You are on page 1of 14

YUNIT I

PANITIKANG
KATUTUBO
GRAMATIKA: 2 URI
NG PAGHAHAMBING
GAWAIN: KataMbing
PANUTO: Humarap sa katabi, kunin ang
inyong kuwaderno at isulat ang
pagkakatulad at pagkakaiba sa inyong
pisikal na anyo at ugali. Paghambingin
ang inyong mga nasulat at ilahad sa
klase.
GAWAIN: Basahin
PANUTO: Basahin ang teksto at hanapin
ang mga pahayag na sa tingin ninyo ay
nagpapakita ng paghahambing. Isulat ito
sa kuwaderno.
Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan. Mas masarap ang
pakiramdam ko ngayon kaysa noong nakaraang buwan. Kapansin-pansin rin
ang tubig na umaalon sa dagat na maituturing kong kasinlinaw ng kristal. Di-
gasino mang maingay dito ,wala man ang ingay na matagal ko nang
kinagisnan, alam kong masasanay rin ako.Naalala ko tuloy ang pook na
pinasyalan namin ni inay noong bata pa ako. Magkasingganda ang pook na
iyon at ang lugar na kinatatayuan ko ngayon. Simputi rin ng bulak ang
buhangin doon.
  Akala ko iyon na ang una at huling araw na makadadalaw ako sa ganoong
klaseng lugar. Sa mura ko kasing edad noon , alam ko na ang hirap na
pinagdadaanan ng aming pamilya kaya napilitan akong magbanat ng buto kahit
wala pa sa panahon. Buti na lang kinaawaan ako ng Poong Maykapal. Inialis
ako sa nakasusulasok na lugar at dinala ako sa lugar na singganda ng paraiso.
Salamat at nakilala ko si Sir James Bossier. Pansamantala man ang pananahan
ko dito, batid ko na sa aking pagpupursige kasama ng aking pamilya ay
TANONG:
Ano-ano ang mga bagay na inihahambing
sa mga pahayag?
Paano ito nakatulong upang masabi
ninyong ang pahayag ay naghahambing?
Ano-ano ang mga salitang nagbabadya
ng paghahambing?
2 URI NG PAGHAHAMBING

Pansinin:

 Pareho kayong maganda.


 Ang Wonderwoman ay di-gaanong
maaksyon kaysa sa Fast and Furious 8.
2 URI NG PAGHAHAMBING

1. Paghahambing na magkatulad
pagbibigay ng katangiang mayroon ang
mga bagay na pinghahambing.
 Pareho kayong maganda.
 Magkasinghusay si Arra at Jane sa
pagkanta.
 Itong bag ay tulad ng sa akin.
2 URI NG PAGHAHAMBING

2. Paghahambing na di-magkatulad
pagbibigay ng katangian ng magkaibang
bagay na higit (palamang) o mas maliit
(pasahol) sa isa.
 Ang pelikulang aking napanuod ay di-
gaanong maaksyon.
 Di-hamak na mas malinis ang silid nya
sa kanya.
GAWAIN: Sawikain, Ating
Wikain!
PANUTO: Basahin ang maikling diyalogo
at sagutin ang sumusunod na
katanungan.
Lef : Hoy! Joan, kumusta ka na? Ibang-iba ka na ngayon. Halos di kita
makilala para kang hinipang lobo.
Joan: Mabuti naman. Naku , Oo nga eh, napabayaan na kasi ako sa
kusina. Aba! Iba na rin naman ang hitsura mo. Ang tingin ko sa iyo
ngayon tila ka ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.
Ang lakas ng dating mo.
Lef : Naku ha, pamporma lang ang mga ito. Anong balita sa’yo?
Ipinagpatuloy mo ba ang kursong Medisina? Ikaw ang may utak sa klase natin
noong High School tayo di ba? Malamang kayang-kaya mo ang kursong pinangarap
mo.
Joan: Heto nga’t patuloy akong nagsusunog ng kilay para matapos ko ang kursong
noon pa’y hinangad ko na.
Lef: Masaya akong malaman ’yan. Talaga naman, sa buhay ng tao bago mo
makamtan ang iyong pangarap kailangan mo talagang dumaan sa
butas ng karayom sa dami ng pagsubok na iyong mararanasan.
Joan: Ganyan talaga ang buhay. Matamis ang bunga kapag pinaghihirapan.
1. Sa iyong palagay, paano nakatulong
ang bawat sawikain upang maging
magaan ang mga pahayag ng mga
tauhan?
2. Ano ang kahalagahan ng sawikain sa
pakikipag-usap?
3. Bilang kabataan, paano mo
mapapangalagaan ang matatandang
panitikang Pilipino tulad ng kasabihan,
salawikain, sawikain at bugtong?
PAGSASANAY: PM o PD?

PANUTO: Isulat ang PM kung ang


paghahambing ay magkatulad at PD kung
di-magkatulad.
1. Mas masarap ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong
nakaraang buwan.
2. Kapansin-pansin rin ang tubig na umaalon sa dagat na
maituturing kong kasinlinaw ng kristal.
3. Di- gasino mang maingay dito ,wala man ang ingay na
matagal ko nang kinagisnan, alam kong masasanay rin
ako.
4. Magkasingganda ang pook na iyon at ang lugar na
kinatatayuan ko ngayon.
5. Inialis ako sa nakasusulasok na lugar at dinala ako sa
lugar na singganda ng paraiso.
TAKDANG ARALIN
1. Sumulat ng isang karunungang-bayan.
Maghanap ng mga larawang kaugnay nito at
dalhin sa klase. Maaring gumuhit kung walang
mahanap.
2. Ano ang brochure? Tumingin ng mga
halimbawa nito?
3. Dalhin ang mga sumusunod:
 Bond paper kagamitang pangkulay
 Lapis at ruler makulay na papel (opsyonal)
 Gunting/cutter glue/paste

You might also like