You are on page 1of 2

ALTHEA MAY ALINEA

BSED SOCIAL STUDIES II


GAWAIN 1-PRELIMINARYONG TERMINO

Ang librong aking nais bigyan ng pagpapakahulugan ay ang Taste of Sky na isinulat ni
Ventrecanard. Ang librong ito ay ang istorya ng isang babaeng nagngangalang Behati Azalea
Monzanto, isang matapang na piloto. Nagsimula ang kwento ng maging ulila siya nang humagupit
ang bagyong Yolanda noong taong 2013. Siya ay dating CPA at sundalo ngunit hindi kalaunan ay
napasok sa pagiging piloto sa UASA. Ang UASA ay isang organisasyon na nagpapanatili ng
kapayapaan sa mundo. Ang UASA ang namamala upang resolbahin ang mga problema na hindi
kayang resulbahin ng mga ordinaryong sundalo. Sa kanyang pagiging piloto ay makikilala niya
ang lalaking muling magtuturo sa kaniya kung paano maging masaya at magbibigay sa kaniya ng
kapayapaan si Space Commander Rylandrien Peter Armstrong. Ang lalaking kaniyang nakilala ay
may natatanging kulay ng mata, ito ay kulay bughaw kaya’t sa tuwing kaniyang matatanaw ang
asul na kalangitan si Peter ay agad niyang maaalala. Hirap, sakripisyo, dugo at pawis ang kanilang
naging puhunan upang maisakatuparan ang kanilang tungkuling panatilihin ang kapayapaan.
Dumating pa nga sa puntong kinailangan nilang kalabanin ang daang daang terorista upang
masagip ang isang bansa. Dagdag pa rito ang pagsuong sa bulkang malapit ng sumabog para
lamang mailigtas ang kailangan nilang tao upang maisakatuparan ang kanilang planong pagtapak
sa buwan. Hindi alintana ni Behati kung siya ay mapahamak sapagkat gagawin niya ang lahat
matulungan lang ang mga taong kaya niyang tulungan at dahil dito siya’y kinilala bilang “the
woman of hope”, simbolo ng pag-asa sapagkat ayon nga sa kaniya naniniwala siya na hindi lang
siya ang dapat mabuhay, lahat tayo ay may karapatang mabuhay ng payapa. Lahat ng mga
pagsubok sa buhay ni Behati ay kaniyang hinarap ng buong tapang ngunit sadyang mapaglaro ang
tadhana sapagkat isa sa kaniyang pagsubok ay ang kamatayan ng kaniyang minamahal na si Peter
na isinakripisyo ang kaniyang sariling buhay mailigtas lang si Behati. Sa pagtatapos ng istorya ay
nagretiro na si Behati at naging isang guro sa isang tahimik na bayan kasama ang kaniyang mga
supling na bunga ng kanilang pagmamahalan.

Lubos akong humahanga sa kabayanihan ng bidang si Behati at ng kanilang


pagmamahalan ni Peter. Hindi man naging masaya ang kanilang wakas tiyak akong nakamit na
nila ang kapayapan na nararapat sa kanila. Hindi rin matatawaran ang galing ng sumulat ng
istorayang ito, sa kaniyang galing na iparamdam ang iba’t-ibang emosyon sa bawat kabanata ng
nobela. Sa kabila ng hindi ko pagka hilig sa mga sayantipikong bagay ay lubos kong naunawaan
ang mga terminolohiya sa kaniyang akda. Lubos akong natuto ng maraming bagay tungkol sa
mundong ito, na hindi dapat tayo maging bulag at bingi na kayang kaya namang tumulong ay wala
pa ring aksyon na ginagawa. Sa kabila nito, ay lubos pa rin akong nag dadalamhati sapagkamatay
ng karakter ni Peter. Kahit na sabihin na ginawa niya yun para kay Behati hindi ko pa rin maalis
sa akin ang kalungkutan. Ilang taon na ang nakakalipas ngunit masakit pa rin para sa akin ang
sinapit ni Peter, hindi ko pa rin kayang hindi umiyak sa tuwing siya ay aking aalalahanin kahit na
akin namang batid na siya ay bunga lamang ng mapaglarong isip ng sumulat. Marahil ay ganoon
talaga, upang matuto tayo kinakailangan munang makaramdam ng sakit nang sa gayon ay tuluyang
tumatak sa ating mga puso ang aral ng buhay sa mundong ito.

Gaya ng aking sinabi, hindi matatawaran ang ganda ng istoryang ito sapagkat kakaiba ang
magiging epekto nito sa iyong pagkatao. Kaya’t walang ibang dahilan upang hindi basahin ang
aklat na ito sapagkat hindi ka lamang nito patatawanin, paiiyakin, pakikiligin at iba’t ibang
emosyon pa ang iyong mararamdaman. Gayundin ang aklat na ito ay higit pa sa iyong inaasahan
sapagkat naglalaman ito ng mga aral sa buhay na lubos nating kailangan upang manatiling matatag
sa kabila ng mga pag uusig at kapighatian na ating nararanasan. Dagdag dito, sa oras na masimulan
mo ang pagbabasa nito hindi mo na kayang tigilan pa dahil sa kakaibang pakiramdam na iyong
mararanasan habang nagbabasa nito. Dadalhin ka ng libro sa mundo ng kabayanihan at reyalidad
na makakatulong upang mabuksan ang ating mga mata sa mga pangangailangan ng ating mundo.
Kaya’t halina’t maging si Behati na handang magbigay ng pag-asa at tumulong sa mga
nangangailangan.

SANGGUNIAN:

https://www.wattpad.com/story/105252750-taste-of-sky-el-girls-series-1

You might also like