You are on page 1of 1

Pangalan: _________________________________ 

        Guro: ___________________________
Grade/Section: ____________________________           Petsa: __________________________

PAMBUNGAD SA PILOSOPIYA NG TAO


IKALAWANG MARKAHAN
MAHABANG PAGSUSULIT # 2

I. Pagtatapat-tapat.
A. Piliin sa Hanay B ang konseptong tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik ng iyong sagot.

HANAY A HANAY B
1. Pagpapasailalim sa isang payong ng kaisahan a. diyalogo
2. Hindi pagsali sa isang pangkat b. ka-iba
3. Pagiging bukod-tangi dahil sa halo-halong katangian c. kaiba
4. Tawag sa mga taong kapwa hiwalay at iba d. kami
5. Pagbabahagi na isinasaalang-alang ang konteksto e. pagkapantay-pantay
6. Pagbabahagi na nakatuon lamang sa ano f. pagkapatas
7. Proseso ng paghahanap, pag-uusap, pagtatalo, pagkakasundo ng g. pagsasantabi
magkapwa h. tayo

II. Tama o Mali. Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M
naman kapag mali.
9. Ang kami ay nakapaloob sa tayo.
10. Sa maka-taong pananaw, pantay-pantay ang pagbabahagi.
11. Sa prinsipyo ng pagiging patas, tinitignan lamang ang ano.
12. Ang pakikipagkapwa ay tungkol sa pagkilala sa pagkatao ng tao.

III. Pagpipilian. Piliin ang pinakakmang sagot sa bawat tanong. Isulat ang titik ng iyong sagot.
13. Bakit hindi napapansin ng kapwa ang kabutihan ng tao?
a. may pagkukulang ang tumitingin c. may pagkukulang sa lalim ng ugnayan
b. may pagkukulang sa nagpapamalas ng kabutihan d. lahat ng nabanggit
14. Alin ang nagpapakita ng dulot sa SARILI ng pagkakaroon ng kami?
a. Binabago ni Kate ang sarili para maging in sa barkada.
b. Nawawala ang identidad ni Luis mula nang sumali sa barkada.
c. Tinutukso at pinagtatawanan ng barkada ang ibang mga tao.
d. Parehong a at b.
15. Ituring ang iba na ka-iba upang maiwasan ang pagsasantabi. Ano ang kahulugan ng pangungusap?
a. Unawain ang pagkakaiba ng mga tao. c. Ipataw ang sarili sa iba.
b. Walang tayo kaya walang ka-iba d. Isantabi sila dahil sila ay ka-iba.

Para sa bilang 16-17. Si kuya ay nasa kolehiyo samantalang si bunso ay nasa kindergarten.
16. Alin ang naglalarawan ng prinsipyo ng pagkakapantay-pantay?
a. Pareho ang natanggap na baon ni kuya at bunso c. Mas malaki ang baon ni bunso kaysa kay kuya.
b. Mas malaki ang baon ni kuya kaysa kay bunso. d. Walang baon si bunso.
17. Alin ang naglalarawan ng prinsipyo ng pagkapatas?
a. Pareho ang natanggap na baon ni kuya at bunso c. Mas malaki ang baon ni bunso kaysa kay kuya.
b. Mas malaki ang baon ni kuya kaysa kay bunso. d. Walang baon si bunso.
18. Paano maiuugnay ang pakikipagkapwa sa diyalogo?
a. Kailangan ang pakikipagkapwa sa pagsasagawa ng diyalogo.
b. Nagiging mas maayos ang pakikipagkapwa kapag mayroong diyalogo sa pagitan ng mga tao.
c. Hindi mahalaga ang diyalogo sa pakikipagkapwa.
d. Hindi mahalaga ang pakikipagkapwa at diyalogo.
Para sa bilang 19-20. Si Julia ay tao. Siya ay Filipinong mahusay na umawit.
19. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagka-sino ni Julia?
a. Tao b. Filipino c. Mangaawit d. Parehong b at c
20. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagka-ano ni Julia?
a. Tao b. Filipino c. Mangaawit d. Parehong b at c

You might also like