You are on page 1of 2

MODYUL 2

Villanueva, Jonell
BA in Communication 1B

SAGUTAN MO

1. Ano ang iyong reaksiyon sa tinuran ng dating Chairperson ng CHED na si Patricia


Licuanan na: “After the 12th year, they would presumably better equipped for the jobs
out there. So, they would not have to go to college anymore”
Bilang isang mag-aaral na naabutan ng K-12, nasaksihan at naranasan ko kung ano
ang naging epekto nito saamin. Bagama’t ipinagpapalagay na kapag ang isang estudyante
ay nakapagtapos na ng Grade 12 Senior High School, hindi parin lahat nakakakuha ng
isang maayos na trabaho dahil nga may mga establisyemento pa rin na naghahanap ng
diploma sa kolehiyo. Ang may pinaka-malaking posibilidad na makakuha ng trabaho ay
yaong mga kumuha ng Technical-Vocational na track sa Senior High School. Isa pa sa
naging epekto nito sa amin ay mas dumagdag pa sa gastusin ang dagdag na dalawang taon
sa Senior High School imbis na iginugol na namin sa pag-aaral sa kolehiyo mismo, edi
sana ay nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo at malapit nang magtapos. Kulang parin ang
mga itinuturo sa Senior High School kaya kailangan pa rin namin mag-aral sa kolehiyo
upang matuto at makakuha ng mga importanteng dokumento na kailangan sa pagkakaroon
ng maayos at matinong trabaho.

2. Bilang isang mag-aaral na kumukuha ng kursong BA in Communication, ano ang


iyong paninidigan kaugnay ng pagpapatupad ng CMO 20, s. 2013 o pagtanggal ng
asignaturang Filipino sa GE Curriculum sa kolehiyo?
Bilang isang mag-aaral sa Unibersidad ng Bikol, hindi ako sumasang-ayon sa
pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Sapagkat ito ang ating wika, ang ating
kaluluwa at pagkakakilanlan bilang isang bansa at bilang isang Pilipino. Kung ang atin
mismong wika ang tatanggalin hanggang kolehiyo, parang tinanggalan na rin kaming mga
estudyante ng aming pagkakakilanlan. Lalo na’t kaming mga estudyante sa kolehiyo ay
ang mga susunod na propesyonal sa iba’t-ibang larangan na magiging pag-asa at
kinabukasan ng ating bayan.
Napakahalaga ng pagpapanatili ng pagtuturo ng asignaturang Filipino sa kolehiyo,
ito ay hindi kailanman dapat na maalis sa Curriculum mula Kinder hanggang Kolehiyo
sapagkat ito ang gagabay at magpapaalala sa lahat ng kabataan kung sino sila at kung saan
sila nagmula. Sa halip ay mas dapat natin itong mahalin, ingatan at pagyamanin.

This study source was downloaded by 100000832029570 from CourseHero.com on 09-04-2022 02:09:35 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/88925643/KOMFIL-Modyul-2pdf/
3. Ano-ano ang posibleng epekto ng CMO no, 20, s. 2013 sa pambansang identidad at
kaunlaran?
Tulad nga ng aking nabanggit sa itaas, napakahalaga ng asignaturang Filipino.
Dahil ito ang tumutulong sa atin na mas mapagyaman pa ang ating kaalaman sa ating
pambansang wika. Ang wika na ito ay kaugnay ng iba’t-ibang kultura, tradisyon, at
kaugalian natin bilang isang Pilipino. Ang pagpapatupad ng CMO no. 20, s. 2013 ay
siguradong magkakaroon ng mga negatibo at mas komplikadong suliranin sa ating bansa.
Maraming maaaring mawalan ng trabaho sa kagawaran ng edukasyon, maraming bata sa
mga susunod na henerasyon ang walang kamumulatan na sariling wika, kultura at
matatawag na “pagkakakilanlan.” Kung ang isang bansa ay walang sariling wika, parang
hindi na rin ito makikilala bilang isang bansa sapagkat wala na itong sariling identidad at
mas piniling magpasakop na lamang sa kultura ng ibang bansa.

4. Nakalilika ng video tungkol sa adbokasiyang pangwika


Ang aking inihandang video para rito ay ang pag-awit ko ng awiting “Ako’y Isang
Pinoy.” Ito ay ang awiting magpapaalala sa ating lahat kung sino tayo at saan tayo nagmula.
Ito rin ay aking napiling awitin sapagkat ipinapakita rito kung gaano natin ipinagmamalaki
ang sariling atin. Nawa’y magustuhan po ninyo ang aking awitin.

This study source was downloaded by 100000832029570 from CourseHero.com on 09-04-2022 02:09:35 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/88925643/KOMFIL-Modyul-2pdf/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like