You are on page 1of 2

PANANALIKSIK-LOKAL

Ang wikang Filipino ang isa sa mga sagisag ng ating kalayaang nakamit sa tulong
ng ating mga bayani at ito ang pundasyon ng ating bansa, ang magpapatunay na ito ay sariling
atin. (Palencia, 2014) Ang pambansang wika ay higit pa sa ating inaakala tila ito ang tulay na
ginagamit ng lahat ng tao sa bansa, na tanging sariling atin at hindi tayo kalianman magiging
dayuhan at maliligaw dito, hindi tulad ng mga wikang hiram lamang mula sa ibang bansa. Ang
wika na dapat natin ay pinagyayaman at pinahahalagahan ngayo’y unti unting natatabunan ang
kahalagahan at nais ng CHED na tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo.
Maraming indibidwal ang maaaring maapektuhan sa pagpapatanggal ng
asignaturang Filipino isa na rito ang mga mag-aaral ng basic education, mga guro, school
administrator at mga aang lahat ng Pilipino bilang isang Pilipino. Sa panahon ngayon na ang
ating bansa’y mas gumagamit at nagiging pamilyar sa mga banyagang wika nakakalimutan na
natin ang mga simpleng pagkamit ng “din at rin”, at imbis na ating turuan ang mga bagong
henerasyon na gumamit ng “po at opo” ay mas inuuna nating ipaalam sa kanila ang kahulugan
ng “yes at no” na sadyang napakalungkot.
(Tasic, 2016) Isinulong ng dating Pangulong Manuel L. Quezon ang Executive
Order No. 263 noong 1940 na nag-uutos sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan sa
isama sa kurikulum ang pagtuturo ng wikng Pambansa, na ngayo’y tinatawag na asignaturang
Filipino. (Jasareno, 2012) Ang asignaturang ito ay naglilinang sa mga kasanayan sa pakikinig,
pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat at pag-iisip sa Filipino.
Sa pananaliksik na ito’y nagbigay sila ng ilang mga maaaring maging epekto ng
pagpapatangal ng asignaturang Filipino. Isa sa mga positibong epekto nito ay mas
mapagtututunan natin ng pansin ang mga Major subjects na naaayo sa kanilang strand na
kanila’y napili. Syempre mayroon din silang mga negatibong epekto kagaya na lang ng,
maaaring mabawasan ang ating mga kaalaman at kahasaan sa asignatura.
Ang paggawa ng Memorandum Order No. 2 series of 2013 ay tila isang hakbang na
ginawa para tuligsain ang naunang batas na sinulong ng dating Pangulong Quezon, nilalayon
ng naunang batas na pagyamanin at gawing dalubhasa ng mga Pilipino sa kanilang sariling
wika na marapat lamang samantala ang memorandum naman na nasa ilalim ng CHED ay
naglalayong gawing globally competitive ang mga Pilipino at bigyang diin ang pag-aaral ng
wikang Ingles. Ngunit kung ang mga Pilipino ang tatanungin ‘di lahat ng mga magtatapos sa
kolehiyo ay nagpaplanong lisanin ang ating inang bansa kaya para saan pa ang
pagpapatanggal ng asignaturang Filipino.
“Maaaring mabawasan ang kaalaman ng bata tungkol sa mga terminolohiyaa sa
Filipino at maaaring makaapekto sa pananalita o pagbabanggit ng wikang Filipino.”-Robelline
Mercado, BSEd major in English.

https://www.academia.edu/32046723/Pagtatanggal_ng_Asignaturang_Filipino_sa_Kolehiyo_Epekto
_sa_mga_Mag-aaral_ng_Bachelor_of_Secondary_Education_sa_Bulacan_State_University
PANANALIKSIK-LOKAL
Sa pananaliksik na ginawa ng ilang mga estudyante ng Surigao Del Sur
State University na naglalayong alamin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng
asignaturang Filipino sa Kolehiyo at pagsusuri ng mga positibo at negatibong epekto
nito. Hunyo 28, 2013 nang inilabas ng (CHED) Commission on Higher Education ang
Memorandum Order No. 20 o ang “General Education Curriculum: Holistic
Understanding, Intellectual and Civic Competencies.” Na naglalayong ipatigil ang
pagtuturo ng asignaturang Filipino sa Kolehiyo sa oras na maipatupad ang programang
K-12 noong 2016.
Nang sumabog ang balita tungkol sa Memorandum Order No. 20, dalawang
taon bago maipatupad ito’y agad tumutol ang ilang grupo at isa na rito ay ang alyansa
ng Tanggol Wika at nagkaroon ang iba’t ibang indibiwal katulad ng guro’t estudyante ng
kanikanilang opinion patungkol sa isyu.
Tinukoy ng Pambansang alagad ng Sining sa Panitikan na si Dr. Bienvenido
Lumbera kung ano ng aba ang dahilan sa likod ng pilit na pagpapatanggal ng
asignaturang Filipino. Ayon sa kanya ang mga awtoridad na nasa sistema at gumagawa
ng patakaran ay pawang mga produkto ng isang kolonyal na edukasyon kaya ‘di na
kataka taka na ang edukasyon sa Pilipinas ay laging humahanay sa mga kanluraning
sistema ng edukasyon na nais nilang pantayan.
Ang pangulo naman ng Departamento ng Filipinolohiya sa Politeknikong
Unibersidad ng Pilipinas na si Marvin Lai ang nagsabi na ang pagpapatanggal sa
Filipino bilang asignatura sa kolehiyo ay ‘di nalalayo sa pagtatanggal ng identidad ng
mamamayang Pilipino.
Ang ating wika ay isa sa mga sumisimbolo sa ‘ting pagiging Pilipino at isa sa
mga rekomendasyon na maaari nating ipaaalam sa kinauukulan na bakit ‘di nga ba
natin bigyang pansin ang paggamit ng ating sariling wika sa pagtuturo ng iba’t ibang
asignatura. Karamihan sa ating mga karatig bansa ang gumagamit sa kanilang wika sa
pagtuturo ng iba’t bang edukasyon kaya bakit kailangang ipatanggal pa ang signaturang
Filipino sa kolehiyo kung mas makakabuti ang pagpapakadalubhasa na pag-aaral ng
sariling atin.
“Ang wika ang saligan ng lipunan at nagiging kasangkapan upang magkaisa
ang mga tao”(Rubin,1989).

https://www.slideshare.net/GlaizaBugarin/kahalagahan-ng-asignaturang-filipino-sa-
kolehiyo

You might also like