You are on page 1of 3

Saint Ferdinand College

Cabagan Campus
Centro, Cabagan, Isabela

Ika -12 ng Agosto, taong 2022

CESAR B. MALENAB, Ph. D.


Dekano ng Kolehiyo

Sir,

Ngayong Agosto, masining nating ipagdiwang ang Buwan ng Wika upang gunitain ang kahalagahan ng
ating Wikang Pambansa [Filipino] at mga Katutubong Wika ng Pilipinas.

Layunin ng Buwan ng Wika na maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa ating
Pambansang Wika at sa mga katutubong wika sa buong kapuluan.

Ang tema na “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha,” ay angkop na
angkop sa ating panawagan at hamon sa ating kapwa Pilipino na mas paalabin pa ang pagmamahal sa
Pilipinas.

Naniniwala ako na ang Pilipino na nagmamahal sa Pilipinas ay isang Pilipino na magbibigay ng halaga
sa taglay na yaman at ganda ng bansa, kabilang na diyan ang iba’t ibang wika na bumubuo sa ating
pagkakakilanlan bilang Pilipino.

Kalakip po rito, naghanda po ako ng mga patimpalak na magaganap sa magkakaibang petsa. Gayundin
po bilang tayong mga mamamayan ng bansang Pilipinas na may pambansang wika [Filipino] tayong
mga guro ng ating kolehiyo ay inaanyayahan kong maging tradisyunal (magsuot ng baro’t saya) sa araw
ng kulminasyon/pagdaraos ng Buwan ng Wika.

Maraming salamat po!!

Lubos na gumagalang,

REXSON D. TAGUBA, LPT


Tagapamahala ng Buwan ng Wika
MGA TAGUBILIN AT PAMANTAYAN

Madulang Sabayang Pagbigkas

1. Ang mga kalahok ay magmumula sa mag-aaral ng ating kolehiyo.


2. Magkakaroon ng sampu hanggang labinglimang miyembro/kalahok sa bawat departamento.
3. Kakaltasan ng dalawang puntos kung sakaling sosobra sa labinglimang kalahok ang kakatawan
sa bawat departamento.
4. Ang pasya ng hurado ay pinal at hindi na maaaring pasubalian.
5. Ang krayterya ay binubuo ng mga sumusunod:

KRAYTERY Kailangan Katamtaman Mahusay Pinakamahusay


A Pang 6-7 8-9 10
Paghusayan
1-5
Pagpapalutang Bigo na Katamtaman na Napalutang ang Pinakalutang ang
sa diwa ng tula mapalutang ang napalutang ang diwa ng tula sa diwa ng tula sa
diwa ng tula sa diwa ng tula dahil pamamagitan ng pamamagitan ng
pamamagitan ng sa kakulangan sa madamdaming madamdaming
madamdaming madamdaming pagbabasa at pagbabasa at
pagbabasa at pagbabasa at pagpapakita ng pagpapakita ng
pagpapakita ng pagpapakita ng naaangkop na naaangkop na
naaangkop na naaangkop na ekspresyon ekspresyon
interpretasyon interpretasyon

Kalidad,
indayog at Kulang sa kalidad May kalidad sa Mahusay ang Katangi-tangi ang
kaisahan ng at indayog at tinig ngunit kulang kalidad at kalidad at indayog at
tinig sa kaisahan sa tinig sa sa indayog at indayog at may may kaisahan sa
pagbigkas kaisahan sa kaisahan sa tinig tinig sa pagbigkas
pagbigkas
pagbigkas ng pagbigkas

Makabuluhang Hindi naaangkop, Naaangkop ngunit Mahusay ang Pinakamakabuluhan,


galaw sa kulang sa kaisahan kulang sa kaisahan kaisahan, ang naaangkop, at may
tanghalan at hindi mandating ang mga galaw sa mga galaw sa kaisahan at may
ang mga galaw sa tanghalan tanghalan at dating sa mga galaw
tanghalan may dating sa sa tanghalan.
madla
Kasuotan, Malikhain ang Malikhain ang Mahusay ang Pinakaangkop, may
props at musika kasuotan, props at kasuotan, props, at pagkamalikhain kabuluhan at
musika bagamat musika at ng kasuotan, malikhain ang
hindi naaangkop sa naaangkop sa tula props at musika paggamit ng
tula ngunit hindi at naaangkop sa kasuotan, props at
naaangkop ang ilan tula musika at na-
sa tula maximize sa
kabuuan ng tula
Katutubong Sayaw

1. Ang patimpalak ay bukas sa mga mag-aaral sa magkakaibang antas.


2. Kinakailangan na ang sayaw ay katutubo ay pares dapat.
3. Magkakaroon lamang ng 10 na miyembro na may limang pares sa bawat departamento/pangkat.
4. Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring pasubalian.
5. Ang krayterya ay binubuo ng mga sumusunod:

Presentasyon sa entablado 25%

Pagkasabay-sabay at koordinasyon 15%

Koreograpiya 25%

Kagamitan, props, at kasuotan 10%

Masining na pag-indayog 10%

Angkop na kilos at ekspresyon ng bawat kalahok 15%

KABUUAN 100%

You might also like