You are on page 1of 8

College of Engineering, Architecture,

and Technology
Pangalan: Mae F. Faeldin Taon/Seksyon: BSCE-1B Petsa: 11-05-2020
Iskor:__________

Yunit I Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na


Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa
PAGSASANAY 1

Panuto: Bigyang pagpapakahulugan at talakayin ang mga sumusunod.

1. Wikang Filipino

Ang wikang Filipino ay ang Pambansang Wika at isa sa mga opisyal na wika ng
Pilipinas. Nakasaad sa Artikulo XIV ng 1987 Konstitusyon Seksyon 6 na ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Dapat itong payabungin at pagyamanin pa salig sa mga
umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ang wikang Filipino ay ang
nagsisilbing tulay nating mga Pilipino upang magkaunawaan.

2. Wikang Opisyal

Ang wikang opisyal ay ang mga wika na tumutukoy sa opisyal na ginagamit na


lenggwahe ng isang bansa. Sa pamamagitang nito, dito malalaman kung saang bansa ka
nakatira o nagmula. Hunyo 7, 1940 ay ipinagtibay ng batas komonwelt blg. 570 na
nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946, ang wikang pambansa ay isa sa mga opisyal na wika
ng bansa at ang opsiyal na wika ng Pilipinas ay Tagalog na initatag noon Disyembre 30, 1937
ni Pangulong Quezon. . Ito rin ay ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado ng mga
mamamayan. Maraming pag-aaral ang isinagawa bago maging opisyal ang isang wika

3. Pangulong Manuel Luis M. Quezon

Si Pangulong Manuel Luis M. Quezon ay ang unang pangulo ng komonwelt at ang


pangalawang pangulo ng bansang Pilipinas. Siya ang tinaguriang “Ama ng Wikang
Pambansa”. Sa ilalim ng kaniyang pamamahala, nakapagtatag ito ng Pambansang Wika ng

This study source was downloaded by 100000812398075 from CourseHero.com on 03-09-2022 04:57:44 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/121136022/FAELDIN-MAE-Fdocx/
College of Engineering, Architecture,
and Technology
Pilipinas. Ito ay dahil na rin sapagbuo ng pamahalaang SWP na responsible sa pag-aaral ng
pagkakaroon ng wikang pambansa.

4. Surian ng wikang Pambansa

Ang Surian ng Wikang Pambansa o SWP ay binubuo ng mga kinatawan na


nagmula sa mahahalagang rehiyon ng Pilipinas. Dahil sa kanilang puspusang pag-aaral,
ipinasya nila na Tagalong ang siyang dapat pagbatayan ng wikang pambansa dahil ito ang
wikang sinasalita ng nakakahigit na dami ng mga Pilipino at inihayag ni Pangulong Quezon
noong Disyembre 30, 1937 na ang wikang pambansa ay Tagalog.

5. Mga opisyales ng SWP

Ang mga opisyales ng SWP ang nagbuhis ng dugo at pawis sa paggawa ng pag-
aaral ng mga katutubong wika at sa pag pili ng magiging batayan ng wikang pambansa.
Kung hindi dahil sa kanila, hindi maidedeklara na ang pambansang wika ng Pilipinas ay
Tagalog. Ang mga taong bumubuo bumuo sa Surian ng wikang Pambansa ay sina Jaime
C de Veryra (Samar, Leyte-Visayas)- Unang Pangulo, Cecilio Lòpez (Tagalog) – Taga
lihim, Santiago A. Fonacier (Ilocano) – Kagawad, Felimon Sotto (Cebu, Visayan) –
Kagawad, Casimiro F. Perfecto (Bicol) – Kagawad, Felix S. Salas Rodriguez (Panay,
Visayan) – Kagawad, at Hadi Butu (Moro) – Kagawad.

This study source was downloaded by 100000812398075 from CourseHero.com on 03-09-2022 04:57:44 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/121136022/FAELDIN-MAE-Fdocx/
College of Engineering, Architecture,
and Technology

Pangalan: Mae F. Faeldin Taon/Seksyon: BSCE-1B Petsa: 11-05-2020


Iskor: __________

PAGSASANAY 2

Panuto: Talakayin ang iyong pananaw hinggil sa mga sumusunod.

1. Ang mga sumusunod ay ilan sa mahahalagang puntos na ibinigay ng mga petisyoner


laban sa CMO 20, Series 2013:

a. Ang paghina at, sa kalaunan, kamatayan ng ating pambansang wika, kultura,


kasaysayan, at pambansang pagkakakilanlan.

Ayon sa Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6, “Ang wikang


pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika.” Maliwanag ang isinasaad ng Saligang Batas na kailangang
payabungin ang Wikang Filipino sapagkat ito ang ating pambansang wika. Ito ay
bahagi ng pagkakakilanlan natin bilang Pilipino – pagkakakilanlan na kaakibat ng
ating kalayaan mula sa mga mananakop noong unang panahon. Ang ating
tinatamasang kalayaan ay bunga ng dugo at pawis sa pakikibaka ng ating mga
bayani. Ito ay bahagi ng ating kasaysayan at kultura.

b. Dudulo ang panghihina at kamatayang ito ng mga Pilipno bilang nagkakaisang


mamamayan at may pagmamahal sa bayan, at ng Pilipinas bilang maunlad na
bansa—mga baya na nilayong iwasan ng mga nagbalangkas ng Kostitusyon at ng
sambayanang nagratipika nito.

This study source was downloaded by 100000812398075 from CourseHero.com on 03-09-2022 04:57:44 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/121136022/FAELDIN-MAE-Fdocx/
College of Engineering, Architecture,
and Technology
Bilang isang pilipinong may pagmamahal sa aking bayan, tunay nga na taliwas
ito sa ating nakasanayan at sa ating paniniwala at maaaring makaapekto sa
pagkakaisa ng bawat mamamayan sa napakaraming aspeto, sapagkat hindi lamang
isinasaysay rito ang nakaraan bagkus itinuturo nito sa atin ang mga kulturang
dapat natin makagawian at dapat tangkilikin bilang isang pilipino. Sa ganitong
paraan ay masasariwa natin ang mga bagay na nakagawian ng ating mga ninuno at
ng mga naunang henerasyon sa atin na maaari natin maisabuhay din ngayon kung
ating nanaisin. Dahil mas uunlad ang isang bayan na mayroong pagkakaisa upang
ipalaganap ang kanyang sariling kultura kumpara sa pagtangkilik sa kultura ng
mga banyaga.
Ayon nga sa ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal, "Ang sino mang
hindi marunong magmahal sa kanyang sariling wika ay higit sa hayop at
malansang isda."

c. Kapag hindi napagbigyan ang kahilingan ng mga petisyoner na ipahinto ang


implementasyon ng CMO no. 20 sa pamamagitan ng temporary restraining order
at/o writ of preliminary injuction., tuluy-tuloy na maipatupad ng CHED ang isang
kurikulum na anti-Filipino, anti-nasyonalista at tahasang lumalabag sa
konstitusyon.

Ayon sa pag-aaral ng NCCA-NCLT, humigit kumulang 10,000 hanggang


20,000 na mga propesor ang mawawalan ng trabaho dahil sa CMO 20-2013, kung
hindi napagbigyan ang kahilingan ng mga petisyoner na ipahinto ang
implementasyon ng CMO No.20 Serye ng 2013.
Ayon sa aking pananaliksik bago maitupad ang petisyon may ilang mga
grupo ang tumututol, at isa na rito ang aktibong alyansa ng tanggol wika. ito ay
isang samahan na binubuo ng guro at estudyante na ang pangunahing adbokasiya
ay pagtataguyod sa wikang Filipino bilang asignatura at bilang wikang panturo.
Una, hindi lahat tayo ay nakakaintindi ng bahagya sa wikang ingles, mas
mabilis ng mga mag aaral na matutunan ang wikang Filipino at ginagamit bilang
midyum sa pagtuturo dahil mas naiintindihan ito, at ang pangalawa ay para nating
tinatanggal ang identidad ang mamayang Pilipino. Kailangan nating panatilihin
ang asignaturang Filipino sa ibat ibang larangan ng pag aaral. Kahit saan kaman
pumunta lahat ng lugar ay pinapanatili nila ang kanilang wika dahil ito ay
naghuhubog bilang isang mamamayan. Meron naman ibang tao na ikinahihiya ang
sariling atin at binibigyang diin ang ibang wika. Kaya naniniwala ako na
kailangan ipagpatuloy ang pagtuturo ng wikang Filipino sa kolehiyo. Ipaglaban

This study source was downloaded by 100000812398075 from CourseHero.com on 03-09-2022 04:57:44 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/121136022/FAELDIN-MAE-Fdocx/
College of Engineering, Architecture,
and Technology
natin ang sariling atin, mula sa ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyan at
makabagong panahon, ipaglaban , pagyamanin at huwag natin hayaan na ang
asignaturang Filipino ay mawawala sa kurikulum ng kolehiyo.

d. Pahihinain nito ang pundasyon ng ating nasyonalismo, identidad, kultura,


pagkabansa, pagkakaisa, at demokrasya.

Ako ay sang ayon, pag wala ang sariling wika ay nakapababa ng moral at
identidad sa isang mamayan. Bilang isang Pilipino dapat nating talakayin at
tangkilikin ang sariling atin, huwang natin kalimutan ang mga kultura, pang
gagawi ng ating mga ninuno, kahit na ito’y luma patuloy pa din nating isagawa.
Gaya ng bayanihan ito ay ang pagtulong sa paglipat ng bahay sa pamamagitan ng
pagbuhat ng naturang bahay, hindi man natin naabutan ang pag-uugaling ito ay sa
kabilang banda, tayo ay namangha sa pag kakaisa ng mga Pilipino noon. Huwag
nating hayaan na mawala ang ating natutunan sa ating bansa at huwang natin
hayaang walang alam ang susunod na henerasyon tungkol sa kung ano ang
nangyari sa kasalukuyan.

This study source was downloaded by 100000812398075 from CourseHero.com on 03-09-2022 04:57:44 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/121136022/FAELDIN-MAE-Fdocx/
College of Engineering, Architecture,
and Technology

Pangalan: Mae F. Faeldin Taon/Seksyon: BSCE-1B Petsa: 11-05-2020


Iskor:__________

PAGSASANAY 3

Panuto : Ilagay ang titik ng tamang sagot sa patlang na inilaan.

___D___1. Ang mga sumusunod ay ang ating mga lider na makabayan sa kasaysayan ng
wikang pambansa maliban sa isa :
a. Cecilio Lopez
b. Teodoro Kalaw
c. Lope K. Santos
d. Jose Rizal
___A___2. Anong taon ginawa Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang
Komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon.
a. 1934
b. 1997
c.1935
d. 1943

This study source was downloaded by 100000812398075 from CourseHero.com on 03-09-2022 04:57:44 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/121136022/FAELDIN-MAE-Fdocx/
College of Engineering, Architecture,
and Technology
___C___3. Anong petsa Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na
lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga
katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.
a. Nobyembre 8, 1936
b. Abril 1, 1940
c. Nobyembre 7, 1936
d. Disyembre 30, 1937
___D___4. Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon,
ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog sa anong taon?
a. Nobyembre 8, 1936
b. Disyembre 30, 1938
c. Nobyembre 7, 1936
d. Disyembre 30, 1937

___A___5. Sa anong taon ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng


paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa.
a. Abril 1, 1940
b. Disyembre 30, 1938
c. Abril 1, 1942
d. Disyembre 30, 1937
___B___6. Anong taon pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa
Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
a. Hunyo 6, 1942
b Hunyo 7, 1940
c. Hunyo 9, 1941
d. Hunyo 8, 1940
___C___7. Anong taon nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa
taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit
ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
a. Marso 27, 1954
b Hunyo 7, 1940
c. Marso 26, 1954
d. Hunyo 8, 1940
__A____8. Anong taon tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim
Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito,
kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
a. Agosto 12, 1959
b Hunyo 7, 1940
c. Agosto 13, 1959

This study source was downloaded by 100000812398075 from CourseHero.com on 03-09-2022 04:57:44 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/121136022/FAELDIN-MAE-Fdocx/
College of Engineering, Architecture,
and Technology
d. Oktubre 24, 1967
__D____9. Anong tao nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na
ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.
a. Agosto 12, 1959
b Hunyo 7, 1940
c. Agosto 13, 1959
d. Oktubre 24, 1967
___C___10. Anong taon ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang
kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay
nito ay maisulat sa Pilipino.
a. Agosto 7, 1973
b Hunyo 7, 1940
c. Marso, 1968
d. Oktubre 24, 1967

This study source was downloaded by 100000812398075 from CourseHero.com on 03-09-2022 04:57:44 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/121136022/FAELDIN-MAE-Fdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like