You are on page 1of 4

Politektikong Unibersidad ng Pilipinas JAIME, Fiona Angela C.

Sangay ng Lungsod ng Santa Rosa, Laguna BSED FILIPINO 3-1

NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT


PANITIKAN
KASANAYANG PAMPAGKATUTO BILANG 2
Onlayn at Modyular

FRAGMENT NG LAZARUS NI LUIS


CERNUDA

"Umaga na.
Mula sa malalim na lupa,
Matapos alisin ang bato na may pagdurusa Matakaw na mga mukha,
sa trabaho, sa itaas ko sila ay pipi,
Mula sa pagtulog, at
Dahil hindi mahalaga dahan-dahang umalis Nakakagat sa isang
ngunit oras walang kabuluhang
Upang gisingin ang
Tinimbang siya dibdib, pangarap na mas
mababa sa himala,
Narinig nila ang isang Kung saan pinilit niya ng
tahimik na boses kaunting paghampas, Tulad ng nagtatampo na
kawan
Tumatawag sa akin, Sabik na buksan ang
tulad ng isang kaibigan maligamgam na dugo. Hindi iyon ang tinig
na tumatawag ngunit ang bato ay
Sa katawan ko masakit dumadalo,
Kapag may naiwan
Isang sakit na nabubuhay At ang pawis sa noo nila
Pagod na mula sa araw o isang pinangarap na
at ang anino ay sakit. Narinig ko ang
bumagsak. pagbagsak ng mabibigat
Ito ay buhay muli. sa damuhan ... "
Nagkaroon ng mahabang
Pagdilat ko ng mata
katahimikan.
Ang putlang bukang
Kaya sabihin sa kanila
liwayway ang nagsabi
kung sino ang nakakita
nito. Ang katotohanan. Kasi
yun
Hindi ko maalala pero
ang lamig
Kakaibang pagbulwak
Politektikong Unibersidad ng Pilipinas
Sangay ng Lungsod ng Santa Rosa, Laguna

NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT


PANITIKAN
KASANAYANG PAMPAGKATUTO BILANG 2
Onlayn at Modyular

A. PANUTO: Pumili ng isa mula sa mga uri ng tulang dula. Matapos makapili ay
magsaliksik ng halimbawa nito. Suriin itong Mabuti at ipaliwanag bakit ito ang inyong
napili. Gawing gabay ang mga sumusunod na katanungan. Talakayin nyo ito sa
susunod na synchronous class.

1. Sino ang may-akda ng tula?

- Ang may akda ng tula ay si Luis Cernuda

2. Bakit ito ang inyong napili?

- Napili ko ang tulang ito sapagkat habang binabasa ko ito ramdam agad dito ang nais ipahiwatig na
mensahe. Nang nakita ko ang pamagat, akala ko may pagkakahalintulad ito sa buhay ni Lazarus sa
Bibliya kung paano gumawa ng himala ang Diyos para ito ay muling mabuhay. Ngunit, laking gulat ko
na kabaliktaran pala ang nais pakuhulugan ng tulang ito. Napili ko ang tulang ito sapagkat hindi lang
ako nahihiwagaan, kasama na rin dito ang aral na nais ikintal sa atin ng may akda.

3. Ano ang mensaheng nakapaloob dito?

- Kapag sinabi kasi natin na fragment, piraso o retaso. Dahil ang tulang
ito ay kabaliktaran sa naging buhay ni Lazarus sa Bibliya, sa kung paano
inilirawan ng may akda ang isang Lazarus sa kanyang tulang nilikha.
Kumbaga, kumuha ang may akda ng insipirasyon mula sa naging buhay
ni Lazarus sa Bibliya.

- Sa unang saknong, mapapansin natin dito ang kawalan ng pag-asa.


Hindi nito ipinapakita ang kagalakan ng bagong buhay, ngunit
ipinapakita ang kawalan ng pag-asa ng isang tao na bumalik sa isang
mundo na walang kahulugan. Sa unang saknong ang himala ng muling
pagkabuhay ay sinabi. Gayunpaman, sa pagsulong ng pagbasa ay
naging malinaw na ang layunin ng teksto ay upang humiwalay sa
himala.
Politektikong Unibersidad ng Pilipinas
Sangay ng Lungsod ng Santa Rosa, Laguna

NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT


PANITIKAN
KASANAYANG PAMPAGKATUTO BILANG 2
Onlayn at Modyular

- Sa ikalawang saknong, mapapansin natin dito na ang Lazarus na tinutukoy sa tula ay


sabik na masumpungan ang isang panibagong pag-asa. Habang nasa ilalim siya ng
bangin, habang bitbit niya ang sakit, lungkot, at pagdurusa sa kailaliman pinilt niyang
umahon at malasap ang sarap na mabuhay.

- Sa huli, nagawa ng may-akda na malinaw na mailantad ang damdamin ni Lazaro.


Nabuhay siyang muli nang walang labis na pag-aalala mula sa mapayapang limot ng
libingan. Doon siya ay nakalaya mula sa sakit at pagpapahirap. Sa ikatlong saknong,
mapapansin natin kung paano nakita ni Lazarus ang iba’t ibang mukha ng tao. Ang iba
ay nagulat o hindi nakapagsalita at ang iba ay pinagpapawisan, nakita ni Lazarus ang
reaksyon sa kanya ng tao. Pero, hindi niya na iyon pinansin dahil para sa kanya nalasap
niya na ang tunay na kalayaan. Malaya mula sa sakit, malaya mula sa dilim, at malaya
mula sa hirap. Ipinapakita rito na ang himala ay hindi lang ang Diyos ang nakakagawa,
kaya natin masumupungan ang isang himala kung tutulungan natin ang sarili natin na
masilayan ang pag-asa at ang ganda ng buhay.

4. Paano nyo ito maiiugnay sa inyong tinatahak na propesyon?

- Isa sa mga makikita natin na nangyari kay Lazarus sa tulang ito, tinulungan niya
ang kanyang sarili na masumpungan ang ganda ng buhay sa kabila ng hirap at sakit
na naranasan niya sa libingan. Pagpalagay natin na ang libingan na sinasabi dito ay
yung mga pagsubok natin sa buhay. Minsan madilim, minsan malalim, at minsan
malamig. Sa propesyon na tinatahak ko ngayon, nais kopyahin ang katapangan na
ginawa ni Lazarus sa tulang ito. Normal lang na maramdaman ng isang tao na
mawalan ng pag-asa sa mundong ito, dahil unang-una nakatira tayo sa isang
mundo na hindi naman perpekto. Alam kong hindi madali ang propesyon ng
pagtuturo, ngayon pa lang nararamdaman ko yung hirap at yung pagod, hindi biro
ang preparasyon.
Politektikong Unibersidad ng Pilipinas
Sangay ng Lungsod ng Santa Rosa, Laguna

NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT


PANITIKAN
KASANAYANG PAMPAGKATUTO BILANG 2
Onlayn at Modyular

May ng panahon na nakakawalan ng gana, mawawalan ka ng pag-asa, literal na


masasaktan ka, titirahin ang mental na kalusugan kasama na rin ang pisikal. May mga
pagkakataon na nakakaubos, yung akala mo na hindi ka na makakaahon doon sa hirap.
Ngunit, katulad ng katapangan na ginawa ni Lazarus pinilit niyang gisingin ang kanyang
dibdib at ganun din ang gagawin ko. Sa mga pagkakataon na akala ko hindi ko na
masisilayan ang liwanag, pipilitin ko ang sarili ko na umabante paatras para sa
pangarap, para sa pamilya, at para sa bayan.

5. Paano nyo ito maiiugnay sa kasalukuyang panahon?

- Sa henerasyon natin ngayon lalong tumataas ang suicidal rate hindi lang sa bansa natin
kundi maging sa ibang bansa rin. Lalo na ang kabataan, sa nayon namin marami na
akong nabalitaan na nagpakamatay dahil sa usaping pag-ibig. Si Lazarus, tinignan niya
na ang mundong ito ay walang kahulugan. Minsan, ito yung nagiging “mindset” nung
iba. Kapag nakaranas ka ng matinding problema sa anumang aspekto ng buhay iniisip
na agad natin yung halaga natin bilang isang tao. Ang iba kapag hindi na kinakaya,
pinipili na magpakamatay. Natutuwa ako sa tulang ito kung paano inilarawan yung sakit
at paghihirap ni Lazarus habang siya ay nasa ilalim pero may pagpapakita ng
pagpupumiglas na makaahon mula sa hukay na ‘yon. Anuman ang hirap na nararanasan
natin, sa trabaho man yan, sa propesyon man yan, sa bayan, sa pamilya, at sa pag-ibig
piliin pa rin natin na mabuhay. Magulo man ang mundo na ginagalawan natin, pumili
tayo ng lugar na magdadala sa atin sa tunay na kaginhawaan.

You might also like