You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI- Western Visayas
Schools Division of Iloilo
BAROTAC VIEJO NATIONAL HIGH SCHOOL
Banghay Aralin sa Filipino 10
I. Layunin ng Pagkatuto
A. Pamantayang Pangninilaman: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng mga bansang kanluranin
B. Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling-akda sa hatirang pangmedia (social
media)
C. Tiyak na Layunin;
1. Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda (F10PN-IIe-73);
2. Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan (F10PT-IIe-73);
3. Nabibigyang-reaksiyon ang pagiging makatotohanan/ di-makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling
kuwento (F10PB-IIe-76)
4. Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag-ugnayang pandaigdig (F10PD-IIe-71); at
5. Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling kuwento (F10PS-IIe-75).

II. Paksang Aralin


Paksa: Aginaldo ng mga Mago
Sanggunian: Panitikang Pandaigdig; Modyul para sa Mag-aaral
Kagamitan: Manila Paper, cartolina at mga larawan, video clip

III. Pamamaraan ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak : Alamin Mo
- Panuto: Pakinggan ang awiting “Pasko na naman” gamit ang link na
https://youtube.com/watch?v=nxPQeSucfA&feature=share at suriin ang kasiningan at
kabisaan ng kanta.
Pasko na Naman

Pasko na naman O kay tulin ng araw


Paskong nagdaan, tila ba kung kalian lang
Ngayon ay Pasko dapat pasalamatan
Ngayon ay Pasko tayo ay mag-awitan

(Koro)
Pasko, Pasko na naman muli tanging araw na ating pinakamimithi
Pasko, Pasko
Pasko na naman muli ang Pag-ibig naghahari
(Ulitin ng dalawang beses)

- Sagutin ang mga gabay na tanong


1. Tungkol saan ang awit na iyong napakinggan?
2. Anong kaugalian Pilipino ang namamayani tuwing pasko?
3. Anong kaisipan ang namamayani sa kanta?

B. Pagkilala sa may-akda
- O. Henry
- isang amerikanong manunulat ng maikling kuwento. Ang kanyang totoong pangalan ay si William
Sydney Porter, ipinanganak noong Setyembre 11, 1862 at namatay noong Hunyo 5, 1910. Naging
sagisag panulat niya ang O. Henry, dahil ito ay isa sa pinakamalaking parangal na kanyang natanggap.
- Sa panahong lumipat siya sa New York matapos mamatay ang kanyang asawa ay dito siya namayagpag
at nakapagsulat ng 381 maikling kuwento. Isa sa mga kanyang nagawa ay ‘The Gift of the Magi’. ang
kanyang mga akda ay naging tanyag dahil sa mga kakaibang kataposan at nakaaaliw na pagsasalaysay.
- Rufino Alejandro
- Ipinanganak noong Disyembre 25, 1925 at namatay noong January 11, 1990 sa edad na 64 taong
gulang. Maraming naisulat si Alejandro lalong lalo na ang mga librong pang gramatika at istruktura.
Kabilang na rin ang pagsasalin sa kanyang mga obra, halimbawa nito ang Aginaldo ng mga Mago na
kanyang isinalin.

C. Pagtalakay
 Paghawan ng Sagabal (Word Recognition)
- Panuto: Itala ang mga salitang magkasingkahulugan o magkaugnay ang mga kahulugan na nasa loob ng kahon.
Ayusin ang mga salita sa loob ng hagdan ayon sa tindi ng kahulugan o pagkiklino

sumalagpak hagulgol humagibis


hilam silakbo simbuyo
tangis panlalabo halughugin
kulabo napaupo lagablab
lumuklok malakas na iyak halukayin
halungkatin humarurot tumulin

1. 2. 3.

4. 5. 6.

 Paglinang

- Ang tunay na pag-ibig ay pagpapakasakit. At ang sinumang nagmamahal nang tunay at tapat ay
handang ialay ang pansariling kaligayahan alang-alang sa kasiyahan ng taong minamahal. Tuklasin natin
sa kasunod na maikling kuwento kung paano pinatunayan nina Jim at Delia ang wagas na pagpapaksakit
para sa isa’t isa. Basahin mo ito nang may pag-unawa upang sa gayo’y maunawaan mo kung paano
maisasabuhay ang mahalagang tema o kaisipang nakapaloob sa akda.

- Panonood ng maikling kuwento may pamagat na “Aginaldo ng mga Mago”, na maaaring mapanood sa
link https://youtube.com/watch?v=4dU3kGA2Bjs&feature

Alternatibong paglinang;
- Pagbubuod ng maikling kuwento sa pamamagitan ng pagtukoy sa elemento ng maikling kuwento gamit
ang storyboard

 Pag-unawa sa akdang binasa


Gawain 1
1. Ano ang ipinagpalit ni Della sa kanyang buhok? Bakit niya ito ginawa? Ano ang ipinagpalit ni Jim sa
kanyang relos? Bakit niya ito ginawa?
2. Para sa iyo, makatwiran ba ang kanilang ginawa para sa isa’t isa? Bakit?
3. Ano ang makabuluhang kahulugan ng pagbibigayan ng regalo sa Pasko ang ipinakita sa maikling
kuwento?
4. Sa iyong palagay, maisasakripisyo mo ba ang mga bagay na mahalaga sa iyo mapaligaya mo lamang ang
iyong mahal? Pangatuwiranan.
5. Anong mahalagang mensahe/kaisipan ang ibinibigay ng akda? Magbigay ng tiyak na mga halimbawa
kung paano mo ito isasabuhay. Gamit ang dayagram sa pagsagot.

Mahalagang Kaisipan sa
AGINALDO NG MGA MAGO

Mahalagang Kaisipan Paano Isasagawa

Gawain 2: Pagsusuri sa Dayalogo


Panuto: Tukuyin mula sa mga diyalogo ang katangian ng tauhan. Isulat ang sagot sa inilaang kahon sa ibaba.

1. 2.
“Dell, itabi muna natin ang ating
“Hindi ba maganda, mga pang-aginaldo at itago natin ng
Jim? Hinalughog ko ang ilang araw. Sayang na gamitin agad
buong bayan para ngayon ang mga iyon. Ang relos ay
lamang makita ko iyan.” ipinagbili ko para maibili ng mga
suklay para sa iyo.

Gawain 3 : Pag-isipan Mo
Panuto: Itinuturing na marurunong ang tatlong haring Mago na nag-alay sa sabsaban. Ihambing ang
kaugnayan ng mga tauhang inilalarawan sa maikling kuwento sa Tatlong Haring Mago na pinagbatayan
ng akda. Ipakita ito sa pamamagitan ng Comparison Organizer.

PAGKAKATULAD

TATLONG
DELLA AT
HARING
JIM
MAGO

PAGKAKAIBA

D. Pagyamanin
- Panuto: Manood sa telebisyon o youtube ng mga isyung pandaigdig na maaaring maiugnay sa akdang “Ang
Aginaldo ng mga Mago” at ipaliwanag sa hiwalay na papel ang kaugnayan ng napiling isyung pandaigdig at ng
maikling kuwento. Maaaring panoorin ang isang halimbawa ng isyung pandaigdig sa link na ito:
https://youtu.be/957QNwxk-2k.
Alternatibong Pagpapayaman;
- Pagbuod ng isyung panlipunang masasalamin sa tinalakay sa kuwento.

Mga Isyung Panlipunan


*
*
*
*

IV. Ebalwasyon
- Panuto: Gumawa o bumuo ng isang maikling kwento na nagpapakita ng wagas na pag-ibig o pagbibigayan na
walang hinihintay na kapalit. Ilagay ito sa malinis na papel at isalaysay ito nang masining sa harap ng mga
kapatid o mga magulang. Maaaring i-post sa facebook o ipasa sa guro ang video ng iyong isinagawang
pagsasalaysay. Gawing batayan ang GRASPS sa pagganap.

Alternatibong Gawain: Isumite ang nagawang maikling kuwento sa pasulat na pamamaraan.

Goal Magsalaysay ng kuwentong pag-ibig na magbibigay inspirasyon sa mga tagapakinig

Role DJ sa radyo

Audience Tagapakinig sa radyo

Situation Araw ng mga Puso at magkakaroon ng segment na itatampok ang mga kuwentong
nagpapakita ng wagas na pagmamahalan

Performance Masining na Pagsasalaysay

Standards Nilalaman at mensahe ng maikling kuwento …....35 %


Kalinawan ng pagsasalaysay …………….............30 %
Pagkamalikhain …………….…………….………...20 %
Nakapupukaw sa interes ng mga tagapakinig .....15 %
Kabuuan ……………………….……………….…100 %

Mga Metodong ginamit:


1. Discovery Learning
2. Techonology Base Instruction

You might also like