You are on page 1of 2

Pangalan:_______________________________ Baitang at Seksyon:___________

Lagumang Pagsusulit sa Baitang 9

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tunggalian ang ipinapakita sa bawat sitwasyon. Isulat sa iyong sagutang- papel ang
titik ng tamang sagot.

A. Tao laban sa tao B. Tao laban sa lipunan


C. Tao laban sa sarili D. Tao laban sa kalikasan

1. Tinakasan ni Jose ang responsibilidad sa kanyang nabuntis na kasintahan


2. Umani ng batikos ang ating pangulo kasunod ng pagpapatupad ng batas ukol sa Oplan Tokhang
3. Nakatakas si Elsa sa mga kumidnap sa kanya,
4. Umabot sa limandaan ang nasawi sa nanalasang bagyo
5. Hindi alam ni Nardo kung paano niya mababayaran ang utang niya sa kapatid na si Dan.
6. Naiwala ni Dave ang cellphone na hiniram niya sa kanyang ina kaya’t namumrublema siya kung paano ito
ipapaliwanag.
7. Isang malakas na sampal ang inabot ni Eddie mula kay Edna ng matuklasang nambabae ito.
8. Ang mga pulubi sa daan ay palibot- libot, naghihintay ng biyayay ngunit ang natagpuan ay panghuhusga.
9. Sinigawan ni Lisa ang kapatid nito dahil sinulatan niya ang kanyang portfolio .
10. Pinagtitinginan si Berto sa daan dahil siya ay nakamake-up at nakadamit pambabae.

Piliin sa kahon ang kahulugan ng mga pahayag na nakasulat sa malalaking letra.

Namatay Nahimatay Nagwakas


Naitago Madaming pangarap Mahimbing

1. Sa edad ng dalawampu't isa, ISINUGO ANG BUHAY.


2. Mga NAIKUWADRONG larawang guhit, poster, at larawan
3. Ang buhay ay SAGLIT NA NAWALA
4. Sa pamamagitan ng luhs, NAGLANDAS ANG HANGGANAN
5. Una sa dami ng aking kilala ay DI-MABIGKAS NG PANGARAP.

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod na bilang. Isulat sa iyong sagutang-papel ang tamang-sagot.

1. Isang uri ng tulang liriko na pumapaksa sa damdamin katulad ng kalungkutan at pagdadalamhati.


2. Ang elehiya ay nagmula sa salitang Latin na maari nating isalin bilang malungkot o melancholic na kanta.
3. Uri ng tunggaliang nagpapakita ng kasiphayuan ng isang tao dulot ng kanyang kapwa.
4. Bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay- turing sa pandiwa, pang0uri at kapwa pang-abay.
5. Uri ng tauhan kung saan nagkakaroon ng pagbabago sa kanyang katangian o paniniwala mula sa simula
hanggang sa pagwawakas ng kuwento.
6. Alin sa sumusunod na tunggalian ng maikling kuwento ang tumutukoy sa paglaban ng panghunahing tauhan sa
kanyang sariling paniniwala, pinsipyo at palagay?
7. Ang pangunahing tauhan sa tunggalian na ito ay nakikipagbanggaan sa lipunan.
8. Ang pangunahing tauhan ay naapektuhan ng mga pwersa ng kalikasan.
9. Uri ng tauhan kung saan hindi nagkakaroon ng pagbabago sa kanyang katangian o paniniwala mula sa simula
hanggang sa pagwawakas ng kuwento.
10. Malungkot na lumisan ang kaniyang mahal ngunit hindi ang mga alaala nito. Batay sa pahayag, alin sa
sumusunod na elemento ng elehiya ang tinutukoy ng nakasalungguhit na salita?
11. Sumulat ng Testimonyang Lila
12. Sumulat ng Isang Mangkok Ng Sabaw Ng Paa Ng Manok
13. Sumulat ng Elehiya Sa Kamatayan Ni Kuya
14. Sumulat ng Anim Na Sabado Ng Beyblade
15. Protagonista sa kwento na nasawi dahil sa karamdaman.

Panuto: Isulat sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay ginagamit bilang pang-uri o pang-abay

1. ___________ Maingat niyang ibinuhos ang alak sa baso.


___________ Maingat siya habang binubuhos ang alak sa baso.
2. ___________ Matagal ang pagtalakay ng isyung ito sa Senado.
___________ Ang isyung ito ay itinalakay nang matagal sa Senado.
3. ___________ Ang pasasalamat ng naulilang bata ay mataimtim.
___________ Mataimtim na nagpasalamat ang naulilang bata.
4. ___________ Ang mungkahi niya ang malungkot kong tinanggihan.
___________ Malungkot ako dahil tinanggihan ko ang mungkahi niya.
5. ___________ Ang mga bisita ay magiliw niyang inanyayahang pumasok sa sala.
___________ Magiliw ang nag-anyaya sa mga bisita na pumasok sa sala.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang titik ng angkop na salita, parirala o hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari na ipampupuno sa mga patlang.

Bago mag- Hulyo Kalagitnaan ng Hulyo


Bago natapos ang buwan Nang sinundang tatlong buwan
Bago pa natapos ang Hulyo Nito lamang nakaraang buwan
Bandang kalagitnaan ng Hunyo Noong Marso 4
Huling hati ng Pebrero Unang araw ng Marso

Karanasang Kakaiba
Arn O. Estareja
Kakaibang karanasan talaga itong pandemya. __________ nang mapansing kumokonti ang
pumapasok sa klase namin sa Baitang 9 – Masipag. Naalala kong __________, panay ang
habol namin sa mga leksyong hindi natalakay dahil sa pagputok ng Taal noong Enero.
___________, 20 na lamang kami. Dalawang-lima o 2/5 lamang ito ng kabuoang bilang naming
magkaklase na umaabot sa 50. Pumapasok-pasok pa sa aming klasrum ang aming mga guro. May konting
gawaing pinagagawa, at maiikling pagsusulit. Tatlo sa aming guro ang pinagbabasa na lang kami.
___________nang siyam na lang kaming pumapasok. Naisip kong puwede kaming tumayo sa loob ng klasrum
na ang bubuoing hugis ay parisukat, apat sa bawat sulok at sa pagitan, at ang natitira ay ang pinakatuldok sa
gitna. __________ , sinabi ng aming mga guro na hindi na sila magbibigay ng huling pagsusulit. Maaari na rin
kaming huwag pumasok. Pumapasok ako dahil pumapasok ang aking kuya na nasa Ikasampung Baitang. Huling
taon na niya sa paaralan bago lumipat sa SHS.
Nasa bahay na lamang kami __________. Dito na rin naganap ang mga quarantine at lockdown.
_____________ nang magdaos ng virtual moving up ceremony ang aming paaralan. Kasama doon si Kuya, pero
hindi talaga siya kasama. Nasa bahay lamang kami, at nagtangkang mag-FB live para sa seremonya.
Nakapag-enrol na _____________ si Kuya sa SHS na nasa bayan. Ang totoo, ang paaralan namin na ang
nagsumite ng listahan ng mga nakakompleto ng Grade 10._____________ nang sinadya ako sa bahay ng aming
gurong tagapayo. Tinanong si nanay pati ako kung magtutuloy sa Baitang 10,
at kung anong learning modality.
_____________, ipinagpaliban muna ang pagbubukas ng klase. Mula sa dating Agosto 24, inilipat na sa
Oktubre 5, 2020. Parang gustong kong magsaya dahil hahaba pa ang bakasyon. Pero sa loobloob ko rin, hindi
rin ako masaya dahil naiinip na ako sa loob ng bahay. At matagal na rin akong di nakakatanggap ng baon.

You might also like