You are on page 1of 1

Oo, Babae Ako Oo babae ako, pero karapatan ko parin

marespeto,
Ako ay lumaki sa bulag na paniniwala
Oo babae ako, pero may karapatan akong
Ang dapat at hindi dapat gawin, ang mali at
mamili ng aking sariling uri ng pagkatao.
ang tama.
Maayos naman ang pinang-galingan
Ngunit ang tanging di ko maintindihan ay
bakit ang pagkababae ko ang pinagbasehan
ng lahat ng asal na dapat matutunan.
“Babae” isang trabaho
Mula sa pagiging guro o nurse, stewardess o
kasambahay, babae ang tinatakbuhan.
Ang pag-alaga sa kapwa at paglilinis ng
bahay,
Kami lang ba ang may kakayahan?
Nakakairita kasi pakinggan na sa bawat turo
sa’yo,
Babae ka kaya kailangan mong matutunan
ito.
“Babae” isang uri ng pamumuhay,
Hanggang sa paglakad kailangan diretso ang
likod at hindi matitisod.
Ang pag-upo kailangan hindi nakabukaka
kasi masagwa raw ito tignan, kahit na
nakapantalon o bistida ka man.
Naghahanap ka raw kasi ng atensyon at
simbolo ito ng kalandian!
“Babae” isang uri ng limitasyon,
Bawal ka raw gabihin ng uwi kasi delikado
raw sa daan at hindi daw maganda tignan.
Naiintindihan ko ito kasi may katotohanan
naman,
Pero ang hindi ko matanggap ay ang
paghatol sa uri ng pamumuhay na dapat
mong kalagyan kasi babae kang sinilang.
Oo babae ako, pero ito lamang ay isang
kasarian!
Oo babae ako, pero ibig sabihin lang nito
hindi pahaba ang parte kong pribado.

You might also like