You are on page 1of 31

KONTEKSTWALISADONG

FILIPINO
ARALIN 1: WIKA: Kahulugan
at Kahalagahan Batay sa
Sitwasyong Pangwika sa

02
Pilipinas.
 YOUR TITLE
 YOUR TITLE
 YOUR TITLE
01 WIKA: Kahulugan at Kahalagahan Batay sa Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas.

Arbitraryo sapagkat hindi pinagtatalunan ngunit pinagkasunduang gamitin


Ayon kay Grace de Guna (2013) “ Men do not speak simply to relieve their feelings or to
air views but to awaken a response in their fellows and to influence their attitudes and
acts”. nangangahulugan lamang ito na ang tao’y nagsasalita hindi upang ihinga lamang
ang kanyang saloobin kundi naghihikayat at naghihintay ng pagtugon o pagsang-ayon
sa kanyang iniisip o palagay.
Maituturing ding parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay ay nariyan ito,
palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa nating
gumagamit din nito. Sa bawat pangangailanagn natin ay gumagamit tayo ng wikaupang
kamtin ang kailangan natin kung nagugutom, humihingi ng pagkain, kung nasusugatan,
dumaraing upang mabigyan ng panlunas; kung nagungulila, humahanap ng kausap na
makakapawi sa kalungkutan at iba pa.
01 WIKA: Kahulugan at Kahalagahan Batay sa Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas.

Subalit kaiba sa hininga, hindi likas na bahagi ng pisikal na buhay natin ang wika. Isa
itong instrumentong hiwalay sa ating katawan, isang konstruksyong panlipunan na
kinagisnan nating nariyan na. Natutunan natin ito sa ating pamilya, magulang, paaralan at
komunidad at pagdating sa atin, kargado na ng mga kahulugan at pagpapahalaga na
galing sa ibang tao, ibang lugar, at ibang panahon. Sa pagtanggap natin sa wika,
pumapaloob tayo sa isang lipunan at nagkakaisa sa mga taong naroon. Samakatuwid,
ang kamalayan natin bilang indibidwal ay karugtong ng kamalayan ng iba sa lipunan na
ating ginagalawan.
Batay kay Clyde Kluchon (1978), isang lingwistang antropologo, ang wika ay isang uri ng
ugaling pangkultura. Ito’y kasasalaminan ng kultura ng isang lahi maging ang kanilang
mga naging karanasan. Tulad ng Pilipinas, dahil mayaman tayo sa kaparangan at mga
kabukiran, pagsasaka, maging sa mga panitikan gayundin sa mga katawagan maging sa
estilo ng pananalita at sa paggamit nito sa panulat sa panitikan.
Modyul 1: Ang
Pagtataguyod ng Wikang
Pambansa sa Mataas na
Antas Ng Edukasyon at
Lagpas Pa
 Mga Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang

02
 Introduksyon
 III.Mga Aralin
 Maikling Kasaysayan ng Adbokasya ng Tanggol
Wika
 Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo
 Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
 Pagpapahalaga
02 Mga Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang

1.Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontekstwalisadong


komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
2.Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa,
pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.
3.Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Filipino.
4.Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
5.Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis
na akma sa iba’t ibang konteksto.
6.Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t
ibang antas ng larangan.
Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-ideya.
02 II.Introduksyon

Panoorin sa Youtube ang dokumentaryong “Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino, para
kanino?” na tumalakay sa mga pagbabago sa kurikulum kaugnay ng Kto12. Sipatin din ang
pahina ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika)
(www.facebook.com/TANGGOLWIKA) upang balikan ang kasaysayan ng pakikipaglaban ng
mga Pilipino para hindi mawala ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Paano
naapektuhan ng Kto12 ang kurikulum ng Filipino at Panitikan? Bakit maituring na
makasaysayan ang adbokasya ng Tanggol Wika sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang
asignatura at bilang wikang panturo?
02 III.Mga Aralin

Makasaysayan ang taong 2014 sa larangan ng pagtataguyod ng wikang Filipino sapagkat ito
ang taon ng pagtatag ng Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014
sa De La Salle University, (DLSU)-Manila. Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo,
unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa nasabing forum. Kasama
sa mga tagapagsalita sa forum si Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Ang
forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna nang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012.
Ang mga nasabing inisyatiba ay epekto ng pagtatangka ng CHED sa pamamagitan ng CHED
Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013 na alisin ang mga asignaturang Filipino at
Panitikan sa kolehiyo, para diumano’y mabawasan at mapagaan ang kurikulum sa kolehiyo.
Malaki at makabuluhan ang papel ng Tanggol Wika sa pagtataguyod ng asignaturang Filipino
at Panitikan sa kolehiyo, bagay na lubhang mahalaga sa pagtataguyod ng wikang pambansa
sa mas mataas na antas ng edukasyon.
02 Maikling Kasaysayan ng Adbokasya ng Tanggol Wika

Noong 2011 pa ay kumalat na ang plano ng gobyerno kaugnay sa pagbabawas ng mga


asignatura sa kolehiyo, bagama’t wala pang inilalabas na opisyal na dokumento sa panahong
iyon. Lagpas isang taon naman bago ang asimbliyang pagtatag ng Tanggol Wika, noong
Oktubre 3, 2012 ay sinimulan ng mga instruktor ng Filipino sa kolehiyo ang pagpapalaganap
ng isang petisyon ng humihiling sa CHED at sa DepEd na ipahinto ang implementasyon ng
senior high school/junior high school at ng Revised General Education Curriculum (RGEC) sa
ilalim ng Kto12 na maaaring makapagpaliit o tuluyang lumusaw sa mga Departamento ng
Filipino sa mga unibersidad. Ang batayan ng gayong pangamba sa posibleng pagpapallit o
paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sa mga unibersidad ay ang kawalan ng
asignaturang Filipino sa bagong RGEC para sa antas tersyarya na nasa presentasyon ni
DepEd Assistant Secretary Tonisto C. Umali, Esq. Na may petsang Agosto 29, 2012.
02 Mga Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang

Sa paglaganap ng usap-usapan na tatanggalin na sa bagong kurikulum ng kolehiyo ang


Filipino at Panitikan at iba pang asignatura sa kolehiyo, binaggit ng ilang administrador sa
ibang unibersidad ang posibilidad na lusawin o kaya’y pagsamahan sa ibang departamento
ang Departamento ng Filipino. Bilang tugon sa mga gayong plano, inilabas noong Disyembre
7, 2012 ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang “Posisyong Papel para sa Bagong CHED
Curriculum” na may pamagat na “Isulong ang Ating Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang
Konstitusyonal na Karapatan ng Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang larangan at
Asignaturang may Mataas na Antas.” Ang may-akda ng nasabing posisyong papel ay si Prop.
Ramilito Correa, ang noo’y pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng DLSU.
02 Mga Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang

Noon pa man ay binigyang-diin na ng mga maka-Kto12 na babawasan ang mga asignatura sa


kolehiyo at ililipat ang mga ito sa senior high school. Gayunpaman, tila pangunahing target ng
mga maka-Kto12 ang Filipino sapagkat isang asignaturang Filipino (Retorika) lamang ang
nakatala sa listahan ng mga asignatura sa senior high school na nasa “Kto12 TOOLKIT:
Reference Guide for Teacher Educators, School Administrators, and Teachers (2012)” na
inilabas ng SEAMEO-INNOTECH at may imprimatur ng DepEd gaya ng pinatutunayan ng
panimulang mensahe roon ng noo’y kalihim ng DepEd na si Br. Armin Luistro, FSC. Sa nasabi
ring dokumento ay opsyonal lamang ang asignaturang Filipino for Specific Purposes, habang
bukod sa asignaturang English na Oral Communication ay mayroon pang required na
Philippine Literature at World Literature, bukod pa sa opsyonal na English for Specific
Purposes. Noong Hunyo 28, 2013 lamang inilabas ng CHED ang CMO No. 20 Series of 2013
na nagtakda
02 Mga Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang

ng core courses sa bagong kurikulum sa antas tersyarya sa ilalim ng Kto12: “Understanding


the Self; Readings in Philippine History; The Contemporary World; Mathematics in the Modern
World; Purposive Communication; Art Appreciation; Science, Technology and Society; Ethics.”
Ang dating balita ay kumpirmado na; walang Filipino sa planong kurikulum ng CHED sa ilalim
ng Kto12, kumpara sa anim hanggang siyam na yunit ng asignaturang Filipino, alinsunod sa
CMO No. 04, Series of 1997, bukod pa sa dati-rati’y tatlo hanggang anim na yunit ng
Panitikan. Sa Seksyon 3 ng CMO No. 20, Series of 2013 ay naging opsyonal na lamang din
ang Filipino bilang midyum sa pagtuturo, mula sa dating pagiging mandatoring wikang panturo
nito sa ilalim ng CMO No. 59 Series of 1996. Bandang 2014 na nang magkaroon ng kopya ng
CMO No. 20, Series of 2013 ang marami-raming propesor ng Filipino at Panitikan.
02 Mga Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang

Noong Hulyo 4, 2014 ay nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa demand ng Tanggol Wika.
Simula lamang iyon ng napakarami pang pakikipagtunggali ng Tanggol Wika sa diyalogo sa mga opisyal
ng CHED na noo’y hindi pa kumbinsido sa pangangailangang mapanatili ang Filipino at panitikan sa
kolehiyo.
Nakatulong ng malaki sa mabilis na pagsulong at popularisasyon ng pakikibaka ng Tanggol Wika
ang maagap na media reports hinggil sa isyung ito, gaya ng ulat ni Mark Angeles (2014) at Amanda
Fernandez (2014) para sa GMA News Online, ni Steve Dailisan (2014) para sa State of the Nation, ni Jee
Geronimo (2014) sa Rappler.com at ni Anne Marxze Umil (2017) para sa bulatlat.com, na sinundan pa ng
mas maraming ulat mula sa iba pang media outfit. Malaking tulong din ang mga dokumentaryong inilabas
ng mga guro mula sa UPD gaya ng “Sulong Wikang Filipino” (panayam kay Dr. Bienvenido Lumbera) at
“Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino, Para Kanino?” na kapwa inupload sa YouTube noong
Agosto 2014, gayundin ang “Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa” na
inilabas naman noong Setyembre 2016.
02 Mga Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang

Mula 2014 hanggang kasalukuyan, sunud-sunod ang mga forum at asembliya, diyalogo at
kilos-protesta ng Tanggol Wika sa buong bansa para ipaliwanag at ipalaganap ang mga
adbokasiya nito, ngunit nagbingi-bingihan lamang ang CHED. Noong Abril 15, 2015, ay
nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa pangunguna ni Dr. Bienvenido
Lumbera, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep. Fernando
Hicap, Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, at mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang
kolehiyo at unibersidad. Inihanda nina Atty. Maneeka Sarzan (abogado ng ACT Partylist), Atty.
Gregorio Fabros (abogado ng ACT), at Dr. David Michael San Juan, ang nasabing petisyon.
Ang 45 pahinang petisyon ay nakasulat sa Filipino (ang kauna-unahang buong petisyon sa
wikang pambansa) at opisyal na nakatala bilang G.R. No. 217451. nakapokus ang nasabing
petisyon sa paglabag ng CMO No. 20, Series 2013 sa mga probisyon sa Konstitusyon, at sa
mga batas.
02 Mga Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang

Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay kinatigan ng Korte Suprema
ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglabas ng TRO na may petsang Abril 21, 2015.
Sa press release ng Tanggol Wika kaugnay ng tagumpay na ito ay hinikayat nito na tuloy-
tuloy na suriin ang “other aspects of the Kto12 program, and help align current educational
reforms to the country’s needs and the Filipino people’s welfare, so as to further contribute to
the country’s historical anti-neocolonial and anti-imperialist struggle in the arena of culture and
education” (Ayroso, 2015). Kaugnay nito, tumulong ang Tanggol Wika sa pagbubuo ng kapatid
na organisasyong Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na
naglalayon namang itaguyod ang panunumbalik ng asignaturang Philippine History sa hayskul
(sa ilalim ng Kto12 ay wala nang required Philippine History subject) noong Setyembre 23,
2016 sa isang forum sa PUP, at ng mas malawak na pormasyong Kilos na Para sa
Makabayang Edukasyon (KMEd) na itinatag naman noong Agosto 25, 2017 sa PUP din.
02 Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo
Isa sa pinakaunang posisyong papel na nagtataguyod sa pagpapanatili ng Filipino at Panitikan
sa kolehiyo ang resolusyon ng humugit-kumulang 200 delegado sa isang pambansang
kongreso ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSSLF) noong
May 31, 2013, sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Aurora Batnag, dating direktor ng KWF,
pinamagatang “PAGTITIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG
ASIGNATURA SA ANTAS TERSYARYA” ang nasabing resolusyon na inilakip ng PSSLF sa
isang posisyong papel na isinumite sa CHED noong 2014. Ang resolusyon na ito na
pangunahing inakda ni Dr. Lakandupil Garcia ay ekspresyon ng kolektibong reaksyon ng mga
guro sa patuloy na pagkalat ng balita na wala na sa bagong kurikulum ng kolehiyo ang
asignaturang Filipino. Pangunahing nilalaman ng resolusyon ang paggigiit ng mga guro na
hindi dapat patayin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat “sa antas tersyarya
nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng
pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang pangmadla at kaalamang
pangmidya.
02 Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo

Noong Hulyo 20, 2014 ay inilabas naman ng KWF ang “kapasiyahan ng kalupunan ng mga
komisyoner blg. 14-26 serye ng 2014… na naglilinaw sa tindig ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF) hinggil sa CHED Memorandum Blg. 20, S. 2013.” Kagaya ng lupon ng mga
komisyoner ng KWF na naggigiit ng “pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa Wikang Filipino, na
hindi pag-uulit lamang ng mga sabjek sa Filipino sa antas sekundarya, kundi naglalayong
magamit at maituro ang wika mula sa iba’t ibang disiplina- na pagkilala sa Filipino bilang
pintungan ng karunungan at hindi lamang daluyan ng pagkatuto, at upang matiyak ang patuloy
na intelektwalisasyon ng Filipino” at pagtitiyak na “kalahati o apat (4) sa panukalang Core
Courses, bukod sa kursong Rizal, na nakasaad sa Memorandum Order Blg. 20, S. 2013 ay
ituro gamit ang wikang Filipino.” Sa kabila ng hindi gaanong malinaw na pormulasyon, malinaw
ang kabuuang layunin ng resolusyon ng KWF: suportahan ang panawagan ng mga samahang
pangwika hinggil sa pagbuhay ng mga asignaturang Filipino sa kolehiyo sa paggamit din ng
Filipino bilang wikang panturo sa iba pang asignatura.
02 Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo

Naglabas din ng posisyong papel ang mga guro mula sa Ateneo de Manila University, na
pinamagatang: “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de
Manila sa Suliraning Pangwikang Umuugat sa CHED Memorandum Order No. 20, Series of
2013.” Binigyang diin ng nasabing dokumento na ang pagkakait ng espasyo sa Filipino ay
pagkakait din ng espasyo para sa iba pang wika ng bansa: “Hindi lamang midyum ng pagtuturo
ang Filipino. Isa itong disiplina. Lumilikha ito ng sariling larang ng karunungan na nagtatampok
sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya.
02 Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo

Dapat patuloy itong ituro sa antas tersyaryo at gradwado bilang integral na bahagi ng anumang
edukasyong propesyonal. ..ang banta na alisin ang Filipino sa kademikong konteksto ay
magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang
panrehiyon. Kakabit ng pag-aaral ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng
mga wika at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskursong
akademiko. At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat maging
mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika
upang itanggi ang sarili at kanilang mga interes.”
02 Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo

Dapat patuloy itong ituro sa antas tersyaryo at gradwado bilang integral na bahagi ng anumang
edukasyong propesyonal. ..ang banta na alisin ang Filipino sa kademikong konteksto ay
magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang
panrehiyon. Kakabit ng pag-aaral ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng
mga wika at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskursong
akademiko. At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat maging
mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika
upang itanggi ang sarili at kanilang mga interes.” Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang
identidad mo.”
02 Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo

Dapat patuloy itong ituro sa antas tersyaryo at gradwado bilang integral na bahagi ng anumang
edukasyong propesyonal. ..ang banta na alisin ang Filipino sa kademikong konteksto ay
magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang
panrehiyon. Kakabit ng pag-aaral ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng
mga wika at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskursong
akademiko. At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat maging
mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika
upang itanggi ang sarili at kanilang mga interes.”
02 Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas

Sa diwa ng lahat ng natalakay na, malinaw na Filipino ang wikang magagamit sa paglinang at
pagpapalaganap ng “isang edukasyon na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa,
nagpapayaman ng diwang mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng
nakararami” (Lumbera et al.,2007).
Ipinahayag ni Dr. Wilfrido V. Villacorta, isa sa mga Komisyoner ng 1986 Constitutional
Commission, nang kaniyang ipinanukala ang mga probisyong kalauna’y naging Artikulo XIV sa
Saligang Batas ukol sa edukasyon, wika, at sining na “ang ating Wikang Pambansa, walang
kaduda-duda, ay isang makabuluhang pangkulturang muhon para sa pambansang
pagkakakilanlan. Ngunit higit sa karaniwang pangkulturang muhon, ang isang wikang
pambansang nagsisilbing pahatiran ng komunikasyon sa pagitan ng mga etno-lingwistikal na
grupo at uri ay nagbibigay daan sa pagkakaisa at pagkakaroon ng kapangyarihan ng ating
mamamayan”, batay sa banggit petisyon ng Tanggol Wika sa Korte Suprema (2015).
02 Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas

Kung susuriing mabuti, hindi lamang dimensyong kultural mahalaga ang wikang Filipino, kundi
maging sa aspektong ekonomiko rin. Gaya ng sinabi ni San Juan (2014a), ang wikang
pambansa lamang ang makapagtitiyak na ang sitemang pang-edukasyon ng bansa ay
nakaangkla sa pagpapaunlad ng buhay ng mga Pilipino: “Retaining Filipino in the tertiary level
is just one step toward aligning our education system with our goals as a nation. We can
change the subjects as often but we should emphasize inculcating values for national
development and international solidarity, rather than subscribing to dependency on failed
foreign frameworks and the race-to-the- bottom doctrine preached by global capital.”
02 Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas

Ang ganito kabilis na pagdami ng nagsasalita sa Filipino ay nangangahulugang isa na itong


maituturing na “wika ng bayan” o lingua franca, at ginagamit na wika ng komunikasyon ng
sinumang dalawang Filipino na may magkaibang wikang katutubo at nais mag-usap…bunga ito
ng epektibong pagtuturo ng wikang Filipino sa mga paaralan” at “ng patuloy at dumadaming
paglabas ng mga babasahin na nakasulat sa wikang Filipino.
02 Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas

Ang ganito kabilis na pagdami ng nagsasalita sa Filipino ay nangangahulugang isa na itong


maituturing na “wika ng bayan” o lingua franca, at ginagamit na wika ng komunikasyon ng
sinumang dalawang Filipino na may magkaibang wikang katutubo at nais mag-usap…bunga ito
ng epektibong pagtuturo ng wikang Filipino sa mga paaralan” at “ng patuloy at dumadaming
paglabas ng mga babasahin na nakasulat sa wikang Filipino.
02 Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas

Ang gayong pagsulong ay bahagi ng mga naunang dekada ng Filipinisasyon, partikular noong
dekada ‘80-’90 na hanggang ngayo’y may positibong epekto pa rin sa pag-unlad ng wikang
pambansa bilang wika ng komunikasyon. Bunsod ng makasaysayang Unang Rebolusyon sa
EDSA noong 1986, nagkaroon ng bagong Saligang Batas ang ating republika. Isa sa mga
pinakamaiinit na usaping pinagtalunan ng mga delegado sa kumbensyong konstitusyunal ay
ang usapin ng wikang pambansa. May ilang rehiyunalista na nagnanais ng unibersal na dulog
sa pagpili ng wikang pambansa: ang amalgamasyon o paghahalo-halo ng talasalitaan mula sa
iba’t ibang wika ng Pilipinas.
02 Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas

Maalab ding nakipagtagisan ng talino ang mga ultra-konserbatibo na nagpanukala namang


Espanyol ang dapat maging wikang opisyal. Pinakamasugid na kalaban ng mga
tagapagtaguyod ng wikang pambansa ang mga delegadong Amerikanista. Gayunpaman, dahil
sa magigiting na tagapagtanggol ng wikang pambansa na nagmula sa iba’t ibang wika, nanaig
ang konsensus na ang wikang pambansa ay wikang Filipino na ang nukleyo ay ang wikang
Pilipino, sa pasubaling ito’y patuloy na lilinangin salig sa mga umiiral na mga katutubong wika
sa Pilipinas at handa ring humiram ng mga salitang banyaga. Sa pagpapalit ng pangalan mula
“Pilipino” tungong “Filipino” ganap na napatahimik na ang protesta ng mga rehiyunalista. Hindi
simpleng pagpapalit ng titik ang nangyayari: testamento ito na ang wikang pambansa ay hindi
na lamang sa Tagalog nakasandig, sapagkat wala namang “F” sa Abakadang tagalog. Ang
pagbabanyuhay ng Pilipino na naging “Filipino” ay pagyakap ng wikang pambansa sa iba pang
mga katutubong wika ng Pilipinas na may mga tunog na wala sa Tagalog.
02 Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas
Malalaking tagumpay at pagsulong din ang kinamtan ng wikang Filipino sa mass media. Sa
dalawang magkasunod na dekadang ito’y nauso ang paggamit ng Filipino sa mga public affairs
at news program. Naging panggabi na lamang ang mga programang balita sa telebisyon.
Pinasimulan ng programang “Batibot” at sinundan ng “At Iba Pa,” “Hiraya Manawari” at
“Bayani” ang pagtatangka ng mga makabayang TV producer na tumulong sa de-
Amerikanisasyon ng mga Pilipino. Ang popularisasyon ng mga radyo-dramang Tagalog na
talaga namang sinubaybayan ng masang Pilipino sa buong kapuluan ay nakapag-ambag din
sa pagsulong ng wikang Filipino. Katunayan, masasabing mas malaki ang papel ng radyo sa
Filipinisasyon ng mass media, sapagkat noong mga panahong iyon, hindi pa gaanong
maraming Pilipino ang may telebisyon ngunit walang dudang halos bawat tahanan mula sa
Forbes park hanggang sa kasulok-sulukang isla ng bansa na may naninirahang Pilipino ay
may radyo. Bagama’t napako sa mga tabloid ang Filipinisasyon ng print media, malaking
tagumpay ang pag-ungos ng mga pahayagang Filipino sa bilang ng mga mambabasa ng mga
Ingles na broadsheet na nakalatha sa wikang English.
02 Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas

Lubos na naging maningning sa panahong ito ang pagsulong ng wikang Filipino sapagkat sa
dekadang ito’y naipasa ang Batas Republika Blg. 7104 na nagtatadhana ng paglikha ng
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang pangunahing ahensya ng gobyerno na nangangalaga
sa patuloy na pagpapaunlad at pagtataguyod ng paggamit ng wikang pambansa at ng iba pang
mga wika sa Pilipinas, kagaya ng hinalinhan nitong Institute of the National Language.
Samakatuwid, ang adbokasya ng Tanggol Wika na adbokasya rin ng maraming
makabayan sa bansa ay magtitiyak na ang nasimulan na ay maipagpapatuloy at lalo pang
mapauunlad tungo sa ganap na paggamit ng Filipino bilang wika ng komunikasyon sa iba’t
ibang antas larangan.
02 Pagpapahalaga

Ang makasaysayang adbokasya ng Tanggol Wika ay adbokasyang dapat panghawakan at


itaguyod ng bawat Pilipino sapagkat ito’y nagpapatibay sa bisa ng wikang pambansa bilang
wika ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iisang wika sa pambansang
diskurso, lalong mapaglalapit-lapit ang damdamin, mga pangarap, hinaing at iba pa ng mga
mamamayang pilipino sa buong arkipelago tungo sa patuloy na paglinang ng wika at kulturang
sariling atin, sa panahong nanganganib mabura ang mga lokal at pambansang identidad dahil
sa mapangwasak na daluyong ng globalisasyong pinangingibabawan ng iilang
makapangyarihang bansang karamihan ay nasa Kanluran.
THANK YOU!
THANK YOU FOR WATCHING

You might also like