You are on page 1of 8

COE

2020-2021

GLOBAL RECIPROCAL COLLEGES


COLLEGE OF EDUCATION
FILIPINO

KONTEKSTWALISADONG
KOMUNIKASYON SA FILIPINO
(KOMFIL)

Inihanda ni:

Reymond S. Cuison
GLOBAL RECIPROCAL COLLEGES

IKA-2 HANGGANG IKA-3 LINGGO

ARALIN 1:
INTRODUKSYON: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NA ANTAS
NG EDUKASYON AT SIMULAIN NG KURSO

I. INAASAHANG BUNGA/PAGGANAP

A. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa


kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
B. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa,
pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.
C. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.

II. PAGTALAKAY
Bilang isang Pilipinong mag-aaral na kumukuha ng asignaturang
Filipino sa Kolehiyo, sa palagay mo ba ay dapat na ituro pa ang
Wikang Pambansa at Panitikan sa Kolehiyo? Punan ang kahon ng
inyong palagay:

PAKSA: Dapat bang itaguyod ang Wika at panitikan sa Kolehiyo

Hindi na sapagkat... Dapat itaguyod sapagkat...

Talakayin natin ang mga sumusunod:


A. Isyu ng pagtatanggal ng Wika at panitikan sa Kolehiyo
B. Paninindigan ng mga nagtatanggol ng wika at panitikan
C. Simulain ng kurso: Ang Wika, Wikang Pambansa at Panitikan
ng bansa

A. Panoorin ang mga sumusunod na bidyo para sa usaping ito, bisitahin ang link
sa ibaba:

https://youtu.be/K3O0U7IXdNM https://youtu.be/sLJsYViUzGQ

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)


COLLEGE OF EDUCATION
2020-2021
GLOBAL RECIPROCAL COLLEGES

Nagdesisyon ang Commission on Higher Education at Supreme Court na tanggalin bilang


mandatory subjects ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

Noong Mayo 2019 ay iginiit ng Korte Suprema ang naging hatol nila noong October 9,
2018 na ibaba sa 36 units na lang ang minimum units required sa general education
curriculum. Ito ay nakapaloob sa CHED memorandum 20 series of 2013 o “General
Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies.”

Minsang sinabi ng manunulat at pintor na si Jun Cruz Reyes na nasa panitikan at


kasaysayan ang dangal ng bawat bayan.( http://manilatoday.net/tag/tanggol-wika/ )

Nasaan ang dangal ng bayan ngayong madami nang institusyon ng kolehiyo at


unibersidad ang nag-alis ng Filipino at Panitikan sa kanilang kurikulum sa susog
ng panukala ng CHED.

Nasaan ngayon ang Filipino subject? Binura ba ito from GEC o college
curriculum? Ayon kay Patricia Lucuanan -CHED Chairperson- hindi ito binura,
kundi ang mga asignaturang Filipino ngayon ay nasa Grade 11 at 12, sa basic
education na. Bagamat hindi na required subjects ang Filipino at panitikan sa
kolehiyo ay binibigyan ng pagpapasya ang mga Higher Institutions kung mag-o-
offer pa o hindi na ng asignaturang Filipino sa kanilang institusyon.

B. GAWAIN 1: Pagsisipi ng Pahayag

Mangalap ng iba't ibang opinyon ng mga kilala o hindi kilalang tao ukol sa
pagtataguyod ng Wikang Filipino at Panitikan sa Kolehiyo, (maaaring personal
na panayam o mga panayam sa napanood na bidyo o nabasang pahayag).
Punan ang kahon sa ibaba:

Mga Pahayag at paninindigan tungkol sa pagtataguyod ng Filipino at Panitikan.


PANGALAN AT SIPING PAHAYAG
MAIKLING DETALYA

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)


COLLEGE OF EDUCATION
2020-2021
GLOBAL RECIPROCAL COLLEGES

Alam kong naunawaan mo na ang usapin tungkol sa pagtataguyod


Ano ang maaring
ng wikang pambansa idulot
sa ngmas mataas na antas ng edukasyon dahil sa
pagkawala ng asignaturang
pagbabahaginan ng ating kaalaman tungkol sa mga nabasa at napanood. Sa
Filipino sa kolehiyo sa mga
pagkakataong ito, gawin ang mga sumusunod na karagdagang
Pilipino o sa ating bansa?
gawaing papel (worksheets)

Gawain 2: Linear Model


Itala ang maaaring ibunga ng pagkakatanggal ng Filipino at
Panitikan sa kolehiyo sa mga Pilipino o sa ating bansa.

Gawain 3: Idea Web


Punan ang kahon ng mga kaugnayan ng pagpapatanggal ng
CHED sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo sa mga sumusunod na
konsepto.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)


COLLEGE OF EDUCATION
2020-2021
GLOBAL RECIPROCAL COLLEGES

C. Simulain ng kurso: Ang Wika, Wikang Pambansa at Panitikan ng bansa

Ayon kay B. Lumbera Ang wika ay palatandaan ng identidad ng bayan.


Sa makatuwid paano na ang identidad ng ating pagkakakilanlan bilang
Pilipino kung malilimitahan ang pagkatuto natin sa ating wika at
panitikan?
At ano na nga ba ang tatahaking landas ng ating wikang pambansa -
ang Filipino- sa ganitong uri ng sistema ng edukasyon? Ingles ang
halatang pinapaboran na wika sa mataas na edukasyon dahil sa mga
vocational technical courses.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)


COLLEGE OF EDUCATION
2020-2021
GLOBAL RECIPROCAL COLLEGES

"kung walang wikang Filipino na gagamitin upang makapag-usap tayo


lahat bilang mga mamamayan ng isang bansa, ang gagamitin natin ay
ang wika ng mananakop, ang wikang kolonyal, ang Ingles." (basahin
ang buong kolum na nasa link:
https://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/376423/filipino-
ang-pambansang-wikang-dapat-pang-ipaglaban/story/ )
Malala pa nga na habang patuloy nating pinag-aaralan ang wikang
banyaga ay unti-unti namang napapahina ang kaalaman natin sa ating
panitikan at sa ating sariling wika, ang Filipino na palatandaan ng
identidad ng ating bansa.

Gawain 4: Vocabulary Tree


Itala ang mga salitang may kaugnayan sa wikang Filipino batay sa
kabuuan ng ating paksain, bigyan ng kaunting paliwanag kung ano ang
kaugnayan nito sa Wikang Filipino.

III. PAGLALAHAT
° Patuloy ang adbokasiya ng pagtataguyod sa Wikang Filipino at
Panitikan sa kabila ng pagpapatanggal ng CHED sa ilalim ng
programang K-12, kailangan natin lalo higit sa kolehiyo ang
pagmamahal at malalim pang pag-unawa sa ating pagkakakilanlan
bilang mga Pilipino.
° Tayo higit sa lahat ang dapat manguna sa pagtataguyod at
pagpapalaganap pa ng ating wika at panitikan hindi lamang sa lahat
ng antas ng edukasyon kundi higit sa ating buhay bilang Pilipino.

IV. GLOSARYO
Pagtataguyod - Ang pampublikong suporta o rekomendasyon ng
isang partikular na sanhi o patakaran.
Wikang Pambansa - opisiyal na wikang panlahat na ginagamit na
wika ng halos lahat ng tao sa isang bansa upang magkaintindihan.
CHED - Commission on Higher Education, ang institutiong
nangangasiwa sa mas mataas na antas ng edukasyon.
GEC - General Education Curriculum
Wika - instrumentong gamit sa pakikipagtalastasan,
Filipino – pambansang wika ng Pilipinas at asignatura sa paaralan

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)


COLLEGE OF EDUCATION
2020-2021
GLOBAL RECIPROCAL COLLEGES

V. SANGGUNIAN

https://youtu.be/K3O0U7IXdNM
https://youtu.be/sLJsYViUzGQ
http://manilatoday.net/tag/tanggol-wika/
https://www.academia.edu/7677979/Posisyong_Papel_ng_PSLLF-Filipino_sa_Kolehiyo
https://www.change.org/p/commission-on-higher-education-congress-and-senate-
agarang-magsagawa-ng-mga-hakbang-upang-isama-sa-bagong-general-education-
curriculum-gec-sa-antas-tersiyarya-ang-mandatory-na-9-yunit-ng-asignaturang-filipino
Resolusyon ng National Commission for Culture and the Arts Kaugnay ng Filipino sa
Kolehiyo
https://m.soundcloud.com/musikangrabay/speak-in-english-zone-musika
https://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/376423/filipino-ang-
pambansang-wikang-dapat-pang-ipaglaban/story/
https://rappler.com/voices/ispeak/san-juan-save-national-language

VI. PAGTATAYA
Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik
ng wastong kasagutan.

1. Ano ang pangalan ng isang organisasyong nakabase sa Pilipinas na


itinatag noong 2014 sa isang pagpupulong ng higit sa 300 mga propesor,
mag-aaral, manunulat at aktibista sa kultura sa De La Salle University-
Maynila, bilang tugon sa pag-aalis ng mga dating mandatory Filipino na mga
asignatura sa mga kolehiyo at uni bersidad ng Pilipinas?
A. Alyansa ng Wika C. Tanggal Wika
B. Balikatan ng Wika D. Tanggol Wika

2. Ito ay ang panukala ng CHED na pag-aalis ng mga dating mandatory Filipino


na mga asignatura sa mga kolehiyo at unibersidad ng Pilipinas na nagpapatupad ng
isang bagong Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon (GEC) bilang bahagi ng pag-
ampon ng gobyerno ng Pilipinas sa programang K-12 basic education.
A. CHED Memorandum Order Blg. 4, Serye ng 2013
B. CHED Memorandum Order Blg. 16, Serye ng 2013
C. CHED Memorandum Order Blg. 20, Serye ng 2013
D. CHED Memorandum Order Blg. 20, Serye ng 2018

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa bagong GEC o


pangkalahatang kurikulum sa ilalim ng K-12 program?
A. Filipino at Panitikan C. purposive communication
B. mathematics in the modern world D. understanding the self

4. Ano ang pangunahing tugon ng CHED memo sa usapin ng asignaturang


Filipino sa mas mataas na antas ng edukasyon?
A. Ilipat ang asignatura sa grade 11 at 12
B. Pagbawalan ang kolehiyo at unibersidad na ituro ito
C. Mas palawigin pa ang paggamit nito sa basic education
D. Alisin na lang ang asignaturang Filipino sa lahat ng antas ng paaralan

5. Ito ang kumikilala sa ating mga Pilipino bilang isang tao at umuugnay sa
ating lahat, naipapahayag ang ating kultura at kasaysayan, ang atinh
dinadamdam, iniisip, at nararanasan.
A. Wikang banyaga C. Wikang Pambansa
B. Wikang Balbal D. Wikang Panlalawigan

VII. SINTESIS / PAGNINILAY

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)


COLLEGE OF EDUCATION
2020-2021
GLOBAL RECIPROCAL COLLEGES

Sa pamamagitan ng kagamitang pampag-iisip na EXIT SLIP, itala


sa ibaba ang isang natutuhan sa ating aralin.

VIII. TAKDANG-ARALIN

Gumawa ng sarili mong slogan tungkol sa ating paksain, gawing malikhain, ang
pagkakasulat, gaya ng halimbawang slogan sa ibaba:

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)


COLLEGE OF EDUCATION
2020-2021

You might also like