You are on page 1of 16

Epiko

Pang-abay na Pamaraan
Gawain: Acronym
PANUTO: Punan ng mga salita ang bawat letra ng
salitang EPIKO.
E
P
I
K
O
Mga katangian ng epiko
1. Ang Paulit-ulit na Paksa o Tema
 katapangan at pakikipagsapalaran ng bayani
 mga supernatural na gawa ng bayani
 pag-ibig at romansa
 panliligaw – pag-aasawa – pagbubuntis – mga yugto ng buhay
 kamatayan at pagkabuhay
 pakikipaglaban at kagitingan ng bayani
 kayamanan, kaharian at iba't ibang mga kasiyahan o piging
 mga ritwal at kaugalian
 ugnayan ng magkakapamilya
Mga katangian ng epiko
2. Ang Lalaking Bayani
 Palaging ang pangunahing tauhan ay
lalaki at may angking kalakasan,
katapangan at karunungan.
Mga katangian ng epiko
3. Ang Pangunahing Babaeng Karakter
Kadalasa’y iniibig ng pangunahing tauhang
lalaki o kaya’y ina nito.
Mga epiko sa Pilipinas
 Biag ni Lam-ang - Ilokos
 Maragtas - Bisaya
 Bantugan - Mindanao
 Hudhud - Ifugao
 Darangan – Muslim
Pang-abay na pamaraan
 naglalarawan kung paano naganap, nagaganap
o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng
pandiwa.
Pang-abay na pamaraan
Dalawa ang panandang ginagamit sa pang-abay na
pamaraan: (1) ang panandang nang at (2) ang na/ng.
Narito ang mga halimbawa:
1. Kinamayan niya ako nang mahigpit
2. Natulog siya nang patagilid.
3. Bakit siya umalis na umiiyak?
4. Lumapit ditong tumatakbo ang bata
5. Naluluha siya nang nagpasalamat.
gawain:
 PANUTO: Punan ng angkop na pang-abay ang
mga patlang sa diyalogo. Piliin sa kahon ang
sagot.
gawain:
sabay-sabay isa-isa
pagalit dahan-dahan
ganadong-ganado
Jewill: Hoy Emil! Bakit nandito ka na sa labas? Di ba hindi pa ninyo
uwian?
Emil: Maaga kaming pinauwi. Kaya tingnan mo, ________nang naglalabasan ang aking
mga kamag-aral.
Jewill: Ganon ba? Akala ko nag-cutting classes ka dahil nakita kitang _______ na
lumalabas mula sa inyong silid-aralan.
Emil: Hihintayin ko kasi dito ang kaibigan kong si John.
Jewill: Bakit ?
Emil: Pupunta kasi kami sa silid-aklatan para magsaliksik tungkol sa epiko. ________
nagturo kanina ang aming guro sa Filipino kaya naman nais naming ipakita ang aming
pananabik sa kanyang leksiyon.
Jewill: Naku... ______ na tinanong ni Gng. Gomez ang kanyang klase kanina dahil kaunti
lang daw ang nakagawa ng takdang-aralin. Kaya , husayan ninyo.
Emil: Talaga? Kailangan talaga naming magsaliksik. Maraming salamat. O paano?
_________ na kaming aalis. Paalam.
pagsasanay
 PANUTO: Bilugan ang pandiwa at
salungguhitan ang pang-abay na pamaraan.
pagsasanay
1.Agad-agad na naghanda si Tuwaang
2.Naghanda nang mabilis si Tuwaang para sa kaniyang
paglalakbay.
3. Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata.
4. Ang binata ay unti-unting namatay.
5. Sila ay sabay-sabay na sumakay sa sinalimba at
pumalaot.
pagsasanay
6. Sila’y mapayapang nakarating sa tahanan ni Batooy.
7. Matapang na nakipaglaban si Tuwaang.
8. Malugod na tinanggap ni Gungutan ang alok ni Tuwaang
na maglakbay.
9. Ang kanyang kakaba-kabang dibdib ay kaunting
napanatag.
10. Basahing mabuti ang teksto at sagutin ang mga tanong.
Takdang aralin
1. Ano ang biopoem?
2. Paano sumulat ng isang biopoem? (maaaring
magsaliksik sa pamamagitan ng internet.)

You might also like