You are on page 1of 13

ARALIN

ANG MAHIWAGANG TANDANG


5 (Kwentong Mahika ng mga Meranao)

MGA KASANAYAN:

❖ Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay


sa akdang napakinggan.

❖ Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod,


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento,
mito, alamat, at kuwentong-bayan.

1|
ARALIN 5 FILIPINO 7

Ang Aralin 5 ay inaasahang matutunan ng

mga mag-aaral ang mga sumusunod na mga

paksa tulad na lamang ng mga dula at

pangungusap na walang paksa. Sa pamamagitan

ng kagamitang pagkatutong ito ay mapaunlad

ang iba’t ibang kasanayan ng mga mag-aaral

gaya na lamang ang kakayahang nahihinuha ang

kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang

napakinggan. Saklaw rin sa araling ito ay ang

akdang “Ang Mahiwagang Tandang” na may

mahalagang kaisipan nasa Diyos ang awa, nasa

tao ang gawa.

2|
ARALIN 5 FILIPINO 7

ARALIN 5:
Kilala mo ba si Arthur P. Casanova?
Siya ang nagsulat sa kuwentong mahikang
pinamagatang “Ang Mahiwagang Tandang”.
Ipinakita sa akdang ito ang kaalaman ni
Casanova sa kulturang Meranao gayundin ang
adbokasiyang gumamit ng katutubong panitikan.

Halina’t ating alamin ang isang kuwentong


pinamagatang
“Ang Mahiwagang Tandang”

Para sa kabuoang nilalaman ng akda, basahin ang


nasa pahina 96 – 111 ng aklat.

NILALAMAN
:
TALASALITAAN:

➢ mahiwaga – misteryoso
➢ dukha – mahirap
➢ pagal – pagod
➢ yumao – namatay
➢ gula-gulanit – sirang-sira

3|
ARALIN 5 FILIPINO 7

TAUHAN:
• Paki-tingnan sa pahina 98 sa kabuoang tauhan ng
akda.

TAGPUAN:
• Kaharian ng Agamiog

BANGHAY
Sa simula ng akda, makikita ang mahirap na
pamumuhay nina Lokus a Babae at Lokus a Mama na
kung saan mapapansin ang pagsisikap nila makakuha
ng makakain sa pang-araw-araw.

Kasunod na nangyari ay nanghingi ng abaka si


Lokus a Babae at ito ay gagamitin ng kanyang anak
para gawing pambitag.

Pagpanaw ng ama ni Bagoamama.


Kinaumagahan, tiningnan ni Bagoamama ang
kanyang mga bitag at laking gulat niya na nahuli niya
ang isang mahiwagang tandang

Dahil sa mahiwagang tandang, yumaman


sina Bagoamama at pati si Sultan Abdullah ay
nagkainteres sa mahiwagang tandang. Tinanggap ni
Bagoamama ang alok ng Sultan kaya pinakasalan
niya ang anak na prinsesa.

4|
ARALIN 5 FILIPINO 7

MAHALAGANG KAISIPAN:

• Huwag mawalan ng pag-asa sa lahat ng mga


pagsubok na nararanasan dahil ginawa lamang
ito bilang sukatan ng Diyos kung gaano ka
katatag.
• Maging masipag sa buhay upang ikaw ay
gagantimpalaan ng Diyos.

ATING ALAMIN

Ano nga ba ang dula?


Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay
itanghal sa tanghalan. Ito ay nahango sa salitang Griyego na
“drama” na nangangahulugang gawin o ikilos. Ayon kay
Aristotle, ito ay isang imitasyon o panggagagad ng buhay.

Basahin ang nasa pahina 116 – 118 ng aklat para sa


kabuoang nilalaman ng paksa.

5|
ARALIN 5 FILIPINO 7

MGA DULANG PANLANSANGAN:

a. TIBAG – Isinagawa tuwing buwan ng Mayo tungkol sa


paghahanap ni Santa Elena sa krus na pinagpakuan
kay Kristo.

b. SENAKULO – Inilarawan dito ang simula ng lahat pati


ang pagsilang ni Hesus hanggang sa kanyang
kamatayan

c. PANUNULUYAN – Isinasagawa tuwing sasapit ang


Pasko, Disyembre 24 ng gabi bago mag-misa de
gallo.

d. MORIONES – dulang panlasangan sa lalawigan ng


Mindoro at Marinduque tuwing Mahal na Araw.

e. SANTAKRUSAN – dulang panlansangan at


panrelihiyon kung saan isang marangyang parade
ng mga sagala at konsorte.

6|
ARALIN 5 FILIPINO 7

LAGING ISAISIP

PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA


Buksan ang aklat sa pahina 121 – 122 ng aklat para
sa kabuoang nilalaman ng paksa.

• EKSISTENSIYAL – nagpapahayag ng
1 pagkamayroon o ng kawalan.

HALIMBAWA:
✓ May mga magsisipanood na sa kalye.
TANDAAN: Ito ay isang halimbawa ng pangungusap na walang paksa
sa ito pangungusap na walang SIMUNO (noun). Sa halimbawang
pangungusap tanging aksyon lamang ang ipinakita na
“magsisipanood” at walang partikular na simuno (noun) na isinaad.

• MODAL – nangangahulugan ito ng gusto, nais,


2 ibig, puwede, maari, dapat o kailangan.

HALIMBAWA:

➢ Puwedeng sumali?

TANDAAN: Tinatawag na modal na pangungusap na walang paksa ang


halimbawa sa taas sapagkat nagpapahayag ito ng pagnanais sumali.

7|
ARALIN 5 FILIPINO 7

3 • PADAMDAM – may matinding damdamin.

HALIMBAWA:

➢ Bilis!

TANDAAN: Ito ay isang padamdam sapagkat may damdamin/ tono


itong pag-uutos na dapat maging mabilis.

• MAIKLING SAMBITLA – ito ay binubuo ng isa o


4 dalawang pantig lamang na nagpapahayag
ng matinding damdamin

HALIMBAWA:
➢ Naku!
TANDAAN: Ang kaibahan ng sambitla sa padamdam ay ang sambitla
ay biglaang pagbigkas o “curse” sa English na bigla lamang nasabi ng
tao kung may naramdamang sakit o pagkagulat halimbawa ang
“Naku!”

• PANAWAG – iisahang pantig kadalasan na


5 ginamit sa pagtawag sa isang tao.

8|
ARALIN 5 FILIPINO 7

HALIMBAWA:

➢ Hoy!

TANDAAN: Ito ay isang halimbawa ng panawag sapagkat ang “Hoy!” ay


ginagamit sa pagtawag sa isang tao.

• PAMANAHON – tumutukoy sa oras o uri ng


6 panahon.

PENOMENAL:
- Tumutukoy ito sa mga kalagayan o pangyayaring
pangkalikasan o pangkapaligiran.

HALIMBAWA:
➢ Lumilindol!
➢ Napakainit ngayon.

TEMPORAL:
- Kalagayan o panahong panandalian lamang.

HALIMBAWA:

➢ Alas-dose na.
➢ Biyernes na ngayon.

9|
ARALIN 5 FILIPINO 7

• PORMULASYONG PANLIPUNAN – pagbati,


7 pagbibigay-galang at iba pang nakagawian sa
lipunan.

HALIMBAWA:
➢ Magandang araw!
➢ Mabuhay!
➢ Makikiraan po.

KAYA MO YAN!

G.1: PANUTO: Bilugan ang kasalungat ng salitang


nakasalungguhit sa pangungusap. (Maaaring makikita
ito sa pahina 95 ng aklat.)

1. Karaniwan ang mga alaga niyang inahing manok at hindi ito


isang mahiwagang manok.
2. Mahirap ang kanilang buhay sa una subalit naging maunlad
ito nang dahil sa kanyang pagsisikap.
3. Ang kanyang pagal na katawan ay nangangailangan ng
pahinga upang manumbalik ang kanyang lakas.
4. Nang yumao ang kanyang ama ay hindi siya nawalan ng
pag-asa. Sa halip, ito ang bumuhay sa kanyang pagnanais na
bumangon sa kahirapan.
5. Ang magagarang damit ng hari ay naiisip niya sa tuwing
makikita ang gula-gulanit niyang kasuotan.

10 |
ARALIN 5 FILIPINO 7

G.2 PANUTO: Piliin sa hanay B ang naging bunga ng mga


pangyayari sa hanay A batay sa akdang binasa. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa may patlang. (Maaaring
makikita sa pahina 113 ng aklat.)

A B
_______1. Hindi natutong mag-araro a. Nasayang ang
sa bukid si Lokus a Mama. malawak na lupaing
ipinamana ng
_______2. Hindi gumaling mula sa
magulang ni Lokus a
gamot na ibinigay ng
Babae.
albularyo si Lokus a Mama
b. Lumala ang kanyang
_______3. Isinagawa ni Bagoamana
sakit at tuluyang namatay
ang kanyang mga naisip na
pagkalipas ng ilang araw.
plano upang makatulong
c. Labag man sa kalooban
sa kanilang mahirap na
ay walang nagawa sina
kalagayan.
Bagoamama at Lokus a
_______4. Nang mamatay ang ama ay Babae kundi ilibing nang
walang perang panggasto hindi nabasbasan ang
para sa maayos na libing yumaong ama.
ang kanyang mga naulila. d. Ito ay nagbigay-daan sa
kanya upang makita ang
_______5. Tuluyang nagpaalam at
mahiwagang tandang na
masayang lumipad ang
nagpabago sa kanilang
mahiwagang tandang sa
buhay.
himpapawid.
e. Bagaman lumuluha ay
masayang kumaway ang
mag-ina at nagpasalamat
sa tandang mula sa
kaibuturan ng puso.

11 |
ARALIN 5 FILIPINO 7

G.3 PANUTO: Lagyan ng tsek(/) ang mga pangungusap


na walang paksa at ekis (x) ang hindi. (Maaaring makikita
sa pahina 122 ng aklat.)

_____1. Ang galing niyang umarte ______6. Ay!


_____2. Asus! ______7. Pasko na
_____3. Lunes na bukas. ______8. Kainis!
_____4. Ibig ko itong mapanood ______9. Maganda si Ana
_____5. Makulimlim ngayon ______10. Bumabagyo!

G.4 PANUTO: Tukuyin kung anong pangungusap na


walang paksa ang sumusunod. Isulat sa patlang ang
tamang sagot.

____________1. Magandang gabi!


____________2. Walang tubig.
____________3. Dapat bang sumali?
____________4. Hala!
____________5. Ang ganda ng araw!
____________6. Hoy!
____________7. Takbo!
____________8. Lunes na.
____________9. Tao po.
____________10. Tisoy!

12 |
ARALIN 5 FILIPINO 7

Baisa-Julian, A. G., Lontoc, N. S., & Del Rosario, M. G. (2018).


Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma. 927 Quezon
Ave., Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Cepe, J. (2014, March 11). Retrieved from SlideShare:


https://www.slideshare.net/johnmichaelcepe/dula-
121206051045phpapp02

PETSA KAILAN NATAPOS: _________________________

PANGALAN NG MAGULANG AT PIRMA:

_________________________________________________

“Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa.”

13 |

You might also like