You are on page 1of 1

SHANTEA JOAHNE T. AMULONG.

BAJOURNALISM 1-5

“GAPOS NG NAKARAAN”
Gapos? Aba teka, Paano nga ba?
Paano nga ba ako tatakas sa aking pagkakapagos sa nakaraan?
Tila isang malaking palaisipan kung paano makakaligtaan,
Kung paano makakaligtaan ang masasalimuot na pinagdaanan.
Mapagbirong panahon wari ko ba’y nananadya ka.
Sinasadya mong higpitan ang aking pagkakagapos sa nakaraan.
Sa nakaraang kahit kailanman ay hindi mawawala sa aking isipan.
Ang matinding kapalit ng pagkakamali ay walang humpay na lagitik ng
latigo.

Latigo? Oo, latigo. Isang latigong dumurog sa puso ko.


Isang latigong bumuo ng galit sa puso’t isipan ko.
Buong akala ko’y habang buhay na akong ganito ngunit nagkamali ako.
Isang mahalimuyak na bulaklak ang nalanghap ko at ito ang nagpabago sa
hinaharap ko.
Dumating ang mga anak ko at sa isang iglap ay lumambot ang puso ko.
Kaya naman nangako ako sa sarili ko.
Nangako akong hinding hindi ko ipararanas sa mga anak ko ang mga hindi
kaaya ayang naging karanasan ko.
MGA ANAK KO ANG PINAKAMAGANDANG NANGYARI
SA BUHAY KO AT MAHAL KO KAYO.

You might also like