You are on page 1of 2

"Hindi parin ako sapat"

Bumitaw ka sa isang salitang


"Hindi pa ako handa"
Pero sa isang buwan lang,
nakahanap ka ng iba

Yung dating pag aalaga


Sa iba mo na pala ginagawa
Nanlamig ka sakin,kasi may
pinapainit ka pa palang iba

Akala ko tayo hanggang dulo


Akala ko ikaw lang at ako
Pero may iba pa pala sa
buhay mo
Mahal mo ako?!mahal mo rin siya?
ano to?!Burger sale sa Bigmak?!buy 1 take1?

Hindi ba ako naging sapat?


Para mahalin ng tapat?
At di lang ipanglapat
Sa puso mong may sugat?
Hindi ako band aid na basta basta mong itatapal
kung saan may sugat

Hindi ako isang lumang damit


na kapag nagsawa ka
Maghahanap ka ng bagong ipapalit

Alam mo kung anong prutas ang nababagay sa isang taong tulad mo?
mangga,alam mo kung bakit?
kasi manggagamit ka

Hindi ako waiting shed


Na kapag wala siya sa tabi mo
Pupunta ka sakin para makiupo
At kapag nandiyan na siya
bigla ka nalang tatayo at lalayo

Hindi ako isang payong


Na kung kailan masama ang panahon
Saka mo lang maaalala
Dahil mahal!tao ako!
na nasasaktan tulad mo

Siguro ay ganon na nga


Pinagtagpo tayo pero di tinadhana
At pansamantalang Magiging masaya
sa piling ng isa't isa
Dahil alam kong kahit anong gawin ko
hindi parin ako sapat

Nakakatawa lang isipin na sa kwentong


akala ko ang bida ay ikaw at ako
matagal na palang tapos
Dahil ngayon, sa eksenang pinasukan ko
ay isa na pala akong panibagong kwento
na kung saan ang bida ay kayo at di na tayo

Pero alam mo kung ano ang mas masakit?


Yung pakawalan ang taong ni minsan
ay hindi naman naging sayo
Ano pang bibitawan kung sa Simula palang
wala ka nang kinakapitan
Ano pang pangakong mapapako kung di ka naman pinangakuan

Oo!Mahal kita pero tama na!


Hindi pa kita kayang limutin
pero mas Hindi ko kayang
paulit ulit na gamitin

Pakiusap!Wag ka na bumalik
Dahil ayokong mahulog ulit
Sa isang taong di kayang manatili

You might also like