurikulum, maaaring magkaruon ng
kakulangan sa pagpapahalaga sa wikang ito, nawawala ang pagkakataon na mas
palalimin pa ang pagmamahal at pagyaman sa Wikang Filipino. Ito ay isang
panganib sa pagpapalaganap at pangangalaga ng ating pambansang wika. Ang pag-
aalis ng pagtuturo ng Wikang Filipino ay hindi lamang isang pagkakawala ng
oportunidad para sa pag-unlad nito, kundi maaaring magdulot din ng kawalan ng
pagpapahalaga sa sariling kultura. Ang wika ay may malaking bahagi sa
pagpapahayag ng ating kasaysayan, identidad, at pagkakakilanlan bilang mga
Pilipino. Ang hindi pagpapahalaga sa wika ay maaaring humantong sa kawalan ng
pagmamahal sa sariling kultura.
Ang kakulangan sa kaalaman sa wika ay nangangahulugang ang mga susunod na
henerasyon ay maaaring mawalan ng koneksyon sa kanilang pinagmulan. Hindi
lamang ito isang problema sa edukasyon, kundi isang pangmatagalang epekto sa
pagkakakilanlan ng bawat Pilipino. Ang pagkawala ng pagmamahal at
pagpapahalaga sa Wikang Filipino ay maaring humantong sa tuluyang pagkamatay
nito bilang isang buhay at sagisag ng ating bansa.

Sa halip na tanggalin ang pagtuturo ng Wikang Filipino, mas mainam na itaguyod


ito at bigyan ng espasyo upang mapalalim pa ang pag-unlad at pagyaman nito. Ito
ay isang pundamental na aspeto ng ating pagiging Pilipino na mahalaga para sa
pag-unlad ng bansa at pagsusulong ng pagkakaisa.
PROBLEMA NA IDUDULOT SA
KASAYSAYAN AT
PAGKAKAKILANLAN.
• Pagbabago sa Kurikulum
• Pagbabago sa Pagsusuri
• Pagsasakripisyo sa Sariling Wika at Kultura
• Nakadepende sa Dayuhang Pananaw
• Pagkawala ng Kasaysayan at Kultura
Mahalaga ang patuloy na pagmamalasakit at pagsusuri upang matugunan ang mga
hamong ito at matiyak ang pagpapalakas ng pagkakakilanlan ng bawat mamamayan
ng Pilipinas.
Malaki ang ginagampanan ng wika sa pambansang pagkakakilanlan ng ating bansa.
Mahalaga na maunang mahubog ito ng isang bansa para makasabay sa
kasalukuyang panahon.
Ayon kay Dr Nita Buenaobra, malaki ang bahagi ng mga mamamayang Pilipino sa
pagtanggap sa Filipino bilang wikang umiiral sa ating bansa.
Bakit? Dahil ang wikang Filipino ay wikang nauunawaan ng lahat simple, madaling
iakma, fleksibol at ekonomikal.
GROUP 1

ANG
SAMAHANG
TANGGOL WIKA
Presentation are communication tools that can
AT PSLLF
be used as demonstrations, lectures, speeches,

reports, and more.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON 30, JANUARY 2024


SA FILIPINO
Ano ang Tanggol Wika?
Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang
Filipino o Tanggol Wika ay ang organisasyon o
alyansa na nangunguna sa pakikibaka laban sa
CMO BLG 20 SERYE 2013 o ang pagtanggal ng
CHED sa asignaturang Filipino, Panitikan, Ph
Govt & Constitution na mga asignatura sa
Kolehiyo. Kasama nila sa pakikibaka ang
Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan
o Tanggol kasaysayan.

Nabuo ito sa isang Konsultatibong Forum noong


Hunyo 21 2014 sa DLSU Manila.
Dr. Bienvenido Lumbera
2015 - Nagsampa ng kaso ang Tanggol Wika laban sa CMO BLG 20 SERYE 2013
sa Korte Suprema.
2019 - Binawi na ng korte suprema ang TRO.
ADBOKASIYA
• Panatilihin ang pagturo ng Filipino sa bagong
Philippines General Education (GEC) sa kolehiyo.
• Baguhin ang CHED Memorandum Order (CMO)
bilang 20 serye 2013.
• Gamitin ang wikang Filipino bilang daluyan sa
iba't ibang subjects.
• Itulak ang nationalistic education sa Pilipinas.
ANG KONTRIBUSYON NG TANGGOL
WIKA
• Pangangalaga ng mga wika ng mga katutubo
• Paglaban sa kolonyal na pag-iisip sa wika
• Pagtataguyod ng multilinggwal na edukasyon
• Kampanya para sa paglikha ng mga materyales sa
mga wika ng mga katutubo
• Pagsusulong ng pambansang identidad
ANO ANG PSLLF?
Ano nga ba ang PSLLF? Ang PSLLF o 1. Pagtaguyod ng pananaliksik at pag-aaral
Pambansang Samahan sa Linggwistika at sa linggwistika at literatura ng Filipino.
Literaturang Filipino, ay isang organisasyon na 2. Pagsulong ng Filipino bilang wika ng
naglalayong pag-aralan at pagpapalaganap ng pagtuturo, pananaliksik, at
wika at literatura sa Filipino . Ito ay isang intelektwalisasyon.
propesyunal na organisasyon na nakatuon sa 3. Pagpapalakas ng kamalayan at
pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa wika at apresasyon sa yaman ng literaturang
literatura sa Filipino sa pamamagitan ng mga Filipino.
pagsasanay, seminar, at pagpapalathala ng mga 4. Pagbibigay ng ma forum, seminar, at
aklat at artikulo . Ang PSLLF ay naglalayong workshop para sa pagpapalitan ng
mapanatili ang kahalagahan ng wika at literatura kaalaman atkaranasan sa larangan ng
sa Filipino sa kasalukuyang panahon . At ano linggwistika at literatura.
5. Pakikipagtulungan sa iba pang mga
nga ba ang mga pangunahing layunin ng
organisasyon o institusyon na may katulad
PSLLF?
na layunin
ANG PSLLF BILANG KASAPI NG
TANGGOL WIKA
Mga instraktor ng Filipino sa kolehiyo ang nagsimula ng petisyon laban sa Senior High School,
layunin ang pagtuturo at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa kolehiyo. Tanggol Wika ay
nagsusulong ng pagtuturo ng Filipino sa bagong GEC, pagbabago sa CMO Bilang 20 serye
2013, paggamit ng wikang Filipino sa iba't ibang subjects, at pagsusulong ng nationalistic
education sa Pilipinas.
KONTRIBUSYON NG PSLLF
• Maari silang maging Konsultant o maging parte sa mga
pagpupulong na gagawin ng CHED sa pagsasaayos ng
Kurikulum
• Maari silang magbigay linaw sa mga isyu at suliranin kaugnay
sa wika at asignatura sa Kolehiyo
• Maari silang magbigay ng rekomendasyon sa CHED Kagaya ng
nasabi kanina
• Sa pamamagitan ng kanilang mga aktibidad, maari nilang
mapagyaman at mapalaganap ang kamalayang pangwika at
pagpapahalaga sa kahalagahan ng wika at panitikan sa lipunan.
GROUP-1

ANG MGA POSISYON PAPEL NG IBA'T


IBANG ORGANISAYON AT UNIBERSIDAD

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON 30, JANUARY 2024


SA FILIPINO
GROUP-1 KOMISYON NG
WIKANG FILIPINO
Sino ang Komisyon ng Wikang Filipino?
• Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay ang opisyal na lupong tagapamahala ng wikang Filipino at
ang opisyal na institusyon ng pamahalaan na inatasan sa paglilinang, pagpepreserba, at pagtataguyod ng
mga iba't ibang katutubong wika sa Pilipinas. Itinatag noong 13 Enero 1987 sa ilalim ng Batas Republika
Bilang 7104 nilalayon ng batas na ito ang pagpakilala at pagpapanatili ng ating wikang Filipino.
• Responsable sila pagbuo at pagsasagawa ng mga patakaran at programa upang mapanatili at mapayaman
ang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas.
• Layunin ng KWF na hikayatin ang paggamit at pag-unlad ng Filipino sa iba't ibang aspeto ng lipunan,
kasama na ang edukasyon, midya, komunikasyon, sining, at kultura.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON 30, JANUARY 2024


SA FILIPINO
GROUP-1

Adbokasiya ng KWF
Ang Kapasiyahan ng Komisyoner Blg. 14-26 Serye ng 2014 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay isang pormal
na pahayag o resolusyon na naglalaman ng kanilang tindig at paglilinaw hinggil sa CHED Memorandum Order Blg. 20,
s. 2013.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON 30, JANUARY 2024


SA FILIPINO
GROUP-1

NILALAMA
SAPAGKAT, alisunod sa Artikulo XIV, Seksiyon 6-7 ng 1987 Konstitusyon, “dapat magsagawa ng
N
hakbang ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon”;

SAPAGKAT, tungkulin ng KWF ang “pagtitiyak sa higit pang pagpapaunlad, pagpapayaman,


pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Filipinas”;

SAPAGKAT, ang CHED Memorandum Order Blg. 20, s. 2013 ay nagtatanggal sa mga sabjek na
Filipino sa General Education Curriculum, at sa halip ay pinapalitan ito ng Revised Core Courses
na maaaring ituro sa Ingles o sa Filipino;

SAPAGKAT, ang nasabing Memorandum Order ay magbubunga ng pagkawala ng trabaho ng


maraming guro;

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON 30, JANUARY 2024


SA FILIPINO
NILALAMA
GROUP-1

wikang gagamitin sa Core Courses ayN


SAPAGKAT, ang pagpapaubaya sa mga institusyon sa mataas na edukasyon (HEIs) sa pagpili ng
maglalagay sa Wikang Filipino sa tagibang na posisyon
dahil sa patuloy na pamamayani ng Ingles sa edukasyon at sa mga dominyo ng kapangyarihan;

SAPAGKAT, sa sitwasyong ito, nanganganib na mawala nang tuluyan ang Filipino, hindi lang bilang
sabjek, kundi bilang wikang panturo sa antas tersiyari;

SAPAGKAT, bilang pagtupad sa tungkulin nito sa ilalim ng batas, ang KWF, matapos magsagawa
ng Pambansang Konsultasyon sa Antas Tersiyari ay lumiham sa CHED noong 16 Enero 2014
hinggil sa pagbibigay ng priyoridad sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa GEC
sa antas tersiyari, at pagtitiyak na hindi mababawasan ang sahod o bababa ang ranggo ng mga
guro sa Filipino na apektado sa pagpapatupad ng K-12;

SAPAGKAT, ang iba’t ibang samahan ng mga guro sa Filipino, ay nagpahayag na ng kanilang
pagtutol sa nasabing Memorandum Order sa paniwalang ito ay hindi umaayon sa mga tadhana
ng Konstitusyon hinggil sa pagtataguyod at paggamit ng Filipino bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon;
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON 30, JANUARY 2024
SA FILIPINO
NILALAMA
GROUP-1

DAHIL DITO, IPINAPASIYA, gaya ng ginagawang pagpapasiya ngayon, na iginigiit ang pagtuturo
N
ng siyam (9) na yunit sa Wikang Filipino, na hindi pag-uulit lamang ng mga sabjek sa Filipino sa
antas sekundarya, kundi naglalayong magamit at maituro ang wika mula sa iba’t ibang disiplina
—na pagkilala sa Filipino bilang pintungan ng karunungan at hindi lamang daluyan ng pagkatuto,
at upang matiyak ang pagpapatuloy ng intelektuwalisasyon ng Filipino;

IPINAPASIYA pa, na tiyaking ang kalahati o apat (4) sa panukalang Core Courses, bukod sa
kursong Rizal, na nakasaad sa Memorandum Order Blg. 20, s. 2013 ay ituro gamit ang Wikang
Filipino;

IPINAPASIYA rin, na magsagawa ng mga retooling ng mga guro upang matiyak ang kanilang kahandaan
sa pagtuturo ng Core Courses at Edukasyong Elektib.

IPINAPASIYA sa wakas, na himukin ang mga guro sa Filipino, at ang lahat ng mga naniniwala sa
mahalagang papel ng Wikang Pambansa sa patuloy na pagbubuo at pagpapaunlad ng bayan natatagan ang
tindig at patuloy na isulong ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyonat bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon sa lahat ng antas.Hayaang ang sipi ng kapasiyahang ito ay
maipaabot sa CHED, sa mga institusyong pang-edukasyon, at sa mga samahang pangwika sa bansa.

PINAGTIBAY ng Kalupunan ng mga Komisyoner ngayong 20 Hunyo 2014.


GROUP-1

KWF PUP DSLU UP

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON 30, JANUARY 2024


SA FILIPINO
GROUP-1 FILIPINOHIYA
OF PUP
Ang mga rason ng PUP sa pag tatanggol sa pag katanggal ng wikang Filipino
Maraming mga guro sa Filipino, partikular na sa PUP ang mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita. Ang
iba pa na mga rason ng organisasyon ay:

• Pagtatanggol sa Karapatan ng Wika: Ipinaglalaban ng Kagawaran ng Filipino ang karapatan ng wikang


Filipino bilang pambansang wika, batay sa Saligang Batas ng Pilipinas.

• Pagbibigay-diin sa Pambansang Identidad: Kilala ang Filipino bilang wika ng sambayanan, at ipinapahayag
ng PUP na ang pag-alis ng asignaturang Filipino ay nangangahulugang pagwawala ng identidad ng bawat
Pilipino.

• Ekspertis at Pagkilala: Kilala at kinikilala ang mga manunulat at guro sa Filipino sa Kagawaran ng Filipino ng
PUP

• Akdang Kinikilala: Ang programa ng Filipino sa PUP ay may pinakamataas na akreditasyon mula sa ACCUP
at kilala sa internasyonal na antas, tulad ng pagtanggap ng Gawad Sagisag Quezon mula sa KWF.
GROUP-1 FILIPINOHIYA
OF PUP
Paninindigan ng kagawaran ng
filipinolohiya at samahan ng
mga dalubguro sa
Filipino(Sadafil). paninindigan
ng mga organisasyon na
panatilihin ang filipino bilang
asignatura sa kurikulum sa
pangakalahatang Edukasyon sa
koloheyo.
GROUP-1

ACHIEVEMENTS OF PUP FILIPINOHIYA


SA PAG ANGAT NG FILIPINO SA
INTERNASYONLA NA ANTAS(ACCUP
ANTAS 3)
GROUP-1

ANG MGA HAMON AT AKSYON


NA ISUNULONG NG PUP
Ang mga hamon na ikinaharap ng PUP sa pag papanatili ng Filipino laban sa Ched at ang
kagustuhan ng pup na maging maging modelo para sa ibang institusyon sa pangangalaga sa
wikang Filipino.
Ang hamon na kinaharap ng PUP sa pagpapanatili ng Filipino laban sa CHED. Sa ginawang hakbang ng
CHED nang alisin ang asignaturang Filipino na nakasaad sa CMO 20 serye 2013. Kahit na nabanggit na
maaring maituro sa Ingles o Filipino ang mga asignaturang binabalangkas nila.

Mga actions na isinulong ng PUP kaharap sa hamon ng pagpapanatili ng wikang Filipino laban
sa CHED
Pangunahing gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad at pagpapaigtingng puwersa para huwag
isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa kolehiyo. Bilang hakbang,magsasagawa ito ng Pambansang Talakayan
Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika, Pangkultura atPansining sa Wikang Filipino na may temang "Mga Mananaliksik
Bilang Pagtutol sa Pag-aalisng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan ng mga Guro sa
Filipinosa Hamon ng Programang K-12"
GROUP-1 POSISYON PAPEL
NG DLSU
ANG PITONG EBIDENSYA NATATANGGOL SA PAG TANGGAL NG WIKANG
FILIPINO
• Una, naniniwala kami na ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-ambag sa pagiging mabisa ng pakikipag-ugnayan sa
komunidad ng ating Pamantasan.

• Ikalawa, sa konteksto ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration, angpagkakaroon ng asignaturang Filipino na
mayinter/multidisiplinaring disenyo ay isa sa ating mgapotensyal na ambag sa proyekto ng globalisasyong pedagohikal at sosyo-
kultural.

• Ikatlo, ang wikang Filipino ay wikang global na itinuturo bilang asignatura o kaya’y komponentng Philippine Studies sa mahigit 45
unibersidad at mahigit 100 hayskul sa buong mundo. Angpagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa mga kolehiyo sa Pilipinas ay
tiyak na may negatibongepekto sa espasyo nito sa ibang bansa.

• Ikaapat, kinikilala ang kahusayan ng DLSU-Manila sa larangan ng pag tuturo at pananaliksik sa Filipino gaya ng pinatutunayan ng
dalawang ulit na paggawad ng rekognisyon ng CHED sa departamento ng Filipino bilang Center of Excellence (COE), ang kaisa-
isang departamento ng Filipino sa buong bansa na May ganitong karangalan. Mahalagang komponent ng pagiging COE ng
departamento ang pag karoon ng asignaturang Filipino na May mataas na antas. Kaugnay nito, ang departamento rin ang nag
pagtatakbo sa operasyon ng Malay,isa sa iilang multidisiplinaring journal sa Filipino na May rekognisyon internasyonal. Dagdag pa,
Kinikilala sa larangan ng malikhaing pagsulat ay pananaliksik ang departamento, gaya na rin ng pinatutunayan ng mga de-kalidad
napubliskasyon inilalathala ng nga guro nito.
• Ikalima, sa mga nakaraang dekada ng pag-iral nito, malaki na ang naiambag ng Departamento sa pamamagitan ng mga regular na
proyektong gaya ng Seryeng Panayam, Pambansang Seminar, Community Engagement, at International Conference, na
nakapagdulot ng positibong impact di lamang sa ating pamantasan, kundi lalo’t higit sa libo-libong mga mamamayang lumahok at
lumalahok sa mga ito. Hinggil sa usaping pangwika, ang Departamento ang isa sa pinakamasigasig sa mga grupong
nagbuo sa Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA) na ngayo’y nangunguna sa pakikipaglaban para
sa wikang Filipino sa antas tersyarya sa buong bansa. Matatandaang sa inisyatiba ng Departamento at sa pagsuporta ng Kolehiyo ng
Malalayang Sining ay isinagawa sa DLSU-Manila ang asembliya ng pagtatatag ng TANGGOL WIKA noong ika-21 ng Hunyo.
Mananatiling matatag ang Departamento sa pag-aambag sa mga nabanggit na inisyatiba kung magkakaroon ng asignaturang
Filipino sa kolehiyo, na magtitiyak sa patuloy na pag-iral at pag-unlad nito.

• Ikaanim, ginagarantiyahan ng pagkakaroon ng Filipino sa DLSU ang aktibong pakikisangkot ngmga guro ng Departamento at bawat
mag-aaral na Lasalyano sa mga kolaboratibongpananaliksik na isinusulong ng ibang mga departamento gaya ng Natural Language
ProcessingDepartment (CCS) kaugnay ng paglinang ng Machine Translation Software sa Filipino, pagsasalinng iba’t ibang material
tulad ng survey instruments mula sa iba’t ibang disiplina at larangangaya ng Inhenyeriya, Sikolohiya, Batas, Komersyo, at
Ekonomiks, at iba pang gawaingpananaliksik.

• Ikapito, sa pamamagitan ng asignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na katatasansa wikang pambansa ang sinumang
gradweyt ng Pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa iba’tibang pangangailangan o kontekstong pangkomunikasyon pang-
akademiko man o pangkultura,tulad ng nililinang sa ibang pamantasan. Ang pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo
aynangangahulugan ding pagbura at paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sabuong bansa.Sa kabutihang-palad, tuloy ang
pagsusulong ng adbokasiyang makabayan sa wika at edukasyonng iba’t ibang grupo sa loob at labas ng bansa. Maging ang
administrasyon ng ilang unibersidadgaya ng University of the Philippines, University of Asia and the Pacific, Philippine
NormalUniversity, Polytechnic University of the Philippines, National Teachers’ College, Assumption College, Mapua Institute of
Technology, Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, Xavier University,De La Salle-College of St. Benilde, De La SalleUniversity-
Dasmariñas, Technological University ofthe Philippines, at iba pa, ay nagpahayag ng suporta sa pagkakaroon ng asignaturang
Filipino sakolehiyo sa pamamagitan ng paglagda sa mga posisyong papel na inihanda ng kani-kanilang mgaDepartamento ng
Filipino, o kaya’y paglalahad ng komitment na magdaragdag ng required naasignaturang Filipino.
GROUP-1 POSISYON PAPEL
NG UP-DILIMAN
Ang mga batayan ng UP-Diliman pangtungkol sa "pag lapastangan at panlilinlang" ng CHED
Memorandum Order 20, series of 2013.
• Una, tinatanggal nito ang katiyakan na magamit at maituro ang wikang Filipino sa kolehiyo. Ang pagsasabing ang walong core GE
courses ay maaaring ituro sa Ingles o Filipino ay mapanlinlang. Mula sa umiiral na sitwasyong may tiyak na siyam na yunitang
wikang Filipino, inilalagay na ngayon ang kapalaran ng wika sa kamay ng mga unibersidad, kolehiyo, departamento, mga guro’t
mag-aaral, gayundin sa iba pang mga puwersa sa loob atlabas ng akademya. Ang kunwa’y paglalatag ng mga kursong GE na
maaaring ituro kapwa sa Filipino at Ingles ay lilikha lamang ng kompetisyon sa dalawang wika, bukod pa sa malaking posibilidad ng
pagpili sa Ingles dahil ito ang inimaheng “wika ng edukado” at “wikang susi ngkaunlaran.”

• Pangalawa, hindi nito kinikilala ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang isang lehitimong dominyon ng karunungan. Sa
bagong GE Curriculum, nababanggit lamangang Filipino, kahanay ng Ingles, bilang midyum o daluyan ng pagtuturo.
Binabalewalang ganitong pagtingin ang integridad ng wikang Filipino bilang ganap na dominyo ngkarunungan at isa ring paraan
ng pag-unawa sa lipunan at sa mundo, at kung gayon,nag-aambag sa pagpanday ng kaisipan atpananagutan sa
lipunan.

• Pangatlo, ang bagong GE curriculum ay tahasang pagbabalewala sa kasaysayan ng wikang pambansa, at ang
mapagtakdang papel ng wika sa pagpapaunlad ng isang bayan.
GROUP-1

ANG MGA PAHAYAG NG


IBA'T IBANG
ORGANISASYON
PATUNGKOL SA PAG
KITIL SA WIKANG
FILIPINO

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON 30, JANUARY 2024


SA FILIPINO
GROUP-1
PAHAYAG NG KWF
Ayon sa KWF hindi dapat bawasan, kundi dapat dagdagan pa at pag- ibayuhin ang paggamit ng Filipino bilang
wikang panturo sa iba't ibang larang: mula sa batas at agham panlipunan, hanggang sa matematika at agham.

Naniniwala ang KWF na wika ang salalayan ng kaluluwa ng bayan. Ang bayan na walang wikang sarili ay
walang kaluluwa.
tungkulinng KWF ang“pagtitiyak sa higitpang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon
ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Filipina

Ayon rin sa Komisyon ng Wikang Pambansa, malinaw na nilalabag ng CHED Memo 20-2013 ang mga
probisyon sa Konstitusyon ng Pilipinas 1987, at ang mga batas na itinataas ang Wikang Filipino tulad ng Batas
Republika 7104 o ang Commission on the Filipino Language Act (An Act Creating the Filipino Language,
Prescribing its Powers, Duties, Functions, and for Other Purposes) at Batas Pambansa 7356 (An Act Creating the
National Commission for Culture and the Arts Establishing National Endowment Fnd for Culture and the Arts
and for Other Purposes).

Dapat rebisahin umano ng CHED ang memorandum dahil obligasyon nito hindi lamang ang paggawa ng tiyak
na batas sa larangan ng edukasyon pali din ang pagsunod sa mga nakasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas.
GROUP-1
ANG PAHAYAG NG FACULTY REGENT OF UP DILIMAN
LABAN SA PAG KATANGGAL NG FILIPINO SA ASIGNATURA,
KURIKULUM AT PAMPANITIKAN

“Hindi lamang ito mali, kundi maling mali at kasuklam-


suklam ang ganitong panukala ng CHED at ang
pagkondena ng Korte Suprema. Mananagot sila sa
sambayanang Pilipino kung hindi manngayon, ay sa
hinaharap para sa kanilang walang kahihiyang kataksilan
sa sariling bayan.”
GROUP-1
ANG PAHAYAG NG “ACT PHILIPPINES”
SA PAG PATAY NG WIKANG FILIPINO
“Sa ganitong diwa, naninindigan ang ACT-Philippines na
nararapat IPAGTANGGOL at
PANATILIHIN ang mga asignaturang ito. Ang edukasyong makabayan ang
tanglaw ng bayan sa
landas ng kalayaan at kaunlaran. Ipagtanggol at panatilihin ang Filipino at
Panitikan sa kolehiyo!
Ibalik ang Philipine Government & Constitution bilang bukod na
asignatura sa kolehiyo! Ibalik
ang Philippine History sa hayskul! Isulong ang makabayang edukasyon!
Ibasura ang Anti-Filipino
at makadayuhang K to 12!”
ANG PAHAYAG NG
GROUP-1

KAGAWARAN NG ADMU
Muling iginiit ng kagawaran Filipino ang paninindigan nitong tutulan ang anumang pag tatangka
ng nga institusyon, grupo o indibidwal, partikukar na komisyon sa lalong mataas na Edukasyon sa
layunin nitong burahin ang Filipino sa kurikulum ng mga pamantasan sa kolehiyo.

Una, ang Filipino ay hindi lamang midyum ng pag tuturo. isa itong disiplina na ang diskurso ay
lumalagpas pa sa mga talakayan ukol sa ortograpiy, retorika, at wastong pag gamit ng nga salita.

Pangalawa, ang pag tuturo ng Filipino ay hindi nangangahulugan pagtalikod at paglimot sa mga
wikang Pilipino/ mga wika ng Pilipinas (Philippines languages)
Pangatlo, ang Filipino sa antas ng tersiyaryo ay hindi pag uulit ng Filipino sa antas ng
elementarya at sekondarya. Sa halip, pinalalawig nito ang mga batayang kasanayang natutuhan ng
mga mag aaral sa mga nauna nilang pag aaral upang higit silang makaunawa at makapag taya sa
mga nagaganap sa ating bayan.
Iginigiit namin na hindi dapat mag pagtupad ng anumang patakaran na batay sa mag maling
pagkakaunawang ito na tumatalima sa interes ng iilan, nang hindi gumagawa ng sapat at
nararapat na konsultasyon sa mga propesyonal at dalubhasa at nang hindi isinasaalang-alang ang
karapatan at kalagayan ng mga guro at mag aaral ng mga Filipino.
GROUP-1

Thank You
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON 30, JANUARY 2024
SA FILIPINO

You might also like