You are on page 1of 3

De Los Reyes, Waren Paul D.R.

PHILWORLD
PSHS-03-301A
E606/W 8:00-12:00

“Stigma”

Hoy ako to si Nostradamus. ‘di joke lang Augustus Caesar ata? ah siguro Michelangelo..
Hmmm pasensya na ho sarili ko'y di ko na kilala
Nilaan ko na kalahati ng buhay ko sa pagaaral ng buhay ng iba
Pero ayos lang talaga, kapalit naman nuo’y mataas na grado.

Hmm... ano na kayang nangyayari sa labas? Kamusta na kaya ang buhay?


‘Di ko inakala na sa kulungan tayo muling magkakasama
Akalain mo yun? ang taong sa araw mo'y minsang nagkulay
Kausap mo ngayon, suot ang kahel na uniporme sa loob ng selda

Nagawa ko lang naman yon kasi sobra na kong napagod


Problema'y patuloy sa pagdagan sa aking likod
Napatunayan ko nang masamang kinikimkim ang lahat
Yan tuloy, na puno, sumabog, pumatay.

Sa mismong araw ko lang talaga iyon pinagisipan


Pagkatapos ng klase, dumiretso ako sa kanyang opisina
Hinintay ang lahat na maglakad papalabas
Hanggang sa harap ko'y tanging sya nalang, at nagumpisa na ang lahat.

Binitin ko sya patiwarik, kahit naglalaban


Saya saya ko pa kasi parang kami'y naglalaro lamang
Umalingawngaw ang silid sa boses niyang kasinlalim ng balon
Tumawa lang ako kasi wala nang makakarinig sa kanya roon

Kinuha ko ang lagaring nagmula sa kung saan


Tipong hahatiin ko sya pero charot charot lang pala
Syempre selfie muna bago mag part ways no
Kasi ramdam kong ang kitaan namin ulit ay sa impyerno

At ayun na nga! Natapos ang ritwal


Sinimulan ko na ang pagtatrabaho mula sa kanyang gantsilyo
Urong sulong urong suling urong sulong
Ang lagare kasabay ng pagsirit ng dugo na tila tugma sa kanyang hiyaw.

Sa takot na may makapansin


Tinapalan ko ang kanyang bibig ng kapirasong laman nya sa hita
At muli, urong sulong urong sulong urong sulong
Nang di ko mamalayan, umulwak ang bituka nyang maputla

Nalungkot ako bigla sa pagtigil ng kanyang hiyaw


Para na itong musika sa aking nga tenga
Naging boring na ang lahat kasi kahit buhay pa sya
Nakatitig na lamang sa akin gamit ang luhaan nyang mga mata

Nakakapagtaka kasi nasan ang konsensiya


Siguro kasi naisip ko noon na the world still stole me a lot of my time and I bet he
already had his fun
Halata naman sa mga lecture nyang naging talambuhay niya
Siya nang uunahin ko, bago ako patayin ng mga boses na siya rin ang dahilan

Tinuloy ko ang paghati sa kanya


Amoy ng masangsang na dugo ay di alintana
Parang walang pinagkaibahan ang pagkatay ng baboy at tao
Napapaisip tuloy ako kung sakaling siya'y aking imenudo

Natigil ako sa paghati nang makarating ako sa kanyang puso


Nakakamangha! Ang bilis ng pagtibok nito
Kahit pa ulo nalang ang kumokonekta sa kanya
Hindi ito tumitigil sa pagtibok

Isang ilaw ang sumulyap sa bintana't nagulat ako ng husto


Nakatutok ito sa uniporme kong balot sa dugo
Di ko talaga akalaing ginagawa ng gwardya ang kanyang trabaho
Agad siyang nagsumbong gamit ang kanyang telepono

Sinubukan ko syang pigilan


Kumaripas ako ng takbo papalapit sa kanya
Hawak ang lagaring sa leeg nya tatama
Kaso wala akong nagawa, Ako’y napigilan
Maduga, CoPS Marker pala ang panlaban niya

Dinakma niya ako at pinosasan


Inihatid sa labas kung saan mga wangwang ng pulis- ah ako'y naririndihan
Napakadu gis kong tingnan sapagkat hindi lang kamay ko ang may bahid ng dugo
Pati ang puti kong unipormeng nilabhan ng nanay ko… si nanay nga pala

Sa kabila ng ngiting gumuhit sa aking labi, bumukas bigla ang gripo ng aking mga mata
na ilang taon na ring barado
Paanong nagagawa kong tumawa sa kabila ng karumal dumal na krimen? ako pa nga ba
ito?
Lantad sa karamihan ang aking kasalanan,
Isang estudyanteng naliligo sa ebidensya
umalingawngaw ang mga usap usapan
Ngunit hindi ko maikakailang di kumukupas ang kagandahan ng buwan

At ayun na nga
Ikinulong nila ako dito sa selda
Like father like son talaga
Parehas nang nakakulong parehas pa ng sala

Kawawa talaga sa atin si nanay


Magisa nalang syang haharap sa hirap ng buhay
Bakit kasi ako nagmana sayo 'tay
Napaka unfair naman ng Diyos kay inay

Mamimiss ko lahat ng taong naiwan ko


Mga kaibigan at kaklaseng naging parte ng buhay na to
Patawarin sana ako ng mga taong lubos na nagtiwala sa akin
Sapagkat nagkamali sila ng pinaglaanan ng oras, pagmamahal at... pagkain?
kasi 'tay nakapagdesisyon na daw ang korte
Susunod na daw ako kay ser

You might also like