You are on page 1of 14

MGA LAYUNIN

 Natutukoy ang kahulugan ng


mahirap na salita
 Nasusuri ang mga salita ayon sa
pagkakabuo nito
 Nakabibigay ng mensahe
tungkol sa kwento
“Ako po’y Pitong
Taong Gulang” ni
Eros Atalia
Dagli – isang anyong panitikan
na mas maikli kaysa maikling
kwento. Walang nakatitiyak sa
haba nito ngunit kinakailangan
hindi aabot sa haba ng isang
maikling kwento.
Panuto: Piliin sa kahon ang salitang tinutukoy sa
pangungusap sa ibaba.
gula-gulanit labhan banga

balon apuyan pinaglingkuran

balon Isang butas mula sa lupa para pag-igiban ng tubig.


_____1.
banga
_____2. Isang sisidlan na yari sa luad at karaniwang ginagamit bilang
sisidlan ng tubig.
gula-gulanit
_____3. Ito’y nanganagahulugan ding sira-sira.
apuyan
_____4. Itim na may uling na maraming apoy.
pinaglingkuran
_____5. Ito’y nangangahulugan ding pingsilbihan.
Gabay na tanong:
1.Tungkol saan ang kwento?
2.Bakit naging alipin si Amelia sa mayamang
pamilya?
3.Ano ang tunong nangingibabaw sa kwento?
4.Ano ang masasabi mo sa naging wakas ng
kwento?
5.May pangyayari parin ba na katulad kay
Amelia sa panahon ngayon? Ipaliwanag
AKO PO’Y PITONG TAONG GULANG
ni Eros Atalia
Hello. Ang pangalan ko po ay Amelia at nakatira ako sa isang isla sa Caribbean. Ako po’y pitong taong
gulang. Noon po’y ibinigay ako ng aking mahihirap na magulang sa isang mayamang pamilya na nakatira sa
lungsod. Ngayon pong araw na ito, gaya ng ginagawa ko araw-araw, gumigising po ako ng alas singko ng
umaga. Umiigib ako ng tubig sa isang balon na malapit sa amin. Napakahirap pong balansehin ang
mabibigat na banga sa aking ulo. Pagkatapos po ay naghanda na ako ng almusal at inihain ko po iyon sa
pamilyang pinaglilingkuran. Medyo nahuli nga po akong ng paghahain ng almusal, kaya pinalo po ako ng
aking amo ng sinturon. Pagkatapos po ay inihatid ko sa paaralan ang kanilang limang taong gulang na anak
na lalaki. Sumunod po, tumutulong ako sa paghahanda at paghahain ng tanghalian ng pamilya. Kung hindi
pa po oras ng pagkain, kailangan ko pong mamili ng pagkain sa palengke at gawin ang mga utos nila,
asikasuhin ang apuyan, walisan ang bakuran, labhan ang mga damit at hugasan ang pinagkainan at linisin
ang kusina. Hinuhugasan ko rin po ang mga paa ng aking among babae. Galit na galit po siya ngayong araw
na ito at sinampal po niya ako dahil sa galit. Sana’y hindi na po siya galit bukas. Ipinakain po sa akin ang
kanilang natirang pagkain, mas mabuti naman po ito kaysa giniling na mais na kinain ko po kahapon. Gula-
gulanit po ang aking damit at wala akong sapatos. Hindi po ako kailanman pinayagan ng aking mga amo na
ipaligo ang tubig na iniigib ko para sa pamilya. Kagabi po ay sa labas ako natulog, kung minsan po ay
pinatutulog nila ako sa sahig sa loob ng bahay. Nakalulungkot pong isipin na hindi ako ang mismong
sumulat nito. Ayaw po nila kasi akong payagang mag-aral. Maging maayos po sana ang araw ninyo. Amelia
Gabay na tanong:
1. Tungkol saan ang kwento?
2. Bakit naging alipin si Amelia sa
mayamang pamilya?
3. Ano ang tunong nangingibabaw sa
kwento?
4. Ano ang masasabi mo sa nagging wakas
ng kwento?
5. May pangyayari parin ba na katulad kay
Amelia sa panahon ngayon? Ipaliwanag
Gawain #2
Panuto: Suriin ang mga salita ayon sa pagkakabuo nito at
ihanay kung saan ito napabilang.
damit tubig

umigib hinugasan
araw-araw gula-gulanit
gumising silid-tulugan
Payak Pag-uulit Paglalapi Pagtatambal

damit umigib
araw-araw gumising silid-tulugan
tubig gula-gulanit hinugasan
Hahamakin ang lahat
ni Abdon balde Jr

"Kung kaya mong magbreakdance sa JS", sabi ni


Cherry. May halong biro. Para na rin niyang
sinabing,"Pagputi ng uwak".Ngunit hindi ganoon ang
dating kay Dindo.Sinuway ni Dindo ang bilin ng
magulang.Inilihim niya sa mga kaibigan ang balak.
Nagpalakas siya. Kinausap si Sam. Nagsanay si Dindo.
Hindi alintana ang sakit at hirap."Puwede ka na," sabi
ni Sam pagkaraan ng isang buwan.Isang linggo bago
mag JS Prom, nilapitan ni Dindo si Cherry na
nagmemeryenda sa canteen."Para sa'yo , handa na
ako", sabi ni Dindo."Oh shocks ! " sagot ni Cherry
,nakangisi,"Serious ka? Kami na ni Joko, noh !
"Malungkot na tumalilis si Dindo, iika-ika, hila ang paa
namay polio.Malupit ang pag-ibig.
PAGTATAYA
Panuto: Suriin ang dalawang akdang inyong nabasa batay sa:
Paksa, layon, tono paraan ng pasulat, pagbuo ng salita at pagbuo
ng pangungusap. Isulat ang T kung ang pangungusap ay tama at M
naman kung mali.
M
_____1. Parehong pumapaksa sa pagmamahal ng magulang
ang dalawang kwento.
M
_____2. Kapwa masaya ang tonong nangingibabaw sa kwento.
T
_____3. Kapwa halimbawa ng dagli ang dalawang akda.
T
_____4. Gumagamit ng pag-uulit ang dalawang kwento sa pagbuo ng salita.
M
_____5. Parehong gumagamit ng pampanitikang antas ng wika sa pagbuo ng pangungusap.
_____6.Kapwa nag-iiwan ng mensahe sa mambabasa.
T
_____7. Ang dalawang kwento ay kapwa panitikang Pililpino.
M
_____8. Naging matagumpay ang mga tauhan sa kwento.
M
_____9. Parehong may twist sa wakas ng kwento.
T
_____10. Kapwa pasalaysay ang pagkalahad ng kwento.
T
TAKDANG ARALIN

Magsaliksik tungkol sa
pang-abay at uri nito.
Isulat ang sagot sa ¼ na
papel.
Maraming
salamat sa
pakikinig

You might also like