You are on page 1of 16

PAGPAPAHAYAG NG MGA

EMOSYON AT
SALOOBIN
10-IWAY Josh Sebastian T. Labra Karen Villanueva
PANGGANYAK

" Bakit mo ako iniwan inay?"

" Wag kanang babalik dito!


Ano nga ba ang emosyon?
Ang emosyon ay ang nararamdaman ng tao. Ito ay
isa sa mga aspetong pandama ng isang indibidwal.
Maaring ito ay sanhi ng pangangailangan natin
bilang tao. Ang mga nararanasan natin at relasyon
sa kapwa ay nakakaapekto rin sa ating emosyon.
Ang emosyon ay nakakatulong sa atin upang
ipahayag ang ating nararamdaman tungkol sa
isang bagay.

Paano natin maipapahayag


ang ating emosyon at
saloobin?
Ito ang iba't-ibang paraan ng
pagpapahayag ng emosyon at
saloobin
1.Isang paraaan ang paggamit ng padamdam na pangungusap
sa pagpapahayag ng matinding damdamin. Ginagamit sa
pangungusap na ito ang bantas napadamdam (!), at kung
minsa'y ang bantas na patanong (?)

a.Paghanga:Wow! Perfect ang iskor mo.Naks! Ganda! Bilib ako!


b. Pagkagulat: Ha? Nakakahiya.Inay! Naku po!
C. Pagkatuwa:Yahoo! Pasado ako,Yehey! Yipee!
d. Pag-asa:Harinawa, Sana sumama ka sa group study namin.
e. Pagkainis/Pagkagalit: Bagsak ako! Kakainis!
Ginagamit din kung minsan ang panandang pananong (?) sa
pagpapahayag ngdamdamin lalo na kung ito ay may halong
pagtataka.
Maaaring samahan ang mga ito ng parirala o sugnay na tumitiyak
sa emosyongnadarama.

a.Paghanga: Wow,ang ganda n'yan,a!


b. Pagkagulat:O,ikaw pala!
c. Pagkalungkot:Naku,kawawa naman siya!
d. Pagtataka:Siyanga? Totoo bang sinabi mo?
e. Pagkatuwa:Yipee! Matutuwa si Mommmy.
f.Pagkagalit/Pagkainis: Hmmpp! Nakaiinis ka!
g.Pag-asa:Naku, sana nga'y makapasa ka na!
2.Isa ring paraan ang paggamit ng pahayag na tiyakang
nagpadama ng damdamin at/ o saloobin ng nagsasalita.
Ngunit mahuhulaang hindi masyadong matindiang
damdaming inihahayag sa ganitong paraan. Pansinin
ding ginagamitan ng tuldok ang mga pahayag, bagaman
maaari ring gamitan ng padamdam ang bawat isa upang
makapaghudyat ng mas matinding damdamin.
a. Pagtanggi: Dinaramdam ko, hindi na ako lalahok
sa paligsahan.
b. Pagkasiya: Mabuti naman at narito na kayo.
c. Pagtataka:Hindi ako makapaniwala.Ngayon ko
lang narinig angbalitang iyan.
d. Pagkainis:Nakabubuwisit talaga ang
kinalabasan ng pagsusulit.
3.Maihahayag din ang iba pang emosyon sa
tulong ng sumusunod na konstruksiyong
gramatika.
Paggamit ng mga padamdam na pahayag na
karaniwang binubuo ng pariralang nominal o
adjectival.

a. Ang ganda ng tulang iyan!


b. Nakakapanggigil talaga ang alaga mong aso!
c. Ang ilap ng gansa!
Paggamit ng mga ekspresiyong karaniwang
nagpapahiwatig ng antas ngkasukdulan o kasobrahan.

a. Napakakulit ng lalaking mangingibig!


b. Sobrang bait ng mag-aaral.
c. Ang ganda-ganda niya!
d.Talagang gulat na gulat si Arvyl
Paggamit ng negatibong ekspresiyon na binibigyang-diin
kapag binibigkas,kasama ang ano man, sino man, saan man
at iba pa.

a. Wala kang maaasahang ano man sa kaniya.


b. Hindi matatalo ng sino man ang marunong
manuyo.
C. Saan ka man pumunta, hindi ka makaliligtas sa
akin.
Paggamit ng mga tanong na retorikal (Patayutay na
pagtatanong upangbigyang-diin ang isang kaisipan.
Ito ay tanong na hindi sinasagot sapagkatlantad na.)
a. Ang ganda ng ginawa nila, di ba?
(Napakaganda ng ginawa nila!)
b. Dahilan ba iyan para malungkot ka?(Hindi iyan sapat na dahilan para
malungkot ka!)
c. Kasarinlan baga itong ang bibig mo'y nakasusi?
(Hindi, sapagkat nakasusi ang bibig)
d. Anong diperensiya noon?
(Wala iyong diperensiya)
e. Sino ang hindi nakaalam niyan?
(Alam iyan ng lahat)
Pagsusulit

1. “Grabe! Ang saya saya pala nun no?


2. “Bakit mo ako iniwan mahal?”
3. “ANO BA??? Susuntikin talaga kita kapag
inulit mo yun”
4. “ Wag nyo akong iwan dito, sobrang dilim
ng paligid”
5. “Mahal na mahal kita joy”

You might also like