You are on page 1of 13

GROUP 2-

Aralin 2.7
ANG AGUINALDO NG
MGA MAGO
MAY NALALAMAN KA BA SA
AMERIKA?
Introduksyon ng bansang Estados Unidos
(USA) 
• Ang Amerika ay nahahati sa dalawang kontinente,
ito ay ang North America at South America.  

Washington ang kabisera ng Amerika.  
• New York City ang pinakamalaking lungsod.
• Ingles ang kanilang wika
Alam niyo ba na may Maikling Kuwento rin
ang Estados Unidos? 
AGUINALDO NG MGA MAGO
O. HENRY
     Isinalin sa Filipino ni: Rufino Alejandro

Hindi malaman ni Delia ang ireregalo sa kaniyang asawang si Jim. Hindi


rin niya alam kung anong mabibili niya sa kaniyang perang piso at walumpu’t
pitong sentimos.

  Kaya naman naisipan niyang ipagupit ang kaniyang napakagandang


buhok. Maganda at alon-alon ang kaniyang buhok kaya naman kapag
ipinagbili niya ito ay siguradong maraming tatangkilik.

Napaiyak si Delia sa ginawang pagputol sa kaniyang buhok ngunit


napalitan naman ito ng ligaya nang matanggap na niya ang bente pesos na
kabayaran.
AGUINALDO NG MGA MAGO
O. HENRY
     Isinalin sa Filipino ni: Rufino Alejandro

Bumili siya ng kadenang platino para sa paboritong relo ng asawa. Matagal na


kasi niya itong inaasam. Gayunman, laking pagtataka ni Jim sa bagong hitsura ng
asawa. Wala na ang mahabang buhok nito.
 
  Magagandang suklay pa naman ang regalo niya sa asawa na matagal na ring
hiling nito. Ipinagbili pa ni Jim ang kaniyang paboritong relo para mabili ang mga
suklay.

  Nagulat din si Delia nang malamang wala na ang relo ng asawa. Hindi na nila
magagamit ang regalo nila para sa isa’t isa. Dito nila napagtanto na ang Pasko ay
araw ng pagbibigayan, hindi lamang ng mga materyal na bagay kung hindi
pagpapalitan ng pagmamahalan
Mga tanong:

1. Paano ipinamalas ng dalawang tauhan sa


kuwento ang kanilang pagmamahalan? 
2. Ano ang aral na natutunan mo sa kuwento
ng Aguinaldo ng mga Mago? Ibahagi ito sa
klase. 
Alam mo ba na

Sa pagsasalaysay o pagpapahayag ng mga


      

pangyayari, gumamit tayo ng mga pook na


ginaganapan ng kilos at mga kadahilan ng
isang kaganapan upang ipakita ang
relasyong sanhi at bunga.
POKUS SA GANAPAN

Ang tawag sa pandiwa kung ang lunan, bagay o


maging ng tao na ginaganapan ng pandiwa ang
paksa o simuno ng pangungusap.
Halimbawa:
1. Ang plasa ay buhay at pinagkukunan niya ng pang-agdong buhay
sa piling ng paralisadong ama. 
2. Pinagkunan na niyang minsan ng mga halamang-ugat si Aling
Loring.

 Ipinokus ng pandiwang pinagkukunan at pinagkunan ang paksa


o simunong plasa at Aling Loring na parehong nasa pokus na
ganapan
POKUS SA SANHI
1. naman ang tawag sa pandiwa kapag ang paksa o simuno ay
nagpapakilala ng sanhi o dahilan ng kilos.

Ginagamit sa pokus na ito ang mga panlaping makadiwang i-, ika-, at


ikapang-,

Halimbawa:
Ang lahat ng katotohanang natuklasan ko ay ikinabahala ng aking
mulat na pang-unawa.
Ikinalulungkot ko ang mga pangyayari sa buhay ng ilan sa aking mga
mag-aaral.
Panghuling
Tanong
Ano ang mahalagang aral
ang natutuhan mo sa Aralin
2.7?
Maraming Salamat sa

Pakikinig Almaciga!  

You might also like