You are on page 1of 17

Ang

Pakikipaglaban
Para sa Wikang
Filipino sa
Kasalukuyang
Panahon
GNED 11.
MGA LAYUNIN
Sa aralin ito ang mag-aaral ay inaaasahan na:

● matatalunton ang pakikibaka para sa wikang Filipino


● maipaliliwanag ang mahigpit na ugnayan ng
pagpapalakas ng wikang pambansa, at pagpapatibay ng
kolektibong identidad at pambansang kaunlaran
● mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling wika sa
pamamagitan ng panonood ng mga lektura may
kaugnayan sa pagtatanggol sa wikang pambansa
POSISYONG PAPEL NG
DEPARTAMENTO NG FILIPINO NG DE
LA SALLE UNIVERSITY, MANILA

PAGTATANGGOL SA WIKA
AT PANITIKANG FILIPINO,
TUNGKULIN NG BAWAT
PILIPINO
TANGGOL WIKA
Nakikiisa ang Departamento ng Filipino Alyansa ng
mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino at iba pang
samahang pangwika, pangkultura at makabayan, sa
mariing hindi pagsang-ayon sa desisyon ng Korte
Suprema na paslangin ang Filipino at Panitikan bilang
mandatoring asignatura sa kolehiyo.
01.
Hindi
nagpatawag ng
publikong
pandinig ang
Korte Suprema
hinggil sa
kasong ito.
02.
Ang desisyon ng
Korte Suprema
ay tuwirang
pagbalewala sa
mandato ng
Konstitusyon
1987.
03.
Naniniwala kami na ang pagkakaroon ng
asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa
pagiging mabisa ng community engagement
o pakikibahagi sa mga pamayanan ng iba’t
ibang mga kolehiyo at unibersidad sapagkat
ang wikang Filipino ang wika ng mga
ordinaryong mamamayan.
04.
Sa konteksto ng Association of Southeast
Asian Nations (ASEAN) Integration, ang
pagkakaroon ng asignaturang Filipino na
may inter/multidiplinaring disenyo ay isa
sa ating mga potensyal na ambag sa
proyekto ng globalisasyong pedagohikal at
sosyo-kultural.
05.

Ang wikang Filipino ay wikang global


na itinuturo bilang asignatura o
kaya’y komponent ng Philippine
Studies sa mahigit 100 hayskul sa
buong mundo.
06.
Ginagarantiyahan ng pagkakaroon ng
Filipino sa mga unibersidad ang aktibong
pakikisangkot ng mga guro ng
Departamento at bawat mag-aaral sa mga
kolaboratibong pananaliksik na
isinusulong ng ibang mga departamento.
07.
Sa pamamagitan ng asignaturang
Filipino sa unibersidad, inaasahang
may sapat na katatasan sa wikang
pambansa ang sinumang gradweyt
ng unibersidad sa bansa.
Ang pagbura sa
asignaturang Filipino sa
kolehiyo ay
nangangahulugan ding
pagbura at paglusaw sa
mga Departamento ng
08. Filipino sa buong bansa.
09.
Sa diwa ng
international
benchmaking, dapat
bigyang diin na ang
pag-aaral ng wikang
sarili at/o panitikan ay
pawang bahagi rin ng
mga required na
asignatura sa mga
unibersidad
10.
Ang wikang English, Matematika, Siyensya, at Physical
Education ay pawing itinuturo rin sa basic education,
ngunit ngayo’y bahagi rin ng kurikulum sa kolehiyo sa
ilalim ng K to 12, sa porma ng asignaturang Purposive
Communication na sa esensya ay English for Specific
Purposes; Mathematics in the Modern World; Science and
Technology for Society; at Physical Education.
10.
Samakatwid, nararapat lamang na may
Filipino at Panitikan din sa kolehiyo, sa
diwa ng pagiging patas, balance at
holistikong paghubog na siyang dapat
ikintal sa General Education.
Sa konteksto ng daan-daang taon ang pagsagpang
sa Pilipinas ng kolonisasyong kanluranin, ang
adbokasing ito’y pagsasalba sa kolektibong
identidad ng mga Pilipino, sa salamin ng ating
kultura, sa daluyan ng diskursong Pambansa, at
pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na
huhubog ng mga estudyanteng magiging mga
kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating
bansa.
Salamat po!
Para sa inyong mga katanungan, maari kayo magpadala
ng mensahe sa aking email address.
angelamitzi.ramos@cvsu.edu.ph

CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo, including icons by


Flaticon, and infographics & images by Freepik

Please keep this slide for attribution

You might also like