You are on page 1of 2

Pinta

Isa, Dalawa, Tatlo...Apat!

Magsisimula na naman akong humawak ng iskoba


,upang magpinta
Isang obra hindi matapos tapos
Paano ko nga ba sisimulan?
Kung ang mundo ko ay umiikot sa kalungkutan at
kabiguan
daig ang may kapansanan,
nakagapos sa mundo
bitbit ang mga negatibo

Hayaan mo i-kwento ko kung paano ka nahihirapan


sa pagpinta ng buhay mo
At ginagawa mo madalas ang pagpikit upang
makatakas kapag sinusubok ang pananampalataya mo

natatakot akong alisin ang mga piring sa aking


mata
Baka maling pintura ang aking maipinta sa obra
akala ko ako ang may likha.
Iba't ibang emosyon ang yung makikita
Pagod na ako!
Sawa na ako!
HANGGANG DITO LANG ANG KAYA KO!

Depende sa huhusga!

Ano nga ba ang larawan nais kung sambitin


Larawan ng nakaraan pilit ko kinikimkim
Pusong nakakubli sa dilim
Pusong puno ng takot harapin ang katotohanan

NA ang obra na aking pinipinta ay dapat may


isang dereksyon
ang buhay ko na isang OBRA!

Na dapat hindi ako ang may kontrol


Oras na para bitawan ko ang iskoba
At ibigay sa totoong may likha.

Panahon na parang gumihit ulit


At aalisin ko ang mga piring sa aking mata
Upang salubungin ang mga kamay niya nakapako na
patuloy sa pagdurugo

Habang sinasabi "ANAK HAYAAN MO AKO HUMAWAK NG


ISKOBA PARA SA PANIBAGO OBRA"
OBRA na matanggal na kanyang iniingatan ngunit
aking dinungisan
ang buhay ko na isang OBRA!

NA aking mapakinggan ay biglang gumaan ang


aking pakiramdam
habang sinasabing " Anak, ako'y pagkatiwalaan "
may pagdadalawang isip man pero pagod na ako sa
obra na di ko kayang bigyan ng buhay
Kaya hahayaan ko yung sinasabi nilang "AMA"
na...

Hahayaan ko sya turuan ang puso ko alisin ang


kaba
Hahayaan ko sya turuan ako magtiwala
Hahayaan ko ang aking AMA ayusin ang obra na
aking sinira

OBRA na matanggal na kanyang iningatan ngunit


aking dinungisan
ang buhay ko na isang OBRA!

HAHAYAAN KO SYA SAPAGKAT BINIGYAN NYA AKO NG


KARAPATAN MAGING ANAK NYA!

You might also like