FIL. 5 Parirala Pangungusap at Sugnay

You might also like

You are on page 1of 3

FIL.

5 Parirala at Pangungusap PANGUNGUSAP


1. Ang ama ni Carlos ay si Mang Arnel.
PARIRALA
2. Nagmamadaling sumakay sa bus si Manang Ester.
- salita o lipon ng mga salita na hindi nagsasaad ng 3. Talagang bansot ang batang si Mario.
buong diwa. 4. Ang mga asignaturang ituturo ko ay AP at Filipino.

MGA HALIMBAWA: SANAYIN NATIN


● masayang nagkekwentuhan Tukuyin kung parirala o pangungusap ang sumusunod.

● si Allan ____________1. Masayang naglalaro ang mga bata sa bukid.


____________2. madulas ang sahig
● may malubhang karamdaman
____________3. Pakibigay nga kay Lena ang isang tray ng itlog.
PANGUNGUSAP ____________4. mainit sa labas
____________5. Kukunin ni Aling Nora ang mga gulay sa basket.
● Salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong
____________6. matigas ang yelo
diwa o kaisipan.
____________7. mahirap ang aralin
● Nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa isang ___________ 8. masinop sa gamit
bantas. ___________ 9. Mahilig akong magbasa ng mga kwento sa aklat
MGA HALIMBAWA: na binigay sa akin ng aking lola.
___________ 10. Napakainit ngayon sa Pilipinas.
● Pinangaralang mabuti ng ama ang magkakapatid.
URI NG SUGNAY
● Pantay na hinati ng magkakapatid ang pamana ng
kanilang ama.
SUGNAY- lipon ng mga salitang may paksa at panaguring
PARIRALA maaaring buo o di buo ang diwa o kaisipang ipinapahayag.

1. ang ama ni carlos A. Sugnay na Makapag -iisa


2. nagmamadaling sumakay sa bus ● nagpapahayag o nagsasaad ng buong kaisipan.
3. talagang bansot ● Tinatawag din itong Malaya o punong sugnay.
4. ang mga asignaturang ituturo ko
MGA HALIMBAWA: 3. Sakaling mabigo ka, huwag kang mawawalan ng pag-
asa.
1. Ang bawat pamilya ay masaya kapag ang pamilya ay
buo at sama-sama.
SANAYIN NATIN
2. Kung oras sa pamilya ay mababawasan, hindi dapat
isakripisyo ang samahan. Magsulat ng tsek (√) sa patlang kung ang nakasulat ay
sugnay na makapag-iisa. At (X) naman kung sugnay na di-
3. Sakaling mabigo ka, huwag kang mawawalan ng pag- makapag-iisa.
asa.
____1. malapit na ang bakasyon
B. Sugnay na Di-Makapag-iisa ____2. kaya walang nais makipag-usap sa kanya
- Ito ay pantulong na sugnay sa pangungusap upang ____3. samantalang nag-aalala ang mga magulang niya
lalong maipaliwanag ang isang ideya, ngunit ito ay hindi
____4. bago matapos ang huling klase natin
nakatatayo bilang isang pangungusap.
____5. sinuwerte lang siya ngayon
- Nangangailangan ito ng malayang sugnay upang
____6. kaya bigla siyang lumabas sa silid
makabuo ng pangungusap na hugnayan.
____7. mas maliwanag sa silid ni Ginang Garcia
- Pinangungunahan ito ng mga pang-ugnay na kung,
____8. kasi mapanganib ang lugar na dadaanan natin
kapag, habang, nang, sapagkat, dahil sa, dahil kay, at iba
pa. ____9. sapagkat makakatulong sa atin ang pagtitipid

MGA HALIMBAWA: ____10. para kay Selena ang awit na ito

1. Ang bawat pamilya ay masaya kapag ang pamilya ay


buo at sama-sama.

2. Kung oras sa pamilya ay mababawasan, hindi dapat


isakripisyo ang samahan.
Gawain
Salungguhitan ang sugnay na makapag-iisa o ang
malayang sugnay sa bawat pangungusap.
1. Hatinggabi na ako nakatulog kaya inaantok pa ako.
2. Dahil hindi nakinig sa guro si Mateo, hindi niya alam kung
ano ang gagawin sa klase.
3. Nakatayo nang tuwid ang mga bata habang inaawit
nila ang Lupang Hinirang.
4. Matalino si Angela ngunit minsan ay tinatamad siyang
mag-aral.
5. Kung hindi tayo magtutulungan, ang tagumpay ay hindi
natin makakamtan.
6. Kapag wala ang pusa, naglalaro ang mga daga.
7. Napabuntong hininga si Maricel nang malaman niyang
hindi siya nanalo sa paligsahan.
8. Sapagkat tinulungan mo ako kanina, ako naman ang
tutulong sa iyo.
9. Nang matapos ang sayaw ng pangkat, tumayo at
pumalakpak ang mga manonood.
10. Hindi pumasok kahapon si Norma kasi sumakit ang
kanyang tiyan.

You might also like