You are on page 1of 3

CLASS

NUMBER Colegio de Sta. Rosa de Lima, Inc.


High School Department, SY 2020 – 2021
50
BUWANANG PAGSUSULIT 8

Pangalan: __________________________ Petsa: _________Lagda ng Magulang: ___________


LRN: ____________________ Seksyon: ________________ Guro:________________________

I. Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang letra ng tamang kasagutan.
1. Pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong
matalim o bulgar
a. Eupemismong pahayag b. Karunungang-Bayan c. Bugtong d. Salawikain
2. Isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan
a. Sawikain b. Bugtong c. Alamat d. Salawikain
3. Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa isang gawi o kilos ng ibang tao.
a. Eupemismong pahayag b. Bugtong c. Kasabihan d. Salawikain
4. Lipon o grupo ito ng mga salitang patalinghaga ang gamit.
a. Alamat b. Sawikain c. Bugtong d. Salawikain
5. Di-gasinong mapagbigay si Lilia na tulad ni Rose
a.Pasahol b. Palamang c. Paghahambing na magkatulad d..Paghahambing na
di-magkatulad Salawikain
6.Para kay Perry, di-gaanong mahirap ang asignaturang Filipino kung ihahambing ito sa
Matematika.
a.Pasahol b. Palamang c. Paghahambing na magkatulad d..Paghahambing na
di-magkatulad Salawikain
7.Ang biyahe sa eroplano ay di-hamak na maikli kaysa biyahe sa barko.
a.Pasahol b. Palamang c. Paghahambing na magkatulad d..Paghahambing na
di-magkatulad Salawikain
8. Ang pook na ito ay lubhang mapanganib kaysa bayan ng Sto.Tomas.
a. Palamang b. Pasahol c. Paghahambing na magkatulad d..Paghahambing na
di-magkatulad Salawikain
9.Nanganak ang Birhen itinapon ang lampin.
a.Sapatos b.saging c.singsing d salabat.
10. Naligo Si Juan, di mabasa ang katawan
a.batya b.buwan c.bangko d.bangka

III. Ibigay ang kahulugan ng sawikain at gawin ito sa pangungusap. (2points each)

1. lantang gulay
2. kayod kalabaw
3. pagiisang dibdib
4. kilos pagong
5. kabiyak ng dibdib
III. Alamin ang tamang sagot sa tinutukoy ng bawat bilang
___________1Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna ng isang gawi o kilos ng ibang tao.
___________2. Ginagamit sa paghahambing na may pantay na bigat.
___________3. Kung ang hinahambing ay mas maliit, gumagamit ito ng mga salitang tulad ng ng
lalo, di gaano, di-totoo, di-lubha o di-gasino
___________4. Kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan,
gumagamit ito ng mga salitang higit, labis at di-hamak.
___________5. Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian.

IV. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng salawikain sa pamamagitan ng paglalapat nito sa


tunay na buhay (2points each)
1. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.
2. Kung ano ang itatanim ay siya ring aanihin.
3. Ang ginagawa sa pagkabata, kadalasan ay nadadala sa pagtanda.
4. Ang umaayaw ay hindi nananalo, ang nananalo ay hindi umaayaw.
5. Ang katotohanan kahit na ibaon, mabubulgar rin pagdating ng panahon.

Tamang Sagot
1. A
2. B
3. C
4. B
5. A
6. A
7. B
8. A
9. B
10. D

II 2points each
1. Pagod
2. Masipag
3. Ikinasal
4. Mabagal
5. Asawa

III.
1. Kasabihan
2. Paghahambing na magkatulad
3. Pasahol
4. Palamang
5. Paghahambing na di-magkatulad 
IV. 2points each

1. Huwag kang manira kung ayaw mong dumating ang pagkakataon na bumalik din sayo ang
mga pangayayaring ito,
2. Kung ikaw ay nagsikap ikaw ay magkakaroon ng magandang kinabukasan
3. Kung ano ang iyong kinalakihan ay dala mo hanggang sa ikaw ay tumanda
4. Ang hindi sumusuko ay siyang nagwawagi.
5. Kahit na anong sikreto ay mabubunyag pa din.

You might also like