Dahil sa hinde inaasahang disgrasya Hinde ko batid kung matatamasa pa ba Pangalawang buhay kung si kamatayan ay kalaro ko na Saan na ba patungo ang byahe na to Ah, baka sa huling hantungan na ng buhay ko
Halina’t bumalik sa aking nakaraang oras
Ng makwento ko sainyo ang buhay kong muntik ng mag wakas Aabutan pa kaya ako ng bukas Dahil lamang sa simpleng kagat ng ahas
Unang simana buwan ng Abril tirik ang araw
Di inaakalang si kamatayan ay dadalaw Kaguluhang tahimik, ay niyang pinukaw Sa pag bagsak ng mga mata’y kabilang buhay ay akin ng tanaw
Katawan ko’y unti-unti ng hinde nakakagalaw
Mga mata ko’y ilaw ay di na matanaw Habang bibig ko’y unti-unti ng uhaw Kamandag sa katawan ko’y umaapaw
Habang mata’y nakamasid sa kulay bughaw na alapaap
Nandun nanatili pa din ang aking pakiusap At bukang bibig na lamang ay pasalamat Kung pangalawang pagkakataon pa ay akin pa bang malalasap
Sa simpleng kagat lamang ay…
Muntik ng kitilan ng buhay Labing pitong sakripisyo muntik ng malustay Pasalamat na lang gumamot ay mahusay
Saksi ang araw at ang buwan
Sa krus sa balikat na aking pasan-pasan Kung gaano kahirap panahong aking pinagdaanan Buti na lang hinde si kamatayan Ang aking pinatunguhan (Wiw wiw wiw wiw) tunog ng ambolansya Sariwa pa sa aking mga ala-ala Ala-ala na muntik na akong kitilan ng hininga Walang ibang dala, ingat at leksyon ang bunga
Sa aking madilim na pag lalakad
Pasalamat sa huli’y may magandang bungad Pagkakataon na hinagagad Kanya naman ay binigay at tinupad
Aking madilim, mapait nanakaraang bangungot
Ay unti-unti ko ng nalilimot Ala-ala, nakaraan at takot Sakin puminsala ng dulot
Binigay na pagkakataon ay pahalagahan
Dahil ito’y hinde nabibiling yaman Tanging regalo ng may lalang Na buong buhay ko ay akin ng pasan-pasan
Hinde maipaliwanag sa mga talata maging din sa mga salita
Kung gaano kasaya ang tugon na ekspresyon Salamat sa tatlong pong oras Para mabuhay sa araw at ng bukas