You are on page 1of 1

Babae Ako, Hindi Basta Babae Lang

Hindi man malakas ang aking pangangatawan


Katulad ng kalalakihan
Ngunit paniguradong kaya naman makipagsabayan
Pag dating sa tagisan ng kakayahan
Hindi man magaling ngunit sisiguraduhin na kakayanin
Babae ako, hindi basta babae lang
Kaya ako rin namang mag buhat ng mabibigat
Mabagal lamang ngunit ang importante ay umuusad
Wala naman siguro yan sa bagal o bilis ng pag-usad
Kundi sa proseso ng iyong tinatahap
Pagdating sa Politika
‘di pa naman ako botante kaya sa parting iyon
‘di ako nakikisali
Ngunit nais ko lang tumbukin
Ang kung kaya ng kalalakihan na mamuno
Sa ating bansa, paniguradong kaya rin ng kababaihan
Hindi naman siguro basihan ang kasarian
Para sabihing dalubhasa ka sa ano mang larangan
Hindi ko rin lilimitahan ang aking sarili
Sa mga bagay na nagbibigay importansiya sa’kin
Dahil kung kaya mo at kaya niya
Paniguradong kakayanin ko
Dahil nga babae ako, hindi basta babae lang
Sa mata ng nakakarami isa lang akong babae
Alam ko naming maliit ako pero ‘di pwedeng maging rason iyon
Para maliitin mo ang pagkatao ko
Pero masyado akong maraming ginagawa para
Intindihin pa ang mga sinasabi niyo
Mas kilala ko naman ang sarili ko kaysa sa mga haka-haka ng mga tao
Masyado ng nahubug ng lipunan na ang kababihan
Ay mananatili lamang sa tahanan
Hindi pwedeng mag desisyon dahil ang kalalakihan lamang ang may kakayahan
Minamaliit ang kakayanan, Nawawalang karapatan
‘Yan ang takbo sa lipunan
Bakit ‘di niyo muna alamin kung ano ang mga bagay na kaya kung gawin
Subukan niyo munang ungkatin
Ang nga natatago kung galling
Dahil kung kaya niyo, Paniguradong kakayanin ko
Dahil nga babae ako, Hindi basta babae lang.

You might also like