You are on page 1of 2

Holy Infant Academy, Diocese of San Carlos Inc.

Cadiz City, Negros Occidental


FINAL EXAMINATION IN FILIPINO 3

Pangalan: ___________________________________________________Petsa:___________

Baitang at Seksyon:___________________________________________ Marka:___________

I. Kilalanin kung ang sumusunod na pangungusap na may salungguhit ay Simuno o Panaguri. Isulat ang S
kung ito ay Simuno at isulat naman ang P kung ito ay Panaguri.
_____1. Si Lita ay mahusay umawit.
_____2. Matamis ang prutas na binili ni itay.
_____3. Si Rodel ay matulungin sa mga kapos-palad.
_____4. Ang mga bituin ay kaygandang pagmasdan lalo na kung madilim ang gabi.
_____5. Ang ating bansa ay sagana sa likas-yaman.
_____6. Ang bawat isa ay may mahalagang tungkulin sa bayan.
_____7. Ang magkakapatid ay nagtulong-tulong sa gawaing-bahay.
_____8. Mathematics ay ang paborito kong subject.
II. Basahing mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin kung anong nga uri pangungusap ito nabibilang.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong uri ng pangungusap ang nagsasaad o nagsasabi ukol sa isang paksa? Ito ay nagsasalaysay at
nagtatapos sa bantas na tuldok.
A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pautos
2. Anong uri ng pangungusap na naghahanap ng kasagutan? Nagtatapos ito sa tandang pananong. A.
Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pautos
3. Anong uri ng pangungusap ang nagsasabing gawin ang isang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok.
A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pautos
4. Gumawa ka ng paraan upang magkabati ang dalawang panig.
A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pautos
5. Yehey! Bati na kaming dalawa!
A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pakiusap
6. Maari mo ba akong samahan sa pakikipagbati sa kanila?
A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pakiusap
7. Ilang taon pa ba ang aking hihintayin upang maranasan ang ganap na kapayapaan?
A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pakiusap

III. Isulat sa patlang ang titik kung ang ayos ng pangungusap ay nasa karaniwan o di-karaniwang ayos.
A. Karaniwan B. Di-karaniwan
______1. Ang gamit ni Sky ay nawawala.
______2. Galit na galit na umuwi ng bahay si Lara.
______3. Masarap magluto ng biko si Nanay Laura.
______4. Dinala sa malapit na ospital sina Mark at Joseph.
______5. Sina Renz at Rex ay matalik na magkaibigan.
IV.Kilalanin ang ibat-ibang bahagi at uri ng liham pangkaibigan sa bawat pangungusap. Piliin ang tamang
sagot sa kahon sa ibaba. Isulat ang titik sa linya.

A. katawan ng Liham B. bating panimula C. bating pangwakas


D. pamuhatan E. lagda F. Liham ng Pagbati
G. Liham ng Pagbabalita H. Liham ng Paanyaya I. Liham ng Pasasalamat
J. Liham ng Pakikiramay

1. _____Makikita dito ang address ng sumulat gayon din ang petsa.


2. _____Pambungad na pagbati sa sinusulatan.
3. _____Dito isinasaad ng sumulat ang dahilan ng kaniyangpagsulat.
4. _____Pamamaalam ng sumulat.
5. _____Pangalan ng sumulat.
6. ______Ito ay nagpapahayag ng matinding kalungkutan at pakikiramay sa isang taong namatayan ng mahal
sa buhay.
7. _____Pinapahatid nito ang pagbati o kagalakan sa pagtatagumpay sa isang paligsahan, palaro, o anumang
kompetisyong sinasalihan.
8. _____Ito ay naglalahad ng mga pangyayaring mahalagang malaman ng sinusulatan. Ang mga pangyayari
ay maaaring maganda o hindi na naranasan mismo ng sumulat o kaya'y kanyang narinig o nabasa.
9. _____Ito ay naglalaman ng paanyaya para sa pagdalo sa isang natatanging pagtitipon o pagdiriwang.
10. ____Ito ay nagpapahayag ng pasasalamat ng taong sumulat sa isang taong gumawa sa kanya ng
kagandahang-loob o pabor o kaya’y sa regalong natanggap niya.

Prepared by: Ms. Arianne Olaera Noted by: Sr. Agnes J. Infante, FAS

You might also like