You are on page 1of 3

7

Sison, Julie Ann Acosta


BSE II-3

Isang gabing kalaliman ang tulog koy kay sarap


Tinahak kong buong tapang ang lawak ng gubat
Ang tarik ng kabundukan ay matiyaga kong inakyat
Nang datnan ko ang taluktok, ang gaganda ng bulaklak
Akoy biglang nagising sa sobrang pagkagalak
Sa aking pagmumuni-muni, ako palay nangarap.

Sumapit ang umaga di na ako nakaidlip


Sa rami ng ibat-ibang sumagi sa aking isip
Ng akoy mahimasmasan, saka ko nagunitang ito palay panaginip
Ang landas kong tinahak at buhay na sinapit
Kaya dagli kong kinuha yaong papel at panitik
Upang aking ilarawan ang buhay kong napagsapit.

Isang abang musmos na laki sa lansangan


Sumpulan ng kutya kapag nagbabahay-bahayan
Sa larong tumbang-preso, taguan, habulan
Sentro ng asaran ang madilim niyang kamusmusan
Kaya naman isang diwa ang kanyang nahinuha
Na totoo pala na ang buhay ay kailanman hindi pagiging patas kaninuman.

Matapos ang maraming pagkakataon


Natuklasan niya ang isang misteryo
Kasabay ng pagkahubog ng kanyanng isip
Naging masikap siya sa pagbuo nitong mga tinig
Sa likod ng kanyang mga ngiti
Kaakibat nito ang hapdi sa kanyang dibdib

Kay rami niyang nakita


Nakikita rin kaya ng iba?
Kay rami niyang narinig

Siya lamang ba amng nakaririnig?


Kay rami niyang nadamang
Manhid nga ba ang paligid?
Kay rami niyang nais sulating-nakita niya, narinig, nadama
Ngunit paano kung mapagtawanan lamang
Kung ituring itong walang katuturan
Kung hindi man lang bigyan ng pansin o maski basahin

Naalala niyang muli


Ang pakikipaglaro sa takbo ng kapalaran
Naramdamang niyang muli
Ang napakatinding sakit
Ng mga boses na unti-unting pumupukaw ng hininga
At sa kaliwat kanay pumapatay ng diwa
Ngunit, nang panandaliang napunan
Himalang napawi ang pagdaramdam
Humaplos ang kaluwalhatian sa mundng walang kasiguraduhan.

Muli niyang dinampot panulat


Bigyang buhay ang mga taludtod
Sukdulang napagkasiyahang lamang
Ang kulay ng akdang pusot diwa ang puhunan
Ang kanyang mga naisatitik na kaisipan
Patuloy pa rin sa pagkaripas kahit ituring itong walang kabuluhan.

Ang kanyang mga nakita narinig nadama


Pagkabigo, tagumpay, panimdim, pag-asa
Ay patulong na ihihimig kahit walang makinig
Tulad ng halamang sumisibol at nalalanta ng walang nakakakita
Tulad ng bituing kumikislap-kislap
Habang ang mundoy nahihimbing

Kahit pa ipagsawalang bahala


Bubuuin pa rin niya
Ang kanyang mga salita sa mundong puno ng panghuhusga.

You might also like