You are on page 1of 2

LOVING CHRIST SMART SCHOOL

Batac St. Sta. Rita, Aurora, Isabela


School ID 415566
Modyul sa FILIPINO IV
IKAANIM NA LINGGO

PANGALAN:______________________________________________________________________________________

PAKSA: Tambalan at Hugnayang Pangungusap

Tambalan- binubuo ng dalawang sugnay na nakapag-iisa o dalawang payak na pangungusap. Ito ay pinag-
uugnay ng mga pangatnig na at, ngunit, o, subalit, datapwat ,samantala, ni, maging, habang,saka at iba pa.

Halimbawa :
1.Ang nanay niya ay isang guro at ang kanyang tatay ay isang doktor.
2.Siya ay lalabas ng bahay at siya ay mamalengke.
3.Si Gabe ay kumakanta habang siya ay naghuhugas ng pinggan.
4.Ninais niyang sumama sa lakad ng kaniyang kaibigan ngunit hindi siya pinayagan ng kanyang magulang.
5.Siya ay magaling ngunit siya ay duwag.

Hugnayang pangungusap ay isang uri ng pangungusap na binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa


(independent clause sa Wikang Ingles) at isang sugnay na hindi nakapag-iisa (dependent clause sa Wikang
Ingles). Ginagamit na pang-ugnay ang mga pangatnig na upang, kung, kapag, sapagkat, dahil, at nang.

Narito ang 5 halimbawa ng hugnayang pangungusap:

1. Bibigyan kita ng tsokolate kung mag-aaral ka nang mabuti.


2. Gaganda ang ating buhay kapag naging malinis ang ating kapaligiran.
3. Nakapasyal kami sa ibang bansa dahil sa pag-iipon ng aking kuya.
4. Nakamamatay ang rabies kapag hindi agad naagapan.
5. Kinakailangang obserbahan ang hayop na nakakagat kung naglalaway o nasisiraan ng pag-iisip.

GAWAIN A: Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay hugnayan o tambalan.

__________1. Si Rem ay hindi pa naliligo at hindi pa rin bumabangon.


__________2. Ang estudyante ay pumasok sa eskwelahan at siya ay nakipaglaro sa kaklase noong tanghalian.
__________3. Si Coco ay nagdidiwang sa panalo habang si Lele ay nalulungkot sa pagkatalo.
__________4. Gusto niyang manalo ngunit siya ay inunahan ng kaba.
__________5. Pangalagaan ang kalusugan upang makaiwas sa pagkakasakit.
__________6. Lapatan ng pangunang lunas at iwasan itong magkaroon ng impeksiyon.
__________7. Nahuli sa klase si Tom dahil tinanghali siyang nagising.
__________8. Susunod ba tayo sa Aklan o maghihintay na lang tayo sa Cebu?
__________9. Upang umunlad an gating bansa. Dapat tayong lahat ay nagtutulungan.
__________10. Makatutulong ang pag-eehersisyo upang maayos na makadaloy ang dugo sa ating katawan.

B. Gawing tambalan ang mga sumusunod:


1. Maingat sa pagtawid ng kalsada si Ela.

2. Makabubuti ang pag-eehersisyo,

3. Nagtanim ng mga punongkahoy sa kabundukan.

4. Huwag bumili ng pekeng gamot.

5. Kasalukuyang ginagawa ang mga sira-sirang kalasada.

6. Kumuha si Romina ng pagsusulit.

7. Napansin niyang makulimlim ang kalangitan.

8. Nagpunta ang bata sa kaniyang silid.

9. May paparating na malakas na bagyo ayon sa PAGASA.

10. Magpapatayo ng day care center sa aming barangay.

You might also like