You are on page 1of 9

Francisco, Mary Joy B.

III-Sardonyx Pangkat Makata

Pagkabata

Masayang alaala aking iipunin. At saaking paglisan aking babawiin. Upang sa bagong mundoy, akoy may tanawin. Atlahat nang yon, sapuso koy uukitin.

Sa paglipas ng araw, ramdam ang paghinga Ng buo kong katauhang nangungulila Mga ibon sa tabi koy umaawit. Kanilang inaawit masaklap na pagsapit.

Buhay nga namay walang kasiguraduhan Bukas, makalawa o sa kinabukasan, Mga pangyayaring di mo inaasahan, Magiging ugatng kalungkutan.

Orbe, Nathaniel Dave G.

III-Sardonyx Pangkat Makata

Pagkawala

Naramdaman tila akoy lumulutang, Na di man lang umabot saisang gatang Ramdam ang hinagpis sa kaibuturan Di ko man lang naiayos ang katawan.

Pamamaalam sa isipay nagbadya, Upang bigyang oras ang pagpapabaya Putting damit na siyang aking isinuot, Upang sapaglisay di man lang magusot.

Aking pagkawalay masakit isipin, Ngunit walang magagawa kundi tanggapin Paglisan koy di ko kayang lingunin, Samaiiwan koy ayaw pasakitin.

Dicto, Karen

III-Sardonyx Pangkat Makata

Kawayan
Tila, isang matayog na kawayan, Na nagpatangay sa hanging Amihan. Dinama ang bawat haplos ng hangin Kahit itoy di ko masundan tingin.

Minumuni-muni aking sarili At tila bay oras nagmamadali Na pansing taglay na lakas kumupas Di na kayang ibalik ang lumipas.

Nang mga nagaway isang alaala Regalong pagpapala ng Bathala Mundong kinagisnan aking iiwan Ngayon haharapin ang katapusan.

Grado, Ma. Lucia III-Sardonyx

Pangkat Makata

Liwanag

Posteng nagbigay aliw, gumabay sakin Daay nagliwanag tilab hahabulin Sa himpapawid kung yung tatanawin Di mo matanawang langit at bituin

Tila kahapon ay walang kasing lakas At di iniisip paparating na bukas Sa akiy may nag-aantay na kay saklap Na sa tagal koy di ko man lang niyakap

Awit ng ibon at pagdamay ng puno Na sa kalungkutan koy silang pumuno Dahil ditoy handa ko na ngang harapin Pagsubok ng daang aking tatahakin

Valerio, Marly B. III-Sardonyx

Pangkat Makata

Karera

Kuyom ang aking kamay sa pagsulat nitong talambuhay Tinik nan dinaanan koy di naghilom ang mga ratay Halos di ko maaninag ang muling pagsilang ng araw Kinalalagyan na sarili koy rehas na walang dalaw

Di masinsil na pagdaloy ng luha sa paghihinagpis Sa bawat kalungkutan ko ay sakit na di ko natiis Sa pag sapit na araw at dapuan ng kahinaan Di sumagi saking isipan ang tatahakin kong daan

Subalit dumating na ang araw na kinatatakutan ng lahat Ngalan moy tawagin at sariling krus sayoy ipabuhat Wala akong magagawa dahil hiram lamang ang buhay Ngayoy mawawalay isang agnaws ng dahong walang kulay Sa nasilayang mundoy akoy naging ganap na masaya Sa aking pagtahak sa paraisong puno ng ligaya Sa naiwang mahal na buhay, nabiliy huwag malumbay Sakiy matuwa nat natapos ko ang karera ng buhay

Garcenila, Zoreen Fe Amor III-Sardonyx Pangkat Kalabaw

Sa Langit Tayo Pa Rin

Sa twing matutulog, aking naalala, Mga panahon na tayoy magkasama, Ang oras at araw ay lumiligaya, Pati langitb at dagat nakikisama

Ngunit laman ng itoy biglang naglaho At ang aking damdamiy nawasak, natuyo; Sa isang trahedya siyay biglang nawala, Ang pagmamahalan namiy biglang nawala.

Di ko maintindihan kung bakit ganito Ikay maagang nawala sa akin, bakit? Kahit ilang tinik ay tatahakin ko Ngunit siyay biglang nawala sakin?

Ninais ng tadhana bay, mali o tama? Ngayon ang pag-ibig,wala nang pag-asa, Ngunit ang pusoy patuloyna umaasa, Balang araw, sa langit kamiy magkasama.

Ferolin, Susie Jane S. III-Sardonyx Pangkat KKK

Paghihinagpis

Hindi mawari kung ano ang aking gagawin, Pagkat gulo sa isip ay naroon pa rin. Sa paglipas ng hindi mabilang na araw, Alinlangan sakin dumalas ang pagdalaw.

Mga tao sa akin ay paligid-ligid, Malakas na bagyo kanilang hinahatid. Lumuha silay waring walang katapusan, Lubos na paghinagpis aking dinaramdam.

Tila ay labis na akong nahihirapan Lalo na nung dumating ang tinakdang araw, Mga kandila saking tabiy sinindihan, Lalong nagsidhi ang amoy ng kamatayan.

Valdez, Joan R. III-Sardonyx Pangkat KKK

Kandila

Ako nga ay nauupos na Umagay din a dadalhan pa Puso koy puno ng pangamba Paubos na ang aking mitsa.

Sa dilim, ako ay naroon Liwanag koy aandap andap. Lungkot sakin ay nakakulong Pangamba sa aking pagyaon.

Ang aking oras ay bilang na Nalalapit na ang pagtumba Ngunit akoy maligaya na Ilaw ko man ay mamatay na, Napaliwanag ko naman ang buhay ng iba.

You might also like